997 Inakit ang lahat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi lang sa nagulat si Xu Yi - pati na din si Ye Wan Wan. Hindi niya lubos maisip na magkakasundo si Tangtang at si Great White.

Sa hardin, maingat na naglakad ang Great White patungo sa ilalim ng malaking puno. Yumuko siya at pinababa si Tangtang.

Niyakap ni Tangtang ang Great White at pinasalamat ito na may kasamang halik sa noo.

Pinanood ni Ye Wan Wan na masayang magkasama ang bata at ang puting tigre at nanlambot ang puso niya. Mabilis niyang nilabas ang kanyang telepono para kuhanan sila ng litrarto saka galak na sinabi, "Magaling! Sabi ko na magugustuhan ni Tangtang si Great White! Si Ye Han, nakikita mo 'to 'di ba? Nagustuhan din ni Great White si Tangtang! Nasaktan ni Tangtang ang binti niya at kusang binitbit ni Great White si Tangtang! Gusto ko dito lang si Great White! Gusto ko dito lang din si Tangtang!"

Hindi sumagot si Si Ye Han. "..."

Mapanatili si Great White diti ay ayos lang pero ang mapanatili si Tangtang dito...

Anak siya ng iba...

Maamong lumapit si Ye Wan Wan kay Si Ye Han. "Ayoko ng isauli si Tangtang!"

Hinaplos ni Si Ye Han ang kanyang buhi at marahang sinabi, "Hindi ba sinabi mo na ayaw mo ng bata?"

Hindi makasagot si Ye Wan Wan sa una pero tumugon maya-maya, "Hindi… hindi 'yon magkapareho. Ayoko sa mga bata pero anak si Tangtang! Ako ang nagluwal sa kanya!"

Si Ye Han: "…"

Masyado na siyang nalulong sa ganap niya...

Nanghimutok si Ye Wan Wan, "Sa totoo lang, may pagkakatulad si Tangtang sa 'yo at naghihinala na ako na anak mo siya sa labas. Pero ngayon, tingin ko masyado kong pinag-isipan 'to."

Tinignan siya ni Si Ye Han. "Bakit?"

Napakurap si Ye Wan Wan. "Kasi kung anak mo si Tangtang, hindi iyon tama kasi masyadong mataas ang EQ niya!"

Ito na ang milyong beses na nilait si Si Ye Han dahil sa kanyang EQ. "..."

Pinag-isipan ito muli ni Ye Wan Wan at tahimik na nagpatuloy, "Hm, maliban na lang kung sa akin siya galing! Tulad ng inaasahan anak ko nga siya!"

Saka nagdaing si Ye Wan Wan, "Maski pagbigay ng bulaklak ay alam ni Tangtang. Bilang boyfriend, wala ka bang sasabihin tungkol doon?"

Hindi makaimik si Si Ye Han. Tinignan niya ang tingin ng babaeng nakakapag-akit ng lahat at sumagot, "Binigyan mo ba ako ng tsansa?"

Nang marinig ito ni Ye Wan Wan, pinag-isipan niya ito at nagulat sa kanyang sarili...

Uh… parang… ako ang laging nagbibigay ng bulaklak sa kanya… ako ang nagyaya sa kanya sa sinehan… ako din ang naghanda ng candlelit dinner sa kanya...

Lahat ng gawain ng isang boyfriend, ako ang gumawa...

Iyon pala ang totoo...

"Natalo ako…" bulong ni Ye Wan Wan.

Mula sa umpisa, masyado siyang nasanay na sinusubukan kunin ang pabor ng demonyo. Grabeng trahedya ito!

Nakita ni Si Ye Han ang maasim na itsura ng babae at kumisap ng kaaliwan ang mga mata niya habang yumuko patungo kay Ye Wan Wan. Habang marahan niya itong hinalikan, hinawakan niya ang batok nito.

Natapos lang ang halik nang mawalan ng hininga si Ye Wan Wan.

Ramdam ni Ye Wan Wan ang hininga ni Si Ye Han sa kanyang labi nang magsalita ito. "Natatalo ka pa ba?"

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang malamig at kaakit-akit na mukha sa harao niya na kasing ganda din ng cherry blossom sa Marso. Para siyang nangangarap sa una saka patuloy ang pag-iling ng kanyang ulo. "Hindi tao, hindi talo, hindi talo talaga…"

T*ngina! Pinawalang bisa ba ni Si Ye Han ang tatak niya o ano?

Hindi ba dapat hindi siya interesado sa pakikipag-uganayan sa tao?! Isa siya… isa siya… tusong lalaki!

Mayroon na siyang itsura at ngayon ay may EQ na siya!

avataravatar
Next chapter