531 Isang beses sa isang linggong date

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mula sa boluntaryong pagtulong niya hanggang sa paghalik…

Kahit noon pa man minamaliit na niya ang kanyang kakayahan…

Bagama't natapos na ang halikan, hindi pa din binitawan ni Si Ye Han ang kanyang kamay.

Para sa kabuuan ng pelikula, pinagsawalang bahala lang ito ni Ye Wan Wan.

Oh, ngayon talagang ramdam ko na tayo...

Hindi ito madali…

Matapos ang pelikula, naghintay si Ye Wan Wan hanggang siya ay sigurado na nakaalis na si Qiao Ke Xin at Han Xian Yu bago umalis sa sinehan kasama si Si Ye Han.

Sa labas ng entrance ng sinehan, naghihintay na si Xu Yi doon.

Sumulyap si Xu Yi sa kanyang relo at lumingon sa entrance. Tulad ng inaasahan, nakita niya ang dalawang pamilyar na anyo.

Nang papunta palapit ng dalawang tao, hindi naiwasan ni Xu Yi kundi nanlaki ang kanyang mata sa gulat. Napagtanto niya na ang kanyang master ay talagang boluntaryong hawak-hawak ang kamay ni Ye Wan Wan.

Hindi tinangkang paniwalaan ni Xu Yi ang kanyang mata. Kung ito'y magkakaroon ng kahit anong matinding ganap, hindi na siya magugulat, ngunit sa isang pagsusulit sa EQ at katuwaan gaya ng hawak-kamay ay talagang kakaibang usapan sa kanyang master.

Siya ay umidlip, kumain ng pagkain, nanuod ng pelikula, at hinawakan ang maliit na kamay ni Ye Wan Wan…

Bigla niyang napagtanto na ang kanyang master ay nagpapakita lalo ng emosyon at nagiging parang normal na tao.

Talagang si Miss Wan Wan ay… kamangha-mangha…

Nang marating nila ang unahan ng sasakyan, bumalik na rin sa wakas ang katinuan ni Xu Yi at kaagad na binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Matapos nilang makasakay sa sasakyan, bumalik na sa nakagawiang pagkamalamya ni Si Ye Han.

Lumipat si Ye Wan Wan, sinusubukang kunin ang credit. "Kamusta? Hindi ka ba naginhawaan matapos ang paglalakad-lakad? Masyado kang na sa bahay - kailangan mong dalasan ang paglabas!"

Nagbigay ng ilang ideya si Ye Wan Wan saka nagpatuloy, "kung lumabas tayo isang beses sa isang linggo?"

Malinaw na sumagot si Si Ye Han. "Sige."

Si Xu Yi, na nag mamaneho, ay tumingin sa kalmadong mukha ng kanyang master na hindi nagpapakita ng kahit na anong pagkasabik: "..."

Oo na, gagawin ko na lang ang sinabi niya.

Sa sandaling ito, isang telepono ang tumunog - ito ay kay Ye Wan Wan.

Nag-iba ang itsura ni Ye Wan Wan ng sandaling makita niya ang caller ID.

"Ano… tumatawag si Han Xian Yu… bakit siya tatawag sa akin ng ganitong oras? Maaaring nalaman niya ngayon lang na kami ang nasa pelikula?" nakaramdam si Ye Wan Wan ng pag-guilty.

Lumingon sa kanya si Si Ye Han. "sa madaling salita,hindi."

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan.

Maaari ko bang itanong kung saan nanggaling ang "logic" na ito?

Matagal na tumunog ang kanyang telepono. Ito ay kahinhinala kung hindi niya ito sinagot, kaya sinagot na lang ni Ye Wan Wan ang tawag., binabaan ang kanyang boses, nagpalit sa kanyang lalaking boses at kinakabahang sinabi, "Hello? Xian Yu, bakit mo ako tinatawagan ng ganitong oras? May nangyari ba?"

"Wala naman, gusto ko lang makita kung gusto mong pumunta sa Golden Orchid awards ceremony?" tanong ni Han Xian Yu.

"Uh, Golden Orchid awards ceremony?" napahinto si Ye Wan Wan saka sinabi, "siguradong hindi ako makakapunta para diyan!"

"Kinuhanan kana ng entry ticket ni Xin-jie. Punta tayong dalawa kapag libre ka!" ang sabi ni Han Xian Yu.

Medyo nagulat si Ye Wan Wan. hindi niya inaakala na iimbitahin ni Qiao Ke Xin ang sinuman katulad niya. "Ito… ay medyo awkward, diba?

"Wala lang iyon, basta sumama ka lang. Gayon pa man, nakahanda na ang isang ticket para sa iyo, nang si Xin-jie at ako ay nanuod ng pelikula 'Legend of the Quiet Girl' ngayon, pinag-uusapan ka namin - sinabi ko na ang pelikula na iyon ay hindi na masama at ang iyong hula ay naging totoo!" biro ni Han Xian Yu.

Bahagyang napaubo si Ye Wan Wan. "ito lang ako kung ano ano ang sinasabi kapag nalalasing. Pakiusap ihingi mo ako ng tawad kay Xin-jie, sana wala lang sa kanya iyon…"

Natawa si Han Xian Yu. "Relaks, wala lang kay Xin-jie ang lahat ng iyon. Oh tama, hulaan mo kung sino ang nakabangga ko sa sinehan?"

avataravatar
Next chapter