479 In love si 9th uncle

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tuluyan ng sumabog si Si Xia: "Ye Wan Wan! Sinong anak mo, huh?!"

Inamo naman ni Ye Wan Wan si Si Xia nang makita na balisa ito, "Sige, sige, si mama at papa ay maglalabas ng gwapong anak - ayos ba 'yon? Masaya ka na ba?"

Hindi. ito. maayos. kahit. konti!

Napangudngod si Si Xia sa maliit na lamesa at ayaw nag magsalita pa...

Tahimik lang si Si Ye Han sa tabi niya, tinitignan ang babaeng may tusong ngiti sa kanyang mukha. Tila bang natunaw ang mga yelo na nasa mga mata niya at isang malamyang ngiti ang lumitaw sa kanya na para bang may malamig na hangin ang dumadaan sa isang sapa, na nagdudulot sa mga tubig na umalon...

Simula nang lubha siyang masugatan, mas naging marahas at barumbado siya; kahit na mah mabangis na hayop na namumuhay sa loob niya na hindi niya kayang kontrolin, nagagawa niya na lang panoorin na sakupin at sirain ang pag-iisip niya, onti-onti.

Gayunpaman, mas nagiging kalmado ang ang mga iritable niyang kondisyon at muntik niya ng makalimutan kung kailan siya nagalit at nawalan ng kontrol.

Tinignan ni Ye Wan Wan ang waitress sa gilid at nagtanong, "Hello, pwede ko malaman kung gaano katagal pa kami mag-aantay?"

Tumingin ang waitress sa numero nila at sabing, "Sa oras na 'to po, mas matagal po para makakuha ng table. Baka mag-antay pa po kayo ng mga isa't kalahating oras!"

"Ano? Ang haba non!" biglang tumayo si Si Xia.

Tinignan siya ni Ye Wan Wan. "Aking great young master, lahat ng reastaurant na may magandang business ay talagang pag-aantayin tayo. Pwede ba 'wag kang gumawa ng gulo?"

Kailan ba 'ko umalis ng walang mga katulong sa tabi ko o umupo sa VIP? Kailangan ko tuloy makipagsiksikan sa mga tao at mag-antay sa linya ng matagal...

Napasimangot si Si Xia. "Bakit ba tayo nag-aaksaya ng oras natin sa linyang 'to? Dapat pinaayos na lang natin kay Xu Yi 'to!"

Umirap si Ye Wan Wan sa kanya. "'Di alam ng bata kung paano magsaya, manahimik ka nga dyan!"

Kung gusto niyang kumain kasama si Si Ye Han, dapat gumawa na lang siya ng mga reservation sa isang high-class restaurant, kumain at umalis na agad - bakit kailangan niya pa pahirapan ang sarili niya?

Pero ano bang punto sa pagpunta sa mga ganitong klaseng date?

Masyadong may sariling mundo si Si Ye Han. Magandang oportunidad ito para makaranas siya kung paano mamuhay ang ordinaryong tao.

Sa sandaling ito, mula sa gilid ng mga mata niya, napansin ni Ye Wan Wan na may hawak yung waitress at masayang nagtanong, "Eh? Para ba sa mga lucky star 'yang mga papel na 'yan?"

Agad na naglabas ang waitress ng mga mahahaba at makikintab na mga papel at sabing, "Opo, para po 'to sa mga lucky star. May promo po kami ngayon - kung sino man po ang makapagtupi ng 150 na maliliit na mga bituin ay may $30 na voucher. Baka gusto niyo pong subukan tutal matagal-tagal din po kayong mag-aantay?"

Ang gandang deal! Makakakuha pa kami ng discount!

Baka ideya 'to ng restaurant para hindi mainip ang mga customer habang nag-aantay sila.

"Sige, sige! Akin na!" Agad namang kinuha ni Ye Wan Wan ang mga papel.

Matapos magsalita, lumingon si Ye Wan Wan kay Si Xia. "Ano pang inuupo mo dyan? Dali tulungan mo 'kong magtupi ng mga star! Makakakuha pa tayo ng $30 discount!"

Hindi makapaniwalang tinignan siya ni Si Xia. "Nilloloko… mo ba ako?"

Para sa $30, gusto niyang aksayahin yung oras ko na magtupi ng mga ganito?

Maya-maya, may mababang boses ang biglang nagsalita sa tabi ni Ye Wan Wan. Kinuha ng mahaba at mapayat na mga daliri ni Si Ye Han ang isang pink na papel at sabing, "Paano ko 'to itutupi?"

"Turuan kita - madali lang! Panooriin mo lang kung paano ko gawin, makukuha mo agad!" Lumapit pa si Ye Wan Wan kay Si Ye Han at ginabayan siya.

"Nakuha mo?" tanong ni Ye Wan Wan matapos na makatupi siya ng isang bituin.

Mabilis na kumilos ang mga daliri ni Si Ye Han at maya maya pa, isa mas maayos na bituin kaysa kay Ye Wan Wan ang lumitaw sa kanyang palad, "Ganto?"

"Oo, oo, oo! Baby, ang galing mo!" hinalikan ni Ye Wan Wan ang pisngi ni Si Ye Han.

Tinignan ni Si Xia ang kagalang-galang na 9th uncle niya na nakasuot ng mamahaling custom-made suit at nagtutupi ng mga malilit na butuin. "..."

May problema ba sa pag-iisip ang mga taong nagmamahal?

avataravatar
Next chapter