599 Ipinanganak ang isang demonyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kaagad na sinabi ng nakabibighaning devotee, "kapitan, huwag ka mag-alala. Sigurado ako na mahahanap ko ang iyong kapatid. Sa balat lang na ito… aakyatin ko ang bundok ng espada o lumusong sa dagat na apoy; hahanapin ko siya ng walang kinalaman sa sakripisyong gagawin ko!"

"Pati na…" inilabas ni Nameless Nie ang isang litrato at ipinakita ito sa kanila.

Sa may litrato, mayroong isang dalisay na itsura ng babae. Gayon pa man, ang kanyang mata ay malamig na nagbigay sakanila ng goosebumps.

"Ito ang aking nakababatang kapatid nang siya ay labing pito. Walang masyadong litrato ang aking kapatid, kaya kaya pumunta ako kay Emperor Ji upang ibigay sa akin ang litratong ito tatlong araw lang ang nakalipas," ang sabi ni Nameless Nie.

"Sandali lang…" sinuri ng nakabibighaning devotee ang litrato at binubuo. "Sa tingin ko nakita kona ang taong ito…"

May bagong pumintig sa taenga ni Nameless Nie at ang kanyang chopstick ay tumigil sa hangin.

"Ito.." nagdikit ang kilay ng nakabibighaning devotee at tumingin kay Nameless Nie. "ang oras na iyon sa may food stall… ang sikat na si Ye…"

"Sinasabi mo ba na si Famous Ye ang aking nakababatang kapatid? Itinango ni Nameless Nie ang kanyang ulo at sinabing, "may pagkakahawig sila at hindi ko ito ppinaghinlaan noong una, ngunit hindi niya ako nakilala at sobrang magkaiba ang kanyang ugali."

"Sa tingin ko nga…"

Bumuntong hininga ang nakabibighaning devotee at binalik ang litarto kay Nameless Nie. "Kapitan, ang Nie Clan at Emperor Jia ay nagpadala na ng tao upang tignan siya ng matagal na panahon; hindi na natin siya mahahanap. Siguro si Worriless Nie at ang wild man ay hindi na mapaghihiwalay at ayaw niya na hanapin mo siya, kaya hindi mo na siya mahahanap pa."

"Hindi ko sigurado kung posible iyon." tinango ni Nameless Nie ang kanyang ulo. "Kahit na hindi alam ng wild man ang tungkol sa kanyang anak, alam ng kapatid ko ang tingkol dito, kaya paano silang hindi mapaghihiwalay na ayaw niya sa kanayang sariling anak ngayon?"

Sila ay naguusap nang biglang tumunog ang telepono ni Nameless Nie at nakalagay sa may caller ID ay mula ito sa isang teritoryo ng European.

Sinagot niya ang tawag nang isang malaming ngunit walang emosyong boses ang lumabas.

"Tito, nahanap mo na ba siya?"

"Ikinalulungkot ko, hindi pa," ang sabi ni Nameless Nie.

"sa tingin ko masyado akong malungkot. Sinabi ko kay lolo at lola na mayroon kang problema sa iyong kasarin." Isang bata ngunit malamig na boses ang nanggaling sa tumanggap.

"Tang*na! Sino ang may problema sa kanyang kasarian, ha?! Galit na galit na si Nameless Nie.

"Mayroon akong ebidensyang bidyo ni Spray of Flowers na tinatawag kang hubby at sumunggab sa iyong braso."

"hangga't mukhang gwapo ang tao, tinatawag niya ang kahit na sino na hubby at sumusunggab ito sa kanya, maliwanag?!" pakiramdam ni Nameless Nie na nawawala na siya sa kanyang sarili.

"Masyadong masama, marahil hindi makikinig si lolo at lola sa iyong paliwanag."

"tanga kang bata ka!" pabreak down na si Nameless Nie. limang taon lang ba talaga ang batang ito?

"Tatlong buwan. Kapag hindi mo pa din siya nahanap, sobrang malulungkot ako."

"Hey! Hello?"

Nang walang paghihintay sa sagot ni Nameless Nie, naputol na ang linya.

"Kapitan, kamusta?" nagtatakang tanong ng kaibigan ng dayuhan.

Sa sandaling iyon, nangalit ang ipin ni Nameless Nie at pinagalitan sila, "lahat kayo, kumuha kayo ng pera para sa akin. Halos katapusan na ng buwan; kung sino man ang may hindi magandang ganap ay ipapatapon sa africa upang magdala ng isang misyon!"

"Bakit Africa ulit…" nalungkot ang mukha ng nakabibighaning devotee. Kagagaling ko lang sa Africa ng nakaraang buwan… Kapitan, kung gayon umalis na tayo upang kumita ng pera ngayon…"

Nagtinginan ang iba at si Spray of Flowers na para bang gusto nilang tumakbo.

"Hawakan mo ito." tumayo si Nameless Nie at seryosong sinabi, "ano ang aming slogan?!"

"Wala ng mas sasarap pa kaysa sa dumplings, wala ng sasaya pa sa sister-in-law; kakain ng dumplings ang kapitan, maglalaro tayo kasama ang sister-in-law!"

Ang apat sa kanila ay kumanta din na para bang nagawa na nila ito ng isang milyong beses dati.

"Magpatuloy," ang idinikta ni Nameless Nie.

"Captain of the God of Death, talentado at suave, maangas maangas maangas maangas, malakas malakas malakas malakas!"

"Umalis ka!" ikinaway sila ni Nameless Nie palayo.

Sinunod ang utos ni Nameless Nie, ang apat sa kanila ay nag dispersed na para bang mga ibon at nawala ng walang iniiwang bakas.

Nagpatuloy kumain ng dumplings si Nameless Nie at bumuntong hininga. "Tangang babae… nasaan ka… may pakialam ka pa ba sa anak mo…"

avataravatar
Next chapter