433 Iniligtas siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumuwag ang paghinga ni Xu Yi nang masilayan niya ang mga dokumento. Sa wakas, wala na ang nararamdaman niyang bigat sa kanyang puso.

Wala namang itatagong kahit ano si Xu Yi kay Ye Wan Wan, sadyang hindi niya lang binigay ang mga dokumentong iyon para ma-protektahan siya sa mga nilalaman nito. Kahit sila Liu Ying, Qin Ruo Xi, Xu Yi at ang iba pang senior management ay nakakaalam na may mga bagay na kailangang itago sa mga mata ni Miss Wan Wan.

Madali lang kung plano ni Miss Wan Wan na magsabi ng kahit anong impormasyon tungkol kay Si Ye Han. Pero bakit niya pa kailangang sumulong sa gera para magkunwaring nililigtas niya si master?

Buti na lang at ngayon, wala nang magsu-suspetya kay Miss Wan Wan...

Tulad na rin ng inaasahan, natameme at walang masabi si Si Ming Li at ilang mga matatanda.

Kahit medyo naiinis si Si Ming Rong kay SI Ye Han dahil ibinigay nito ang mga importanteng dokumento sa kamay ng babaeng ito, si Ye Wan Wan na magiging future mistress ng Si family, makikita naman na maiintidihan pa rin ang ginawa ni Si Ye Han at walang problema na dapat isipin. Kaya ang magagawa na lamang ni Si Ming Rong ay manahimik.

Sa oras na iyon, Nakita ni Qin Ruo Xi, habang siya ay nasa isang gilid lamang, ang mga dokumento at namutla siya dahil siya ay nagulat sa kanyang nakita.

Pribado at importanteng impormasyon ito… kahit ako, hindi ko pa nakikita ang nilalaman ang dokumentong ito pero, hindi ako makapaniwalang ibinigay ito ni Ah-jiu sa babaeng iyon… si Wan Wan...

Noon naman ay hindi nag-aalala si Qin Ruo Xi kay Ye Wan Wan.

Malaking kalokohan nga naman kung papakasalan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan kung iisipin nga naman nila ang family background, pag-aaral at inaakto o pag-uugali ng babaeng ito. Bakit ibababa ni Qin Ruo Xi ang sarili niya para makipagkompitensya sa tulad ni Ye Wan Wan para sa puso ni Si Ye Han?

Gayunpaman, matapos ang biyahe ni Si Ye Han at Ye Wan Wan sa country B noon, nagsimula na niyang manmanan ang bawat galaw ni Ye Wan Wan

Bakit sine-swerte ang babaeng ito?

Sa lahat ng tao, si Ye Wan Wan ang pinili nitong kausapin kaya napunta rin sa kanya ang lahat kapurihan dahil siya ang nagsalba ng buhay ng maraming tao. Si Xu Yi ay isa sa mga taong niligtas ni Ye Wan Wan kaya malaki ang utang na loob ni Xu Yi kay Ye Wan Wan. Papahirapan na sana siya ni Si Ming Li nang biglang nagising si Ah-jiu...

Mahal na mahal ni old madam ang kanyang lalaking apo, nag-aalala lang siya na baka pagurin na naman ni Si Ye Han ang kanya biglang nagsalita si old madam, "Sige, sige, dahil maliwanang naman na ang lahat. Pwede na kayong umalis kung wala nang kailangang pag-usapan. Mag-uusap-usap ulit tayo kapag maayos na ang kalagayan ni Little 9th!"

Ito na ang pagtatapos ng magandang palabas. Kaawa-awang tiningnan ng lahat si Si Ming Li dahil sa malaking mga pagkatalo na natamo niya ngayong araw. Dali-daling nag-uwian ang lahat pagkatapos nito.

"Masusunod, old madam! Uuwi na rin po kami!"

"Please take care of your health, master!"

"Ingatan niyo po ang kalusugan niyo master!"

...

Habang nahihirapan na gumalaw si Si Ye Han, hinatid ni Ye Wan Wan ang mga matatanda palabas ng pintuan.

Sa may pintuan:

Tiningnan ni Xu Chang Kun ang nanghihinang babae sa harapan niya. Puno ng pagpapasalamat ang kanyang mga mata nang makita niya ang babae. "Kung hindi dahil sayo Miss Wan Wan, kinakatakot ko na baka sentensiyahan ng kamatayan ang buong Xu family! Dahil sa kabaitan mo Miss Wan Wan, ako, si Xu Chang Kun, ay hindi kakalimutan hanggang sa bingit ng kamatayan ko, ang kabaitan na binigay mo sa amin!"

Sa totoo lang, hindi pa malala ang kamatayan sa lagay na ito; ang pinaka-nakakatakot sa lahat ay ang katotohanan na kahit ilang taon nang naging totoo at matapat ang Xu family, dadalhin nila ang bansag na mga "traidor" sa pamilya nila hanggang sa kanilang kamatayan.

Nag-bow ng malalim si Xu Chang sa harap ni Ye Wan Wan.

Mabilis na tinulungan ni Ye Wan Wan na tumayo si Xhi Chang Kun. "Uncle Xu, masyado ka naman pong mabait. Sinasabi ko lang po ang katotohanan."

Umiling ang ulo at pinilit na ngumiti ni Xu Chang Kun nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan. Dahil sa pagkakataon na iyon, ni-isang tao sa buong pamilya niya ay walang naglakas-loob na depensahan pangalan ng Xu family. Pero ang batang babaeng ito, pilit niyang pinigilan ang pagbubugbog ng bodyguard kay Xu Yi.

At sa ginawa niyang iyon, tunay nga na ito ay kamangha-mangha.

Nagsalita si Ye Wan Wan at humarap rin siya kay Xu Yi. "At saka si housekeeper Xu ang nag-alaga sa akin, kahit na naging pasakit ako sa kanya…"

Nahiya at napayuko si Xu Yi nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan.

Humarap si Ye Wan Wan sa panganib bilang kapalit sa pagiging pasakit niya noon kay Xu Yi. Hindi niya alam ang kung ano ang mangyayari sa kanya kung hindi agad nagising ang kanyang master bago pa lumala ang mga sitwasyon sa oras na iyon...

avataravatar
Next chapter