75 Isa sa mga tauhan ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Damn! Ano bang nangyayari? Akala ko may magandang palabas na mangyayari ngayong araw! Bakit tinulungan ni Ling Dong si Ye Wan Wan?"

"Malay ko! Nakakabaliw naman 'to!"

"Siguro dahil 'to sa pangmamaltrato ni Zhao Xing Zhou?"

"Paanon si Ling Dong, ang kilalang siga sa eskwelahan, nagkaroon ng takot? Mas maganda sana kung hindi pa niya papalalain ang sitwasyon!"

...

Sa gitna ng diskusyon, umupo na si Ye Wan Wan sa upuan ni Ling Dong.

Handa naman na siya sa anumang gulo pero hindi niya talaga inasahan ang nangyari kanina.

Talaga bang dahil 'to sa parusa ni Zhao Xing Zhou kay Ling Dong?

O baka naman...

Naalala pala ni Ye Wan Wan na hindi inaasahang nakita siya ni Ling Dong na walang makeup kagabi.

Hindi kaya dahil sa nangyari kagabi kaya siya ganito?

Maya-maya'y tumunog na ang school bell hudyat na para simulan ang klase at nagsimula nang manahimik ang lahat. Hindi na nagisip pa ng kung anu-ano si Ye Wan Wan.

Tiningnan niya ang kanyang cellphone sa kanyang drawer, wala sa pokus.

Mula kagabi hanggang ngayon, hindi siya tinawagan ni Si Ye Han matapos siyang maihatid ni Xu Yi sa eskwelahan.

Mula sa reaksyon niya kahapon, hindi na dapat siya dapat galit, diba?

Sa katunayan nga, nakipagsapalaran pa rin siya kahapon.

Kung nawala sa wisyo si Si Ye Han at talagang ikinulong siya sa kwarto nang walang hinihinging eksplenasyon man lang sa kanya, siguradong magiging malala ang kahihinatnan niya.

Mabuti na lang hindi nauwi sa wala ang mga ginawa niyang pagpaplano. Hindi na pinaniwalaan pa ni Si Ye Han ang mga salita ni Shen Meng Qi at siya na rin na mismo ang nagimbestiga sa nangyari.

Pagkatapos ng klase, patuloy lang pa ring tinititigan ng mga estudyante si Ye Wan Wan at nagbulung-bulungan.

Nang makita si Cheng Xue at ang tatlo niyang mga tagasunod na madaling papalapit kay Ye Wan Wan, naalerto na naman ang lahat.

"Hoy, pangit na halimaw! May ibibigay kami sa'yo!" sigaw ng isa sa mga babae na may mahabang baba.

Kadalasan, ang mga estudyanteng tinatawag pagkatapos ng klase ay dinadala sa CR ng mga babae para pagtripan.

Kahit na ayaw ni Ye Wan Wan na pansinin pa ang mga away-bata na katulad nito, ang guluhin siya palagi ay nakakaapekto na sa emosyon niya.

Mariin siyang tumitig at saka parang balewala na sumagot, "Sige!"

"Anong hinihintay mo, bilisan mo na!" hindi na makapaghintay pa ang babae at saka siya hinila agad kasama ng isa pang babae na humila rin sa kanya.

Nakayuko lang si Xia sa mesa habang umiidlip nang makita niya ang mga babae at napakunot siya ng kilay sa nangyayari. Nang magsasalita na siya, isang malamig at seryosong boses ang nagsalita mula sa likuran niya——

"Sinong may sabi na pwede niyo siyang hawakan?"

Nakatayo si Ling Dong sa may pinto ng silid nila at may dalang malaking plastic bag; nakakatakot ang kanyang ekspresyon.

Kahit na hindi kasing-gwapo ni Ling Dong si Si Xia, may sarili naman siyang karisma. 'Yung init lang talaga nung ulo niya ang nagpaiba sa kanya kay Si Xia. Para siyang nagwawalang lobo, may pagkabayolente at nakakatakot kapag nakikipagaway. Takot lahat sa kanya kapag nakikita siya araw-araw. Nang makita siyang ganito ang ekspresyon, nanlambot silang lahat.

Nang makita nilang nakatayo roon si Ling Dong at may nakakatakot na ekspresyon na mukha, kinabahan bigla ang tatlong mga babae, "Dong...kuya Dong!"

Samantalang ang isang babae naman ay tumindig para magpaliwanag, "Dong, nakakairita kaya itong pangit na halimaw na 'too. Hindi lang niya inagaw 'yung papel sa palabas ni Cheng Xue, pinahirapan ka rin niya. Ipaghihiganti lang namin para sa'yo!"

Mariing tumitig si Ling Dong sa tatlong babae at maging sa lahat sa loob ng silid. Sinisigurado na nabigkas niya ng maigi ang mga sasabihin niya, "Dahil wala namang nakaintindi sa inyo sakin ngayon, uulitin ko. Mula ngayon, Ye Wan Wan is now one of my people! Kung sinuman sa inyo ang humawak sa kanya, makakalaban niya ako--si Ling Dong!"

avataravatar
Next chapter