645 Isang daan beses na mas gwapo kaysa sayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Madalas na malaki ang epekto sa mga tao ang itsura at kasuotan ng isang tao at ang epektong ito ay makikita sa panlabas at panloob na aspeto.

Malaya at walang pigil ang pinapakita ng itsura ni Ye Mu Fan. Makikita ang pagbabalik ng marangal at loko-lokong anak na lalaki...

Mas kaaya-aya siya sa paningin ngayon, kung ikukumpara ang itsura niya noon na malamya at magagalitin...

"Magaling, ang gwapo mo na. Bilhin mo rin ang set na ito." masayang tumango si Ye Wan Wan.

"Gawa siya sa magandang materyales at komportable siyang suotin. Tingnan mo ang mga mumurahin na damit na suot ko noon… dahilan iyon ng pangangati ng sensitibong balat…" Pinakita ni Ye Mu Fan ang pulang marka na may rashes sa kanyang pupulsuhan.

Walang masabi si Ye Wan Wan. "May sakit ka lang ng prinsipe…"

Sumagot sa kanya si Ye Mu Fan, "Ang lakas ng loob mong husgahan ako, huh? Mas sensitibo ang balat mo kaysa sa akin, okay? Alam mo ba kung gaano kahirap na pumili ng mga damit ko? Kailangan kong isipin kung saang materyales ito gawa para malaman ko kung angkop ito sa balat ko at para hindi ako magkaroon ng allergic reactions!"

"Talaga? Okay naman ang balat ko!" kinindatan siya ni Ye Wan Wan.

Ilang taon na akong walang allergic reactions...

Siguro ang sarap ng buhay ko noon kaya nawala ang pagiging maselan ng balat ko?

Hindi na nilaliman ni Ye Wan Wan ang isyu na ito kaya tinuro niya na lamang ang dark blue na suit. "Suotin mo iyon."

"Yung medyo maitim na suit?" tinanong siya ni Ye Mu Fan.

"Oo."

"Hindi nga? Anong klase ba ang taste mo, Ye Wan Wan… ang style mo ay hindi ko style, okay?"

"Sinong nagsabi na sayo ang suit na yan?" tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan.

"Ako ang pinapasuot mo nito. Eh kung hindi ito para sa akin…" naguluhan si Ye Mu Fan at bigla siyang naliwanagan kaya ngumiwi ang itsura niya at tinanong niya si Ye Wan Wan, "Huwag mong sabihin sa akin na… plano mong ibigay ito sa halimaw na lalaking iyon, huh?"

"Anong halimaw na lalaki? Legal ko siyang boyfriend. Suotin mo ito para sa kanya. Gusto kong makita kung anong itsura nito pag nakasuot sa kanya." hindi na tumanggi si Ye Wan Wan.

Lalong dumilim ang itsura ni Ye Mu Fan habang papalapit siya kay Ye Wan Wan. "Bibilhan mo talaga siya ng mamahalin na suit? Wan Wan, sigurado ka ba na tapat ang lalaking ito sayo? Kailangan mong maging maingat - masahol na ang mga lalaki ngayon!"

Nanahimik bigla si Ye Wan Wan nang marinig niya ang sinabi ni Ye Mu Fan na "masahol na ang mga lalaki ngayon." Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?

Ye Mu Fan: "Kailangan mong isipin ang sarili mo, Wan Wan. Paano kung ang tingin niya lang sayo ay maganda at mayaman kaya gagamitin niya lang ikaw para sa pera at katawan mo?"

Nabigla ang buong pagkatao ni Ye Wan Wan nang marinig niya iyon.

Ye Wan Wan: "Gagamitin niya ako para sa pera ko… gagamitin ako para sa katawan ko…?

Ye Mu Fan: "Tama!"

Ye Wanwan: "..."

Ilang minuto rin na walang masabi si Ye Wan Wan at pagkatapos ay buong puso niyang sinabi, "Ge, masyado kang nag-iisip. Kung may tao man na manggagamit ng tao para sa pera at katawan, ako na ang masasabi mong may sala!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yung mismong literal na sinabi ko ang ibig kong sabihin. Hay, tigilan mo na ang pagbubunganga mo. Suotin mo na ang suit na iyon!" pinilit siya ni Ye Wan Wan.

Nag-atubili kaagad si Ye Mu Fan sa loob ng changing room noong pinilit siya ni Ye Wan Wan.

Matapos ang ilang minuto, galit na lumabas si Ye Mu Fan ng changing room.

Hinaplos-haplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at tinitigan niya ng matagal si Ye Mu Fan. "Uh, bakit ang weird ng itsura?"

"Sinabi ko na sayo na hindi bagay sa akin ang suit na ito!" iritable na sinabi ni Ye Mu Fan.

Sinubukang magtanong ni Ye Mu Fan. "Ano bang itsura ng boyfriend mo, ano ba ang style niya? Dali, sabihin mo sa akin."

Nagmuni-muni si Ye Wan Wan bago siya sumagot, "Ano bang itsura niya… ang lebel ng ka-gwapuhan niya ay halos mas mataas ng isang daan na beses kung ikukumpara siya sayo."

Mabilis na nangitim ang mukha ni Ye Mu Fan na maihahalintulad sa puwet ng kawali. "Hindi ka ba natatakot na baka mag gumupit ng dila mo dahil sa kayabangan mo?!"

Maganda ang dugo ng Ye family - ang bawat isa sa kanila ay nakakaakit ang itsura, lalo na ang kuya niyang ito na si Ye Mu Fan. Naging gwapong-gwapo siya sa kanyang sarili simula pa noong bata siya, kaya maniniwala siya kapag sinabi ni Ye Wan Wan na gwapo ang kanyang boyfriend. Mahihirapan siyang maniwala sa sinabi ni Ye Wan Wan na isang daan na beses ang lebel ng kagwapuhan nito kung ikukumpara sa mukha ng kanyang kuya.

avataravatar
Next chapter