654 Ipakita ang aking katapatan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isa itong tsismis ng kilalang tao sa kanyang telepono.

Ang pamagat ay "Fashion Guru Shen Meng Qi Pineke ang Isang Car Accident" at sa may litrato, nakasuot ng pares ng leather na pantalon at motorcycle jacket. At talagang magulo at kulot ang kanyang buhok - ito ay nakakatakot.

Noon una, ilang fans ang pumuri sa kanyang katangahan, ngunit matapos 'yon, ang netizens at ilang fashionistas ay nagsimula ng insultuhin siya.

[ito ba ang tinatawag na hindi kinaugalian? Sa tingin ko nababaliw na ang stylist, tama?]

[Hindi siya mukhang kaaya-aya, sobrang panget. Kung ito ay fashion isa pala itong insulto sa ating aesthetic tastes.]

[Hindi ko inaasahan na ang fashion guru ay makakagawa ng pagkakamali style - sobrang pangit ng damit na ito. Marahil sinusubukan niyang gayahin si Qiao Ke Xin, ha! Pero hindi niya nakuha ang cool at confident aura ni Qiao Ke Xin - mukhang may ginagaya siya sa itsura na ito pero ginawa lang niyang tanga ang kanyang sarili!]

[Bigla ko napansin kay Shen Meng Qi na flat ang kanyang puwet at malaki ang kanyang hita! Dati, hindi ko na papansin ito at akala ko na maganda ang kanyang hugis…]

...

Tahimik na binasa ni Ye Mu Fan ang mga comments.

Dati, kapag dinidisenyo niya ang damit ni Shen Meng Qi, napaka ingat niya at grabeng pagsisikap. Gusto niyang iwasan na makita ang mga kakulangan ni Shen Meng Qi para malinaw na hindi nila ito mapansin noon.

"Maganda ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Ye Wan Wan.

Kamakailan, pakiramdam niya na ang kanyang sariling kapatid ay nagiging dayuhan sa kanyan, ngunit ang pag-aasikaso sa ni Ye Wan Wan sa kanya ay hindi pa din nagbabago.

"Wala siyang kwenta," sagot ni Ye Mu Fan.

Hindi karapatdapat pag-aksayahan ng emosyon ang taong ito.

...

Sa kaprehong oras sa Assembly of Stars Entertainment.

Pinunit sa galit ni Shen Meng Qi ang diyaryo sa kanyang lamesa saka galit na tumingin sa lalaking nasa kanyang harapan. "He Jun Chen, ano ang ginagawa mo? Hindi ba sinabi mo na walang problema sa damit na iyon?"

*Cough..,* "wala naman talagang masama sa damit na iyon… nagsuot na ng si Qiao Ke Xin ng katulad nito noon… nakakasindak ito noon…"

"Tsk, sinasabi mo ba na walang problema sa style pero PROBLEMA KO?"

"Meng Qi, huwag ka magalit, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Natural na maganda ka, malinaw naman, maganda ka kahit ano. Ang mga tao lang na iyon ang bulag!"

"He Jun Cheng, tigilan mo na kakasipsip sa akin. Magkakaroon ako ng bahagi sa fashion festival at kapag nagkaroon ng problema, alam mo na ang kahihinatnan, ya?!"

"Meng Qi… Meng Qi…"

Binagsak ni Shen Meng Qi pasara ang pintuan sa mukha ni He Jun Cheng at naging nalungkot.

"Buwisit…"

Kasalanan ito lahat ng talunang Ye Mu Fan na iyon!

Tila mukhang kailangan ko maglagay ng pera…

Sa unag araw ng trabaho, talagang abala si Ye Mu Fan - hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magpahinga buong araw, ngunit ito ay nagbibigay sa kanya ng kasayahan at katuparan.

Habang siya ay papasok na sa sasakyan, nagsimulang tumunog ang kanyang telepono…

Nang makita ang caller ID, naging maulap ang mukha ni Ye Mu Fan - ito ay si He Jun Cheng.

Kaagad na nawala ang kadiliman sa mukha ni Ye Mu Fan at sumagot: "Hello?"

"Hello, young master Ye. may oras ka ba ngayon? Maaari ba tayong mag-usap?" napaka magalang na tanong ni He Jun Cheng.

"Oh? Tungkol saan ang pag-uusapan?"

"Sa katunayan kasalanan ko ito ngunit ito ay higit pa sa isang babae. Young master Ye, niloko kana dati, kaya bakit kailangan mo pang maging kaakit-akit, hu?!"

"Tsk…" natawa si Ye Mu Fan. "Tapos kana ba?"

Nilunok ni He Jun Cheng ang kanyang dura, natatakot na baka patayin ni Ye Mu Fan, kaya kaagad niyang sinabi, "naisip ko ito at upang maipakita ko ang aking katapatan, babayaran kitang isang presyo na siguradong masisiyahan ka hangga't handa kang bumalik at tulungan ako!"

Sa sandaling ito, hindi pareho ang galit na nararamdaman niya ng gabing 'yon. Ang kanyang daliri ay marahang hinaplos ang susi ng sasakyan sa kanyang kamay ng siya ay sumagot, "sige!"

avataravatar
Next chapter