webnovel

Insomnia

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sige," Umismid si Ye Wan Wan at ibinaba ang tawag.

Gusto niyang makaganti kay Shen Meng Qi sa buhay na ito, ngunit baka makasakit siya ng iba sa prosesong ito--ang kanyang walang kwentang kuya ay nasa ilalim pa rin ng mahika nito. Kapag kinalaban niya si Shen Meng Qi ngayon, mas makakasira lamang ito ng relasyon niya sa kanyang kapatid.

Kaya, hinihintay niya lamang siya ang tamang oportunidad.

Sa loob ng master's bedroom sa taas:

Pagkatapos umalis ni Ye Wan Wan, bumalik ang hypnotist sa loob ng kwarto at naghanda muli para sa treatment.

"9th master, maari na po ba tayong magsimula?"

Mukhang okupado pa rin si Si Ye Han ng kanyang mga iniisip at lumabas na parang hindi narinig ang sinabi ng kanyang hypnotist. Itinaas lang niya ang kanyang braso.

Kaya, nagpatugtog na ang hypnotist, nagsindi ng espesyal na insenso at sinimulan ang psychological sesssion...

Matapos ang kalahating oras...

Isang oras...

Dalawang oras...

Hindi nagtagumpay ang hypnosis.

Si Mo Xuan ay nakapagpagaling na ng marami at komplikadong sitwasyon ng mga pasyente at kinuha ng nangungunang grupo ng mga mersenaryong "Gods of Dusk" bilang pinakamagaling na counsellor at psychologist. Ngunit ngayon, nagsimula na siyang magduda sa kanyang abilidad ng ilang milyong beses. 

Sa tuwing ginagamot niya si Si Ye Han, pakiramdam niya ay isa siyang peke...

Simula noong nagbalikan si Si Ye Han at Ye Wan Wan, tuwing tumatakas ito o kinakalaban siya ay lalong lumalala ang insomia nito.

Ngunit hindi ba't sinabi ni Xu Yi na nag-isip isip na si Ye Wan Wan at naging mas maamo na ngayon?

Kani-kanina lamang noong nakita niya ito, nagulat siya. Hindi lamang nagbago ang kanyang itsura, maging ang disposisyon rin niya ay nagbago rin-- hindi na kasing lungkot katulad ng dati.

At dahil hindi na ginagalit nito si Si Ye Han, bakit kaya pumalya ang hypnosis ngayon?

Sa pagkakataong ito, nakahiga si Si Ye Han sa kama nang may namumuong mga eyebag. Ang green na litid sa kanyang noo ay lumalabas at ang kanyang ekspresyon ay nakakatakot na, halatang pilit na tinitiis ang kanyang paghihirap.

Parang may nakakatakot na halimaw na namumuhay sa loob nito. Ang pagkawala ng kontrol, ang kabaliwan at ang nakapangwasak na asal nito ay kasalukuyang umaapaw sa kanyang kaluluwa ngayon.

Lumala ang kondisyon ni Si Ye Han at ang malungkot na mukha ni Mo Xuan ay naging mas seryoso. Balisa niyang itinanong, "9th master, may naging problema ka ba ngayon? Ano ang sinabi ni Miss Ye ngayon?"

Biglang bumukas ang mga mata ni Si Ye Han, mukhang malamig ang kanyang mga mata.

Ang malakas na pagpipigil ang nagdulot upang tumigil sa Mo Xuan sa pagtatanong.

Kung si Si Ye Han ay payag lamang na ibahagi ang kanyang nararamdaman sa mga tao, siguro hindi magiging ganito kalala ang kanyang sakit.

Ang kanyang psychological barrier ay sobrang lakas--hindi niya hinayaan ang kahit na sino ang pumasok sa kanyang teritoryo.

Walang kahit anong magagawa ang isang psychologist, kahit na gaano pa ito kagaling, kung hindi makikipagtulungan ang pasyente.

Naging komplikado ang emosyon ni Mo Xuan noong inisip niya si Ye Wan Wan.

Wala nang iba pang problema sa katawan ni Si Ye Han at ang kanyang sleeping disorder lamang ang maaaring konektado sa kanyang psychological issue, ngunit ang babaeng ito ay maaring konektado sa puso ni Si Ye Han.

Dahil kung hindi, magiging mas mahirap ipaliwanang kung bakit ang isang tao na kinukutya ng kapwa rin niyang mga babae katulad ng ginagawa ni Si Ye Han ay sobrang determinado para makasama itong babaeng ito. Tsaka, base sa mga naobserbahan, madali lamang na paikutin ni Ye Wan Wan ang mga nararamdaman ni Si He Yan.

Ngunit, hindi na siya makakuha pa ng sagot mula kay Si Ye Han at hindi rin siya makakuha ng kapaki-pakinabang na impormasyon mula kay Ye Wan Wan.

Ang Ye Family ay dating nasa mundo ng entertainment. And ikalawang tiyuhin ni Ye Wan Wan ay ang kasalukuyang pinuno ng Ye Family and nagmamay-ari ng karamihan ng mga entertainment group. Ngunit kung ikukumpara ito sa mahabang kasaysayan at malalim na family background ng matanda at kilalang Si Family, ang Ye Family ay isang orinaryong pamilya lamang.

Si Ye Wan Wan man 'yon o ang kanyang pamilya, hindi posible na mayroong relasyon ito kay Si Ye Han, ang tagapagmana ng Si Family--ang pamilya na namamahala sa mga matanda at kilalang pamilya sa buong bansa.

Kung kaya't, ang espesyal na pakikitungo ni Si Ye Han kay Ye Wan Wan ay talangang nakakapagtaka.

Next chapter