webnovel

Isampal sa kanila ang mga marka

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang nagkakaroon ng mainit na diskusyon sa loob ng silid-aralan, ang guro sa Wika na si Feng Rui An ay napadaan habang dala-dala ang mga papel ng kanyang mga estudyante.

Naririnig ang magulong kumosyon sa loob ng silid-aralan, agad na napahinto si Feng Rui An at sumilip, "Liang, anong nangyayari dito? Umagang-umaga, ano ang ikinagagalit mo?

"Anong gagawin ko? Sobrang kulit ng estudyanteng 'to!" pagturo ni Liang Li Hua sa kanyang estudyante na si Ye Wan Wan.

"Hay naku, Ye Wan Wan, ikaw na naman..." nasabi ni Feng Rui An habang nakatingin sa batang babae na nagmumukmok sa isang sulok. "Teacher Liang, huwag po kayong magalit. Mali nga po siya pero para sa mga bata sa ganitong edad, ang pagdadamit ng hindi naaayon ay katanggap-tanggap pa rin.

"Nagawa naman ni Ye Wan Wan ang kanyang pagsusulit, huwag ka nang magalit! Kakatingin ko lang ng kanyang eksaminasyon, maayos naman niyang nagawa na may mataas na marka sa Language subject. Maging sa composition! Pwede nang maging model essay!" 

"Mataas marinig ang kanyang sinabi, natigilan bigla si Liang Li Hua at mabilis na kinausap si Feng Rui An, "Ano? Teacher Feng, sinabi mo na nakita mo ang papel ni Ye Wan Wan?"

"Tama! Tingnan mo 'to…" agad ni inilabas ni Feng Rui An ang exam booklet ni Ye Wan Wan na nasa ibabaw.

Tiningnan ni Liang Li Hua ang papel mula sa umpisa hanggang sa huli; tama ang bawat sagot na nakalagay sa papel at tulad nga ng sabi ni Feng Rui An, pwede itong maging model essay.

Namula ang mukha ni Liang Li Hua at mariing nagsalita, "Teacher Feng! Malaking problema ito ngayon! Pwedeng nailabas ang mga tanong na ito!"

Natigilan si Feng Rui An, halata sa kanyang mukha ang pagkagulantang, "Teacher Liang, huwag kang magsalita ng basta-basta! Confidential ang exam questions, paano mo nasabing nakuha ang mga ito?"

Bahagyang napangiti si Liang Li Hua and agad na ipinasa ang report card ni Ye Wan Wan kay Feng Rui An, " Teacher Feng, maiintindihan mo ang lahat kapag nakita mo 'to!"

Kinuha ni Feng Rui An ang report card, agad na binasa at bakas sa mukha ang kanyang pagkakabigla.

Maliban sa bagsak na grado sa Math, si Ye Wan Wan ang tanging nakakuha ng pinakamataas na grado sa ibang subjects at siya pa ang nagunguna sa klase!

Hindi kapani-paniwala na nanggaling ito kay Ye Wan Wan na palaging nangunguna sa bawat eksaminasyon!

Maging ang mataas na marka sa language subject ay nakakamangha....

"Ito…" sa mga oras na ito, hindi na nagawa pang makapagsabi ng konklusyon si Feng Rui An.

"Nabigyan na siya ng notice of expulsion pero patuloy pa rin siyang nagdudulot ng gulo. Ang tulad niyang estudyante na nananatili pa rin dito sa Qing He, ay magdudulot lang ng mas malaki pang gulo!" Mabilis na bumulalas ng titig si Liang Li Hua kay Ye Wan Wan na nakaupo sa hulihan, "Ye Wan Wan! Pumunta ka rito! Sumama ka sakin sa Students Affairs office! Sinasabi ko sa'yo, hindi na 'to maayos pa ng light expulsion lang!"

Isang malaking gulo itong pinasok niya sa pagkuha ng exam questions!

"Grabe! Hindi ako makapaniwala sa pangit na babaeng 'yon, sobrang talentado niya! Nakuha niya ang lahat ng exam questions!"

"Itinago niya lang lahat ng exam questions ng hindi man lang ibinabahagi sa'tin! Dapat lang sa kanya 'yan!"

"Itong manloloko na 'to, dapat minali niya 'yung sagot niya sa ibang mga tanong para hindi lahat pandadaya niya. Sinadya na kayang malaman ng lahat?"

"Malaking gulo ang pinasok ng pangit na babaeng ito ngayon!"

Samantala, sa isang sulok malapit sa hulihan ng mga upuan, katabi ng bintana, kinuha ng batang lalaki ang kanyang libro para takpan ang kanyang mukha. Ngumisi at luminga siya sa batang babae na katabi niya.

Hanggang sa puntong ito, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng batang babae mula pa nung umpisa. Nanatiling walang pakialam at tuwid ang kanyang ekspresyon na nagawa pang tumitig ng tuwid sa mga mata ni Liang Li Hua na may pahiwatig ng uyam.

Sinasabi ng lahat na si Ye Wan Wan ay isang hangal at maging siya ay ramdam ito.

Kung nagawa niyang hindi mahalata sa pagkuha ng exam questions, hindi na siya mahuhuli pa.

"Baliw! Tingnan nating kung paano mo maaayos 'tong gulong pinasok mo!"

Narinig ni Ye Wan Wan ang sinabi ng batang lalaki sa tabi niya na nakangisi. May biglang ningning na lumabas sa kanyang mga mata, at tumingin sa kanya, "Isang re-test lamang, tingnan mo, sasampalin kayo ng little missy na ito ng mataas na mga marka muli!"

Natuliro si Xia nang makita ang ningning sa kanyang mga mata. Nang mapagtanto niya ang kanyang sinabi, hindi na niya nagawa pang makapagsalita, "..."

Next chapter