133 Inagaw niya yung asawa ko!!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa court ngayong mga sandali:

Inakbayan ng captain ng Jin Xiu si Chu Feng at taos pusong sinabi, "Chu Feng, anong meron sa 'yo ngayon? Heartbroken ka ba?"

"Ikaw kaya ang heartbroken; buong pamilya mo heartbroken!" pagsabog nalang bigla ni Chu Feng.

Hindi nakaimik ang captain, "Kung hindi ka heartbroken bakit ka nagagambala? Bakit mukha kang iniwan ng asawa mo?"

Kita na napapalibutan ng mga magagandang babae si Song Zi Hang, napuno ng inggit ang captain, "P*ta! Sabi nga sa kasabihan, ang pagkukumpara ay nauuwi sa pagdudusa! Bakit kailangan maging maganda ang buhay ni Song Zi Hang? Pagkatapos ni Jiang Yan Ran si Shen Meng Qi naman; ang gaganda nila. Tignan mo siya, Chu Feng, binabalewala mo lang yung kagwapuhan mo!"

Kahit na gwapo si Chu Feng, hindi pa siya nakakapasok sa isang relasyon at wala pa siyang babaeng nagugustuhan, o kaya mamahalin.

Naisip niya isang beses na baka bakla na siya.

Abala ang captain sa panunukso sa kanya nang mapansin niya na may mali sa itsura ni Chu Feng, lalo na nang makita niya si Jiang Yan Ran naglalakad papunta kay Song Zi Hang.Tinignan ni Chu Feng si Song Zi Hang na para bang handa na siyang pumatay ng tao.

Nang maramdaman ng captain na may mali sa kanya bigla niya namang inawat ito, "'Tol, anong ginagawa mo? Ba't nakakatakot 'yang itsura mo? Napansin ko kakaiba yung pagtingin mo kay Song Zi Hang! May utang ba siya sayo?"

Chu Feng: "Inagaw niya yung asawa ko!!!"

Sa kabilang banda, sa Qing He basketball team:

"Captain Song, ang galing niyo!"

"Senior, ikaw na talaga! Talunin mo lang yung Jin Xiu sa next half at hayaan mo lang sila hanapin yung pangil nila!"

"Zi Hang, magtubig ka oh!" sabi ni Shen Meng Qi at bigay na din ng isang bote ng tubig sa kanya.

Dahil sa napapalibutan si Song Zi Hang ng kanyang mga fangirl, nagdala mismo si Shen Meng Qi ng tubig at tuwalya para sa kanya, at nag-umpisa na din siyang ito ng Zi Hang imbes na Song Zi Hang.

Ngayon lang nakaramdam ng ganitong klaseng saya si Song Zi Hang. Ngayon lang din siya nagkaroon ng lakas ng loob na hawakan ang kamay ni Shen Meng Qi sa harap ng mga tao. "Meng Qi, antayin mo lang ibibigay ko ang trophy sa 'yo! Pag nanalo ako ngayon, pwede ka bang…"

Hindi natapos ni Song Zi Hang ang sasabihin niya nang may bigla nalang sumigaw na malapit sa kanila, "Si Jiang Yan Ran! Si Jiang Yan Ran papunta din dito! Wow, dalawang babae nagtatalo para sa isang lalaki, magandang palabas 'to!"

Kumislap ang mga mata ni Song Zi Hang nang makita niya ang pihikan at makurbang hugis ng babae.

Actually… Hindi na rin masama si Jiang Yan Ran...

Hindi naman talo si Jiang Yan Ran kay Shen Meng Qi pagdating sa itsura at family background. Masyado lang boring ang personalidad nito; wala lang 'tong diwa o kagalakan noon pero ngayon...

Sa sandaling iyon, lahat ng mga manlalaro ng Qing He ay tinignan si Song Zi Hang nang may inggit at sinimulan na nilang biruin si Jiang Yan Ran----

"Oy, missy Jiang! May tubig ka ulit para kay boss?"

"Heh heh, nagpaganda ka pa talaga para kay boss ngayon! Masyado lang gwapo si boss!"

"Missy Jiang, ang damot mo naman! Bakit isang bote lang dala mo, paano naman kami?"

Kadalasan, masyadong mabait si Jiang Yan Ran para sa basketball team at namuhunan pa ng kaunting pera sa kanila, kaya naman madalas siyang gamitin ng mga ito.

Naturally, napansin ni Shen Meng Qi kung paano tignan ni Song Zi Hang si Jiang Yan Ran. Nagngalit ang mga ipin niya pero kalmado siyang lumapit at magiliw na sinabi, "Yan Ran, andito ka pala! Gusto kitang tawagin ngayon lang pero natakot ako na baka galit ka pa rin sa 'kin. Halika dali, nag-aantay kaming lahat sa 'yo."

avataravatar
Next chapter