9 Isa kang hangal!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pagkarinig ng isang pamilyar na boses, tila ba nakakita ng multo si Lin Que. Tumayo siya kaagad at tumumba ang kanyang upuan.

"Uwaaagh! Ye… Ye Wan Wan!!!"

"Paano nangyari iyon?"

"Nagpa-plastic surgery ka!?" napanganga si Lin Que sa gulat.

Ngunit hindi rin ito tama, paanong naging ganon kabilis ang procedure? Mukha pa rin siyang nakakatwa nung huli niya itong nakita noong nakaraang araw.

Sumabog si Ye Wan Wan sa galit, "Ikaw ang nagpa-plastic surgery! Palaging ganito ang aking itsura! Tsaka ipaliwanag mo nga sa akin kung gaano ako kataba!"

Tila ba wala sa sarili ang matamlay na mukha ni Si Ye Han.

Ang babae ay nagmukha na parang may apoy sa kanyang mga mata -- matagal na sandali dahil ito ay sobrang intense.

Ang galit na si Ye Wan Wan ay biglang nakaramdam ng isang malamig na kamay na humahaplos sa kanyang ulo, para bang may isang tao na sumusubok na pakalmahin ang isang galit na halimaw.

Sa oras din na 'yon, isang mainit na boses ang kaniyang narinig, "Hindi ka mataba."

Napaatras si Ye Wan Wan at tumingin kay Si Ye Han.

Nababaliw na ba siya? Paano niya naisip na si Si Ye Han ay… maginoo… ?

Tinigil ni Ye Wan Wang ang kanyang iniisip at napagtanto na siya ay sobrang naiinis lamang. "Hindi naman talaga ako mataba ngayon…" nahihiya niyang sinabi.

Sinabi rin ni Si Ye Han, "Hindi ka rin naman mataba dati."

Naging seryoso si Lin Que, "9th brother, sabihin mo ito ulit ng may konsensya!"

Nagngalit si Ye Wan Wan sa galit.

Lumingon si Si Ye Han kay Lin Que nang dahan dahan, "Ibinigay ko ang piraso ng lupa na 'yon sa Cheng Dong kay Xie Zhe Zhi."

Bigla na lamang hindi nakaisip ng tama si Lin Que, "Ano? 'Wag mo akong niloloko, 9th brother! Hindi ba't pinangako mo 'yon ibigay sa akin? Binigay mo 'yon kay Xie Xhe Zhi o inisip mo lang na ibigay 'yon kay Xie Zhe Zhi nsa oras ding 'yon?"

Si Ye Han: "Napagdesisyunan ko lang."

Lin Que: "...!!!"

Damn! Dahil pang tinawag kong mataba si Ye Wan Wan ngayon?

"Ikaw… Isa kang tanga!" retorted ni Lin Que.

Hindi lang nag-refute si Si Ye Han, nag-enjoy pa siya sa kanyanh title. "Sagabal ka, umalis ka na siguro." sinabi niya ng walang ekspresyon.

Hindi lang siya padalos dalos, biased pa siya kay Ye Wan Wan at iniisip niyang sagabal ang kapatid niya.

Nasaktan ang puso ni Lin Que at tumakbo papalayo nang lumuluha.

Pagkatapos umalis ni Lin Que, naiwan sila Si Ye Han at Ye Wan Wan sa dining room.

Maluwag na nakakahinga si Ye Wan Wan noong nandoon si Lin Que ngunit noong umalis siya, kinabahan ulit siya.

"Kumain ka pa."

Ang kanyang plato ay may isa pang Xiao Long Bao mula sa paborito niyang tindahan ng almusal.

Naguguluhan si Ye Wan Wan sa kanyang nararamdaman.

Simula noong lumabas siya, wala man lang espesyal na reaksyon si Si Ye Han sa pagbabago ng kanyang itsura.

Mas normal na reaksyon 'yong kay Lin Que, 'di ba?

Hindi na nakapagpigil pa si Ye Wan Wan at nagtanong, "Si Ye Han, wala ka bang napapansing kakaiba sa akin?"

Naglagay ng dumpling na hipon si Si Ye Han sa kanyang plato, "Ano?"

Ye Wan Wan: "'Tong itsura ko!"

Kumunot ang noo ni Si Ye Han, "Anong pinagkaiba?"

Nabigla si Ye Wan Wan, "..."

Bulag ba 'to?

Tinignan ni Si Ye Han ang hindi makapaniwalang ekspresyon ni Ye Wan Wan at tumawa bahagya. Hinawakan niya ang kanyang baba, pinadaan ang kanyang daliri sa labi at sinabi ng may malalim at romantikong boses, "Masarap pa rin yignan."

Ye Wan Wan: "..."

Mukhang kasing sarap?!

Naiisip niya talagang ang kakatwa kong itsura dati ay masarap? At wala ba itong pagkakaiba sa itsura ko ngayon?

Nagulat si Ye Wan Wan sa perverted na taste nito.

...

avataravatar
Next chapter