314 Inabandona ng buong mundo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa isang saglit, naging malubha ang lamig na pumapaligid sa buong film studio.

Ang tao na kadalasan ay madaling pakitunguhan at komportable na para bang walang pino-problema na nanggaling sa mayamang pamilya ay biglang naging demonyo. Nakakagimbal na awra ang pumalibot sa kanya.

Nabigla rin sa kanya ang mga cameraman at ibang manggagawa sa lugar na iyon dahil sa nakakatakot niyang itsura, paano pa kaya si Luo Chen na parang binagyo ang kanyang puso.

Nanginginig sa sobrang takot si Luo Chen. Wala na talagang kulay ang kanyang mukha; lalong numipis ang kanyang manipis na labi, muntik nang masunog ang kanyang katawan dahil sa nakakabingi na dila na hinahampas siya ng masasakit na salita na galing kay Ye Wan Wan. Hinihiling niya na lang na sana, mawala na siya na parang bula.

Pinakalma muna ni Ye Wan Wan ang kanyang sarili pero makikita pa rin ang inis sa kanyang mukha at sinabi niya, "Ngayon, ito ang huling tsansa mo. Kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo, dito na rin magtatapos ang kolaborasyon natin."

Tinaas niya ang kanyang ulo at nanlaki ang mga mata ni Luo Chen nang marinig niya ang huling sinabi ni Ye Wan Wan.

Susuko na naman ba… ang mga tao sa akin...

Hindi pa tapos ang kontrata niya sa Dazzling. Kapag sumuko si Ye Bai sa kanya, babalik ang management niya sa kamay ni Zhou Wen Bin.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang lahat ng manggagawa. "Maghanda na kayong lahat."

Matagal na nabigla ang mga tao bago sila bumalik sa katinuan. Mabilis na inayos ng cameraman ang anggulo, inayos ng lighting director ang mga ilaw at nagmadalig lumapit kay Luo Chen ang makeup artist para punasan ang kanyang pawis at mag re-touch ng makeup sa kanya.

Naawa ang makeup artist kay Luo Chen dahil namumutla na siya, ngunit wala itong matulong sa kanya; ang entertainment industry ay isang lugar kung saan tinatapakan ng malalakas ang mga mahihina. Kahit masakit ang mga sinabi ni Ye Bai, ito ang katotohanan.

Mabilis na naisaayos ang lahat at ang ilaw ay nakatapat lamang kay Luo Chen.

Ang mga mata nila ay nasa lalaki na may suot ng puting pantaas na nakatayo sa tapat ng matingkad na ilaw.

Walang buhay at bakante ang isip ni Luo Chen na nakatayo doon, hindi siya makalagpas sa mga sinabi ni Ye Wan Wan. Mukha siyang mababasag na kapag nasanggi siya ng isang beses ay bigla na lang siyang masisira.

Para bang… inabandona ako ng buong mundo...

"Simulan na natin."

Pagka-utos ni Ye Wan Wan, nagsimulang umilaw ang pulang ilaw sa kamera.

Biglang kinabahan ang lahat tao doon.

Isa, dalawa hanggang tatlong segundo ang lumipas...

Nakatayo lang si Luo Chen doon na parang wala na siyang kaluluwa, hindi talaga siya nagsasalita.

Ilang segundo ang lumipas, wala pa ring reaksyon si Luo Chen; para siyang walang buhay na papet.

Umiling ang ulo ng makeup artist, naawa siya kay Luo Chen at ang cameraman rin ang nagbuntong hininga habang naghahanda siyang isara ang kanyang kamera. Nanlilisik sa sobrang lamig ang itsura ng lalaking nakaupo sa tapat ni Luo Chen.

Biglang nagsalita na si Ye Wan Wan para matapos na ang nakakasakal na katahimikan, "Kung ganito na lang ang mangyayari, pasensya na pero…"

Nang magsimulang magsalita si Ye Wan Wan, may mababa at gasgas na boses ang narinig sa buong film studio, "Ha…"

Sa harap ng ilaw, binaba ni Luo Chen ang kanyang tingin at bigla siyang tumawa.

Tumaas ang ulo ni Luo Chen. Tiningnan niya ang lahat ng nasa kwartong iyon. "Kasalanan na nabuhay ako… ang buong buhay ko… ay kasalanan…"

Ang tingin ng lalaki ay parang halimaw na gustong kumawala sa kanyang kulungan; ginagamit niya ang lahat ng lakas niya para pigilan ang bugso ng kanyang damdamin, "Ako si Lin Luo Chen… wala akong ginawang masama sa inyong lahat, pero ang bawat isa sa inyo, kayong lahat, ay nagagalit sa akin at pinipilit niya ako sa bingit ng aking kamatayan…"

avataravatar
Next chapter