277 Isang babae???

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa isang high-class apartment:

Nang mga sandaling nagsabi ng totoo at humingi ng tawad si Zhao Da Yong, si Fei Yang na sa simula pa lang ay inaatake na ng kaniyang anxiety, ay agad na napatalon at napasigaw, "nangako siya na ihahatid niya sa loob ng pitong araw at pang pitong araw na nga! Walang labis walang kulang! Ang galing! Hindi ko maisip kung paano na patunayan ni Ye Bai na inosente ka,ngunit sinong mag-aakala na magagawa niyang paaminin si Zhao Da Yong mismo! Hindi mo na kailangan mag-alala sa hinaharap!

"Nagamit din natin sa tamang panahon ang baraha natin! Magandang bagay din na nakinig ka sa kanya sa board meeting!"

"Ang bastardong iyon, na si Zhou Wen Bin ay hinulaan at umasa sa iyong pagbagsak upang maging maayos ang actor na kanilang hinahawakan. Ngayon na makikita ko na kung bastos pa din siya…"

Balisa pa din si Fei Yang ng mapansin niyang nakatitig lang si Han Xian sa kaniyang telepono, naguguluhan, kaya tinawag niya ito, "Xian Yu… Xian Yu? Anong iniisip mo? Nakita mo ba iyon? Humingi na ng tawad si Zhao Da Yong sa publiko!"

"Nakita ko." nakatutok pa din Han Xian Yu sa kanyang telepono.

Tinignan siya ni Fei Yang at nag-isip, "naghihintay ka ba ng tawag ni Ye Bai? Tama… ilang araw na din ang nakalipas… bakit hindi pa din siya tumatawag...tatawagan ko siya at tatanungin…"

Umalis si Fei Yang upang tumawag.

Sa bandang huli, matagal ng tumutunog ang telepono, ngunit walang sumasagot.

"Bakit hindi niya sinasagot?" nagtatakang sabi ni Fei Yang.

Ibababa na sana ni Fei Yang nang may sumagot na sa wakas at ang malambing na boses ang lumabas sa nakatanggap-- "Hello? Sino ito?"

Napatigil si Fei Yang sa boses ng babae at nanigas ang kaniyang mukha, "Uh, Ikaw si…"

Malapit lang si Han Xian Yu kaya naririnig niya na ang taong sumagot ay isang babae. Napa-kunot ang kilay niya at nagtanong, "Maling numero?"

Tinitigan ni Fei Yang ang kaniyang telepono, "Hindi, baka may napindot lang ako? Bakit naman babae ang sasagot? Xian Yu, patingin ulit ako ng numero!"

Kaparehong oras sa Jin garden:

Katatapos lang tignan ni Ye Wan Wan ang live telecast at siya ay maliligo na. Habang siya ay naghahanap ng masusuot, narinig niyang tumunog ang telepono.

Isang hindi kilalang numero, hindi niya inisip masyadong iyon at sinagot ang tawag. Ngunit ng sinagot na niya, nakarinig siya ng isang pamilyar na boses na parang kaboses ni Fei Yang...

Walang pag-iingat...

Agad na inilayo ni Ye WanWan sandali ang kaniyang telepono at inayos ang kaniyang salita, agad na pinalitan ng boses ng isang lalaki, "Hello? Manager Fei? Ako si Ye Bai!"

Nagsaliksik dati si Ye Wan Wan tungkol sa mga technique ng pagpapalit ng boses at niyang natutunang gawin ito kaya mahusay ang pagpalit ng boses. Ngunit makakatagpo pa siya ulit ng ganitong klaseng sitwasyon sa hinaharap, kaya kailangan niyang maging lalong maingat.

Nang marinig ang boses ni Ye Bai sa telepono, kinuha ulit ni Fei Yang ang telepono, "Mr. Ye? Akala ko mali ang natawagan kong numero! Ang taong iyon ay…"

Sinusubukang alamin ni Fei Yang kung sino ang babae.

Kaswal lang na sumagot si Ye Wan Wan, "kaibigan ko iyon. Manager Fei, may kailangan kaba?"

Malalim ang iniisip ni Fei Yang matapos marinig ang sagot ni Ye Bai.

Kaibigan? Gabi na din, baka girlfriend niya iyon?

Ngunit sa kanyang itsura, normal lang na magkaroon siya ng girlfriend...

Agad na nag-salita si Fei Yang ng bumalik siya sa kaniyang katinuan, *cough* "Tawagin mo na lang akong Fei Yang. Wala lang iyon; gusto ko lang malaman mo na nanuod si Xian Yu at ako ng live telecast. Bro, ang galing mo! Hindi lang sa napa baligtad mo ang opinyon ng publiko, nakapaghiganti ka pa sa walang kwentang iyon at napatunayan na inosente si Xian Yu. lubos kaming nagpapasalamat sa iyo! Sabihin mo lang sa aking kapag maykailangan ka!"

"Yang-ge, napaka magalang mo. ako mismo ang kukuha ng gusto ko kay chairman Chu," Sagot ni Ye Wan Wan.

Nag-iba ang tingin ni Fei Yang nang makita niya na napaka direkta at totoo ni Ye Bai. "Sige na…"

Nang mga sandaling iyon, Inabot ni Han Xian Yu ang kaniyang kamay, nagpapahiwatig na gusto niyang makausap si Ye bai.

"Ye-ge, gusto kang makausap ni Xian Yu." inabot ni Fei Yang ang telepono kay han Xian Yu.

Nanatiling tahimik si Han Xian Yu ng ilang sandali bago lumabas ang dalawang salita mula sa kaniyang bibig, "Maraming Salamat."

Tumawa si Ye Wan Wan at sumagot, "Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, bigyan mo ako ng autograph mo balang araw? Ibibigay ko iyon sa kaibigan ko! Matutuwa iyon!"

Tumango si Han Xian Yu at taimtim na sumagot, "makakaasa."

avataravatar
Next chapter