1002 Isa talaga siyang henyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang kanilang pagfilm, agad na sumigaw sa galak ang mga nakapalibot

"AHHHHH! SOBRANG GWAPO NI GONG XU!"

"MAHIHIMATAY NA AKO!"

"Sinong may sabing hindi marunong umarte ang Gong Xu ko? Bulag na ata sila, 'di ba?"

"Pumunta lang ako dito para sa aking little angel Xian Yu, pero paano nangyari na nahulog ako kay Gong Xu?! Hindi ito tama, hindi ito tama! Kailangan mailaan ko ang aking sarili sa aking little angel Xian Yu! Hindi ko siya pwedeng lokohin ng ganito!"

"Oh! Hindi ako makapagpigil! Pasensya na…"

"Magaling! Cut!" sigaw ng direktor.

Natapos ang pagfilm sa isang kuha lang.

Patuloy ang pagbigay ng puri ng direktor kay Gong Xu: "Hindi na masama, hindi na masama! Sobrang natural ng pag-arte at walang anumang mali roon, lalo ka na Gong Xu!"

"Ahahahaha… Sinabi ko na noon! Talagang matalino ang young master na ito! Hindi ba nararapat ng Golden Orchid ang ginawa ko? Sobrang dali! Ye-ge, hindi mo na kailangan mag-alala sa pag-arte ko!"

Matapos marinig ang papuri ng lahat, abot hanggang tenga ang laki ng ngiti ni Gong Xu.

Bumuntong-hininga si Ye Wan Wan habang nagmamasdan siya sa malayo.

Ang lalaking 'to… akala niya talaga pinupuri siya....

Kanina, tinulungan siya ni Ye Wan Wan ulit-ulitin ang script niya. Talagang sakto ang eksena na ito sa kanyang personalidad, kaya syempre walang anumang mali sa kanyang pag-arte. Inasahan na iyon ni Ye Wan Wan.

Ang mahirap na parte ay ang nasa ikalawang bahagi...

Nilapag ni Han Xian Yu ang hawak script at sabi kay Ye Wan Wan, "Madaming potensyal ang pelikulang ito at may pag-asa pang makapanalo ng award. Hindi imposible na manalo siya ng Golden Orchid para sa Best Actor…"

Sabi ni Han Xian Yu bago nagdagdag ng isa pang pangungusap. "Syempre, si Luo Chen ang ibig kong sabihin…"

May dalawang bidang lalake ang pelikula at hindi naman na masama si Luo Chen hangga't hindi

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at biglang sinabi, "Xian Yu, sa kasaysayan ng Golden Orchid, nagkaroon na ba ng pangyayari kung saan may nanalo ng dalawang award para sa Best Actor sa isang pelikula?"

Nagulat si Han Xian Yu. "Hindi… pa nangyayari 'yon! Pero may ibang mga pelikula na may dalawang bidang lalake na nakaabot sa cut, hindi pa nangyayari iyon. Kahit na may dalawang bidang lalake sa isang pelikula, isa lang ang makakakuha nito. Hindi mo naman iniisip…."

Hindi lubos maisip ni Han Xian Yu na talagang mataas ang pangarap ni Ye Wan Wan. Hindi lang niya gusto ng Best Actor award sa kanyang pelikula, pero gusto niya pa ay dalawa!

Ngumisi si Ye Wan Wan. "Tignan natin kung handang magsikap si Gong Xu… Kay Luo Chen naman, mayroon siyang 80 persyentong tsansa…"

Tumawa si Han Xian Yu, "Talagang may tiwala ka kay Luo Chen?"

Nagmukhang hambog si Ye Wan Wan. "Syempre. Ako mismo ang nag-alaga sa kanya!"

Nagtanong si Han Xian Yu, "Paano naman ako?"

Nanghimutok si Ye Wan Wan. "Nakatanggap ka ng Golden Orchid nang labingwalong taong gulang ka at maayos din ang pagtanggap ng pelikulang pinagdebu mo. Noong nakaraang taon, naging kandidato ka din para sa isang pambansang pelikula. Umalis ka na sa bagitong grupo at natawag ka nang beteranong may talento. Wala na akong magagawang tulong sa 'yo…"

Eh, bakit bigla kong naintindihan ang mga sinabi ni Si Ye Han mula sa kanina?

"Dahil sa 'yo kaya ako naging kandidato para sa pelikula noong nakaraang taon. Ikaw ang nag-udyok sa akin para piliin ko ang pelikulang iyon," sagot ni Han Xian Yu.

Bukod dito, binigyan din siya ni Ye Bai ng ilang paalala. Noong mga oras na iyon, hindi niya ito artista. Tanging kaibigan lang ito sa kanya.

Madaming beses siyang tinulungan ni Ye Wan Wan - pero hindi niya ito dinibdib.

Matapos magsalita ni Han Xian Yu, binalik niya ang usapan patungo kay Gong Xu. "Sobrang ganda ng eksenang ginawa ni Gong Xu, pero sa pangalawang bahagi, baka…"

Umaninag si Ye Wan Wan kay Gong Xu at ngumiti. "Matapos ang unang bahagi ng pelikula, naghanda ako ng training camp ng impyerno para kay Gong Xu…"

avataravatar
Next chapter