285 Ireto sa babae

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isa, dalawa… hanggang tatlong segundo ang lumipas...

Huminto ang malamig na tingin ni Si Ye Han kay Han Xian Yu, ilang saglit lang, nagsalita siya ng walang emosyon, "Hey."

Tumango si Han Xian Yu, "Hi!"

Nakakatakot ang awra ng lalaking ito; nangangatog ako pag tinitignan niya ako...

Tiningnan ni Han Xian Yu si Ye Wan Wan at sinabi, "Yung kaibigan mo ba ay… nasa ka-parehas na industriya natin?"

Nagbuntong hininga si Ye Wan Wan nang makita niyang kalmado si Si Ye Han, "Hindi eh, isa siyang businessman."

Tumango si Han Xian Yu na parang naliwanagan na siya sa mga pangyayari.

Paniguradong magiging isa siya sa mga sikat na artista kung nasa entertainment industry si Si Ye Han dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Malamang, imposibleng hindi siya makikilala ni Han Xian Yu.

Sinubukan ni Ye Wan Wan na maging magalang sa kanyang bisita na si Han Xian Yu sabay sinabi niya, "Maging komportable ka dito, kararating ko lang kaya hindi pa ako nakakapag-ayos ng gamit. Medyo magulo nga lang ang paligid. Gusto mo ba ng inumin? May tubig ako dito, tingnan ko lang kung may tsaa pa ako…"

Mabilis na sumagot si Han Xian Yu, "'Wag ka nang mag-abala, okay na ako sa tubig. Malaki ang naitulong mo sa akin at hindi pa ako nagpapasalamat sa ginawa mo para sa akin. Plano ko sana na ilibre ka ng dinner mamayang gabi, hindi ko alam na may bisita ka pala…"

Nagsalin ng isang basong tubig si Ye Wan Wan para sa kanya. "Mr. Han, masyado kang mabait. Sinabi ko naman na noon na hindi mo kailangang magpasalamat sa akin."

"Alam ko iyon, pero si chairman Chu ay si chairman Chu at ako ay ako--- magkaiba kami. Kung hindi dahil sayo… sigurado ako na iba ang mangyayari sa akin…"

Tinago ni Han Xian Yu ang namumuo na lungkot sa mata niya. Ilang saglit lang, biglang lumambot ang mga mata niya habang nakangiti siyang tumingin sa binata, "Pinag-iisipan ko kung paano ako magpa-pasalamat sayo pero wala akong maisip na maayos na paraan kung pano ko gagawin iyon. Gusto mo ba na… ireto kita sa babae?"

Muntik nang madapa si Ye Wan Wan at mabagsag ang hawak niyang baso. Kinakabahan siyang lumingan sa lalaking nakaupo sa sofa, kaya mabilis siyang tumanggi sa pagyaya ni Han Xian Yu, *cough cough* "Salamat pero 'wag na lang, may girlfriend na ako eh!"

At iyon ay ang lalaking nakaupo sa sofa!

Naisip ni Han Xian Yu, may girlfriend na pala siya? Yun kaya yung babaeng katawagan niya noong isang gabi?

"Ah, ganun ba….sige pala. Sabihin mo sa akin kung may free time ka. Kailangan kitang ilibre ng dinner!" Seryoso si Han Xian Yu sa sinabi niya.

Kahit nakapang lalaki si Ye Wan Wan; nasa bingit siya ng kamatayan kapag tinanggap niya ang imbitasyon ng isang lalaki, lalo na sa harap pa ni Si Ye Han.

Tulad ng inaasahan ni Ye Wan Wan, nakita niya na nag-iba ang itsura ni Si Ye Han nang marinig ang sinabi ni Han Xian Yu na 'ireto kita sa babae'...

Gayunpaman, alam niyang seryoso ang imbitasyon ni Han Xian Yu, kaya nahihirapan si Ye Wan Wan na humindi sa kanya.

Habang nahihirapan si Ye Wan Wan sa kanyang sitwasyon, biglang sumagot ng magalang si Si Ye Han, "Mr. Han, 'wag ka munang umalis, kumain ka nang kasama kami."

Nabighani si Ye Wan Wan sa katalinuhan niya nang marinig niya ang sinabi ni Si Ye Han.

Tamang ideya talaga ang pagkukunwari ko bilang lalaki--- madali nang pakisamahan si Si Ye Han ngayon; himala!

Nagbuntong hininga si Ye Wan Wan sabay tumingin siya kay Han Xian Yu at sinabi, "Hindi mo na ako kailangang yayain sa labas. Ganito na lang, andito ang kaibigan ko para bumisita sa akin, kaya naghanda kami ng shabu-shabu para kainin dito sa bahay. Kung gusto mo, pwede mo kaming samahan na kumain?"

Walang problema si Han Xian Yu dito. "Sige, mas madali kung sa bahay nalang pero hindi ba dapat ako ang manlilibre sayo?"

"Uy, mag-tropa naman tayo--- dapat hindi tayo nagbibilangan! 'Wag ka nang mahiya, okay na yun! Oh, aayusin ko na pala yung gulay!"

avataravatar
Next chapter