848 Ipakita ko sa inyo ang magandang bagay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinabukasan, dahan-dahang sumikat ang araw. Panibagong araw na para sa Imperial City.

Sa tea room ng isang high-class office building:

Nakayuko ang ulo ng dalawang babae. Kataka-taka silang magkasama at masidhing kinakalikot ang kanilang telepono. Paminsan-minsan ay nagagalak pa silang sumisigaw.

"Ahhhhh! Sobrang gwapo, ang gwapo! Bakit ganyan siya kagwapo?! Pakiramdam ko mahihimatay na ako, oh!"

"Bagay talaga ang mga asawa natin, 'di ba?!"

Isa sa mga dalawang babae, na sabik na sumisigaw sa kasama niya, ay ang tagahanga ni Gong Xu habang tagahanga naman ni Luo CHen ang isa. Nang nangasim ang relasyon nila Gong Xu at Luo Chen, para na ding apoy at tubig ang tagahanga ng dalawang artista.

Ilang mga babae mula sa likod ang pumasok. Nang makita na magkadikit ang dalawang babae, para bang nakakita sila ng isang bulalakaw na bumagsak sa mundo.

"Uh, Judy, Alice, anong nangyayari sa inyong dalawa?"

"Haha, tama. Hindi ba malala ang galit niyo sa isa't isa? Anong nangyari dito?"

Matapos na makita ang mga kasamahan nila, tuso silang tumingin at hinila ang iba at sabik na pinakita ang blog post na nasa telepono nila.

"Ate! Ipakita ko sa inyo ang magandang bagay!"

"Oo oo oo, paniguradong matutuwa kayo!"

"Anong tinitignan niyong mga babae?" siksik ng ilang mga babae.

Nang makita nila ang magazine cover sa kanilang telepono at ang kolahe ng ilang mga litrato sa magazine, sandali silang natahimik bago sabay-sabay na sumigaw.

"AHHHHHH! Diyos ko, diyos ko! Ang gwapo! Paano sila naging ganito kagwapo? Bampira ba ito at mangongoso? Iyon talaga ang pakiramdam!"

"Sobrang cute ni Gong Xu sa velvet pajamas niya - ang moe! Ang gwapo ni Luo Chen na may salamin, eh! Tsk tsk tsk, hindi na nakakapagtaka kung bakit nababaliw kayo sa dalawang ito! Gusto ko din maging tagahanga! Anong magazine iyan? Bibilhin ko!"

"Halika, halika, halika! Maligayang pagdating sa aming club! Napre-order ko na ang kopya ko!"

"Bakit hindi ko napansin na bagay talaga sila Gong XU at Luo Chen, huh? Lalo na itong 'homely' na mga litrato - parang pilit akong pinapakain ng pagkain ng aso!"

"Hahahaha, 'di ba? 'Di ba? Noon akala namin na hindi bati sina Gong Xi at Luo Chen, pero ngayon, napagtanto namin na love-hate ang relasyon nila!"

Gala na tinitignan ng mga babae ang mga litrato nang biglang may isang malakas na kalabog - biglang nahimatay ang babae sa likod nila habang hawak ang kanyang telepono.

"Sh*t! Ann, Ann, ayos ka lang?"

Niyakap ng babae ang kanyang telepono at tulirong nagising. May mga bakas ng luha sa kanyang mukha. "Wala na akong pagsisisi…"

"Eh, 'wag kayong magulilat. Senior Fujoshi si Ann; hindi niya nakayanan ang ganitong estimulo… masyado lang siguro siyang masigla…"

"Hahaha… hindi na masisisi si Ann sa ganito! Hindi nga ako Fujoshi at natutunaw na agad ako, oh!"

Mga kumpanya, eskwelahan, masikip na mga daan, maliit na eskinita, at production team… sa umaga, parehong mga senaryo ang nangyayari.

Sa mga netizen na ibinabahagi ang mga magagandang bagay, ang darating na issue ng VIVI tampok sila Luo Chen at Gong XU sa cover ay kumalat na sa Weibo at WeChat Moments. Patuloy na lumilitaw sina Luo Chen at Gong Xu sa mga tampok na searches, at #ChenXuCP #Topic# ang bumasag sa 100 milyong mga nabasa. Patuloy pa din ang pag-angat ng benta sa pre-order ng darating na issue ng VIVI...

Nakabenta ng 20,000 na kopya ang Beauty sa isang linggo, pero ang flagship na tindahan ng VIVI ay nakatanggap na agad ng 50,000 na order sa isang umaga lang at patuloy pa din ang pag-angat ng mga numero...

avataravatar
Next chapter