1062 Instinct ng ligaw na hayop

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Marahang sinabi ni Han Xian Yu, "Sabihin ang totoo na magkaibigan lang kaming dalawa."

Sang-ayon na tumango si Ye Wan Wan. "Ilang araw na mababaliw ang media at hindi makakahanap ng bagong impormasyon. Lilipas ang kaguluhan sa isang linggo lang."

Agad naman na nagtanong si Gong Xu, "Paano kung nakahanap sila ng bagong impormasyon?"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan. "Edi tignan natin kung anong media ang may kakayahan na makuha ang ganitong impormasyon!"

Ako ito sa pambabaeng damit, pwede ba? Saan nila ako mahahanap?

Marahang umubo si Han Xian Yu. "*cough* ang ibug sabihin ni Ye Bai ay magkaibigan lang talaga kami, kaya wala silang mahahanap na interesado mula doon."

Nadismaya si Gong Xu nang marinig ito. "Ano? Talagang magkaibigan lang kayo? Ang boring naman…"

Nang naghanap pa si Gong Xu ng iba pang impormasyon, masigasig niyang tinignan ang nasabing tsismis. Bigla na lang, isang litrato sa may artikulo ang nakakuha ng atensyon niya, napatigil bigla ang boses niya. Pati ang itsura niya ay nagbago.

"Ito…" napatayo si Gong Xu.

Nakaramdam si Ye Wan Wan na may mali sa itsura ni Gong Xu, at napatigil ang kanyang puso.

"Si Little Candied Plum! Ito si Little Candied Plum!" napasigaw sa gulat si Gong Xu habang tinitignan ang litrato. Saka mabilis na tinalunan si Han Xian Yu. "Han Xian Yu! Anong nangyayari?! Bakit kasama mo si Little Candied Plum ko? Kilala mo si Little Candied Plum?"

Nagulat si Ye Wan Wan.

Anong klaseng mata ang mayroon si Gong Xu? Litrato lang ito ng likod niya! Pati ang sarili niyang kapatid, na si Ye Mu Fan, ay hindi siya nakilala mula sa mga litrato, kaya paano niya nakilala ito?

Nagulat din si Han Xian Yu at tinignan si Ye Wan Wan.

Hinilot ni Ye Wan Wan ang kanyang sentido at sabi, "Gong Xu, kumalma ka. 'Wag kang magpalagay sa ganyang ebidensya lang! Paano mo nakikilala ang isang tao mula sa likod niya lang?"

Gong Xu: "Sa instincts ko!"

Ye Wan Wan: "…"

Talagang may instincts siya ng ligaw na hayop!

Ye Wan Wan: "Kung 'yan si Little Candied Plum, hindi ba dapat makikilala ko siya?"

Nang narinig niya 'yon, hindi makaimik si Gong Xu...

Tutal, si Ye Bai ang kapatid ni Little Candied Plum. Dahil sa sinabi niyang hindi siya iyon...

"Hindi ba talaga?" patuloy na naghihinala si Gong Xu.

"Hindi!" paghatol ni Ye Wan Wan.

Gong Xu: "…"

Nakahinga ng maluwag si Ye Wan Wan. Buti na lang madaling malinlang si Gong Xu.

Nagmakaawa si Gong Xu, "Brother Ye, base sa pagkagulo ng isip ko sa paghahangad kay Little Candied Plum, hindi ko ba siya pwedeng kitain kahit isang beses lang?"

Sumulyap si Ye Wan Wan. "Pwede."

Sandaling nagulat si Gong Xu bago napuno ng hindi paniniwala ang mukha niya. "Brother Ye, seryoso ka ba?"

Tumango si Ye Wan Wan. "Kung makukuha mo ang Best Actor sa Golden Orchid Awards. Papayagan kitang makita siya."

Nang marinig iyon ni Han Xian Yu, sumulyap siya kay Ye Wan Wan.

Mabilis na lumapit si Gong Xu na parang pana patungo kay Ye Wan Wan. "OH! Brother Ye, mahal na mahal kita…"

Tatalunan na sana ni Gong Xu si Ye Wan Wan.

Kinaugalian na ni Ye Mu Fan ang maingat na panonood kay Gong Xu, kaya nang makita niya iyon, tahimik siyang napamura at dali-daling hinarangan si Gong Xu.

Gayunpaman, hindi niya inasahan na may mabilis na kumilos sa kanya.

Nakalahad na ang braso ni Han Xian Yu para harangan si Gong Xu.

"Eh? Brother Xian Yu, Anong ginagawa mo?" hindi nasisiyahang tanong ni Gong Xu.

Sinabi ni Han Xian Yu na may mahinang ngiti, "Wala iyon. Gusto ko lang tanungin kung saan mo pinaayos ang buhok mo ngayon."

"Oh, hahaha. Ang gwapo 'no? Sabi ko sa 'yo, para makakuha ng appointment sa hairstylist na iyon, maaga siyang pinareserba ng assistant ko, mga tatlong buwan. Ganoon…"

Agad na nalihis ang atensyon ni Gong Xu, at hindi na tumigil sa pagsasalita tungkol sa bago niyang hairstyle. Hindi niya napansin kung gaano kakaiba ang pag-iba ni Han Xian Yu sa paksa.

Hinilot ni Ye Wan Wan ang kanyang noo, hindi makapagsalita...

Buti na lang magandang bagay ang pagiging makalimutin...

avataravatar
Next chapter