1175 Isang aso ang unang makakuha ng parangal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ginawa lamang ng dalawa iyon para makakuha ng pabor sa Worldwide at Emperor Sky. Dalawang malalaking boss ba naman ang nagbigay sa kanila ng kautusan, maliit at mahinang kumpanya lamang ang Age of Immortals. Masaya silang sumunod sa dalawang malaking kumpanya dahil inakala nila na wqlang may pakialam kung makakasama sila sa selebrasyon o hindi.

Gayunpaman, sinong makakaalam na mapapanalunan pala ng isang maliit na kumpanya ang parehong Best Actor at Best Actress! Dalawa pa nga ang naging Best Actor nila!

Ngayon, wala silang nagawa kung hindi kunin muli ang mga taong iyon. Kung hindi, magiging malaking katatawanan ang Golden Orchid banquet ngayong gabi...

Maraming mga tao ang gumawa ng isang grupo na may tatlo hanggang limang tao at pinag-uusapan nila ito.

"Eh, bakit wala pa ang Best Actor at Best Actress natin?"

"Nabalitaan ko na hindi sila nakakuha ng imbitasyon!"

"Hindi sila nakakuha ng imbitasyon…? Niloloko mo ba ako?"

"Ang Age or Immortals ay ginawa ng noo'y tagapagmana ng Emperor Sky Entertainment. Naiintindihan mo na ba?"

"Kaya pala… pinahirapan siguro sila ng Emperor Sky Entertainment?"

"Pinahirapan rin sila ng Worldwide. Hindi ba't nagta-trabaho noon si Ye Bai sa Worldwide? Parehong malalaking agencies ang nakikipaglaban para makuha ang Best Actor at Best Actress awards, pero napunta ang mga ito sa Age of the Immortals…"

"Pft, malaking pasabog ito!"

Biglang narinig ang pagkagulat ng mga tao na nasa entrance.

Pumasok ang grupo ng mga tao sa entrance at si Ye Mu Fan ang nangunguna sa kanila.

Maririnig ang pagkahanga ng mga tao sa buong hall.

Ang lahat ng dumalo sa selebrasyon ngayong gabi ay mga batikan na sa entertainment industry at sanay na silang makakita ng mga gwapo at magagandang mga tao, pero hindi nila naiwasang mamangha sa pagpasok ng grupong ito.

Kaya pala binansagan ang Age of thr Immortals na "Ang Dakilang Grupo ng mga Nakakamanghang Mga Itsura" ayon sa mga netizens.

Nakakatakot ang awrahan kapag nagsam-sama sila Han Xian Yu, Gong Xu at Luo Chen. Napakaganda rin ng bagong Best Actress. Kahit ang mga senior managers na kasama nila ay nakakabulag rin ang kawapuhan.

Lalo na si manager Ye Bai. Hindi siya magpapatalo sa mga artista na magaganda at gwapo ang itsura. Kahit na simple lamang siya, ang awra at appeal niya ang pinakamalakas. Nararamdaman ng lahat ng tao na sa kanya umiikot ang Age of the Immortals.

Isang senior manager ng mga organizers ang lumapit sa kanila at nakangiting bumati. "Nandito na kayong lahat!"

Simple lamang na ngumiti si Ye Mu Fan sa kanya. "Pasensya na. Nasa daanan na kami noong umikot kami papunta dito, kaya nahuli kami."

Medyo naubo ang senior manager. "Ahem, okay lang, okay lang. Hindi kasi namin kayo nasabihan ng mas maaga…"

Nawala na ang pakiramdam ng pagpapahiya pagkatapos nilang mag-usap.

Biglang may isang tao na sumugod sa kanila at bigla silang sinigaw-sigawan, "P*ta ka! Gong Xu, hayop ka! Ininsulto mo at sinigaw-sigawan mo ako noong na-nominate ako bilang Best Supporting Actor, dahil sinabi mo na pinagtaksilan kita at iniwan ko ang team. Tapos, tingnan mo ikaw ngayon! Bigla mong kinuha ang parangal na Best Actor! Saan na ang pinangako mo na magkakasama ang magkakapatid at isang aso ang unang makakakuha ng parangal?" 

Inirapan lamang siya ni Gong Xu. "Shoo! Tang Xing Huo, talunan ka talaga at walang kwenta na nga ang acting skills mo pero ayaw mo pa itong ayusin! Pinagbawalan ako ni Brother Ye na makipaghalubilo pa sayo!"

"Punyeta! Inuuna mo ang mga pokpok mo kaysa sa mga tropa mo! Teka… parang may mali sa sinabi ko… pero loko ka pa rin, huwag kang tatakas ngayong gabi! Halika dito!"

Hinaltak ni Tang Xing Huo si Gong Xu at nag-inuman sila.

Abala si Ye Mu Fan at Ye Wan Wan, gayundin ang kanilang grupo, na nakipag-usap sa iba't ibang mga tao sa selebrasyon nang biglang dahan-dahan na lumapit si Grandfather Ye papunta sa kanila. Nasa likod niya naman sila Ye Shao An at Ye Yiyi.

Malumanay ang itsura ni Ye Hong Wei. "Mu Fan!"

Nagulat si Ye Mu Fan. "Lolo!"

Makikita ang pagpupuri sa mukha ni Ye Hong Wei noonh tiningnan niya ang kanyang apo. "Mahusay ang ginawa mo ngayon, apo."

"Salamat, lolo! Lahat ng ito ay dahil tinuruan mo ako ng maayos!" Pinuri siya ni Ye Mu Fan.

avataravatar
Next chapter