1192 Ininom ang isang toneladang alak

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumagot si Gong Xu, "Isang tonelada yata ang nainom na pekeng liquor si Old Man Chen…"

Sumabad si Tang Xing Huo, "O 'di kaya tayo ang nakainom ng isang tonelada na pekeng liquor…"

Luo Chen: "…"

Habang binabalot ng kaguluhan ang banquet hall, biglang lumabas si Jiang Yan Ran galing sa kubeta.

Naging masama ang pakiramdam niya dahil nakarami siya ng inom ng wine, kaya dumeretso siya sa kubeta.

"Wanwan…?"

Nagulat siya nang biglang nakita ni Jiang Yan Ran si Ye Wan Wan na nakasuot ng pang-babae. Bigla siyang nagsalita, "Nag… nagpalit ka ng damit ng pangbabae?"

"Oo," sumagot si Ye Wan Wan.

Nireklamo ni Jiang Yan Ran ang pagkadismaya sa kanyang puso, "Umasa ako na sana makasama ko pa ng matagal ang Diyos ko na si Ye Bai ngayong gabi…"

Tumawa si Ye Wan Wan. "Mamaya, makakasama mo pa siya."

Doon lamang naging masaya si Jiang Yan Ran. "Tama ka! Kalalabas lang ng pelikula, para makatrabaho kita!"

Siya ngayon ay isang artista na hawak ng kanyang diyos.

Ang mga nangangambang mga artista ay nagulat sa mga sinabi ni Jiang Yan Ran.

Mabilis na lumapit ang ilan sa mga artistang babae kay Jiang Yan Ran para makakuha ng balita. Pabulong siyang tinanong ni Han Qing Ling at makikita na hindi ito makapaniwala sa balita. "Best Actress Jiang, um… babae ba talaga si Ye Bai?"

Tumango si Jiang Yan Ran. "Oo. Matalik ko siyang kaibigan. Pumasok kami sa iisang senior high at tumira kami sa isang dorm room."

Nagulat si Han Qing Ling sa sinabi niya.

Putek… paano naging diyosa ang diyos ko? 

Parang pamilyar si Ye Wan Wan sa kanya kanina. Napag-isipan niya na baka magkamag-anak sila Ye Wan wan at Ye Bai dahil magkapareho ang apelyido ni Ye Wan Wan at Ye Bai.

Hindi niya inasahan na ganito pala ang magiging resulta!

Parehas ang naging reaksyon kay Han Qing Ling ng ibang mga babae na nadoon. Naramdaman nilang nabasag ang pagkahanga nila kay Ye Bai.

Namutla si Liang Shi Han. "Nagsisinungaling ka, Jiang Yan Ran! Ye Wan Wan… paano naging si Ye Bai si Ye Wan Wan? Kalokohan ito!"

Hindi lamang si Liang Shi Han. Mas malala ang itsura ni Ye Yiyi.

Ye Bai!

Paano naging ang basurang si Ye Wan Wan si Ye Bai?!

Ang mapagbalak at nakakatakot na si Ye Bai na nag-produce ng dalawang Best Actors at isang Best Actress sa isang gabi ay si… Ye Wan Wan?

Nalunod siya sa hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang puso.

Sa isang saglit, ang lahat ng plano noya ay sinira ng isang malakas na buhawi na dumaan sa kanila!

Tiningnan ni Jiang Yan Ran si Liang Shi Han. "Si Wan Wan ang manager ko. Si Wan Wan ang sumama sa akin sa audition ko noon. Nandoon ka rin, Miss Liang. Hindi mo ba siya nakita?"

"Ah…" Binalikan ni Liang Shi Han ang kanyang memorya. Si Ye Wan Wan nga ang sumama kay Jiang Yan Ran sa kanyang audition.

Pero, paano nangyari iyon?!

Ang basura na tulad ni Ye Wan Wan ay karapat-dapat lang na maging munting assistant na may ginagawang mga kababalaghan upang akitin ang mga lalaki gamit ang kanyang mukha! Paano siya naging si Ye Bai? Paano siya naging importanteng manager na ang pangalan ay yumanig ng buong entertainment industry, na si Ye Bai?!

Gayunpaman, kahit na hindi siga makapaniwala, sinabi na mismo ni President Chen kaya ang katotohanan ay nasa harapan na nila. Kaya walang silang nagalawa kundi paniwalaan ito.

Nanatili lamang sa isang lugar ang naloko na si Gong Xu at tinitigan niya ang babae na nasa kumpol ng mga tao. Unti-unti siyang namutla habang pinapanood niya ang mga diskusyon ng mga manonood at bigla siyang sumimangot.

Lumapit sila Luo Chen at Tang Xing Hio para hawakan siya.

Umubo si Tang Xing Huo. "Mokong, okay ka lang?"

Muntikan nang magwala si Gong Xu, "Magiging okay ka ba kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon?! Mukha ba akong okay sayo?! Huh?"

Pinunasan ni Tang Xing Huo ang mga laway sa kanyang mukha. "Huwag mo akong sigawan! Nagulat rin kasi ako, okay?"

avataravatar
Next chapter