48 In love, ang 9th master?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos mapagisip-isip ni Mo Xuan saka niya nakita ang binata na tila walang kaemo-emosyong ngumingiti.

Hindi isang nakakarimarim at nakakatakot na tawa, o kahit malupit at nakakakilabot na panunuya, kundi isang aktwal, normal, at hindi kapani-paniwalang masayang tawa ang narinig. Sa pagkakataong iyon, isang mataas at tipak na nagyeyelong bundok mula sa kalayuan ang nagsimula nang matunaw.

Kung ang isang walang pakialam na si Si Ye Han ay may magandang tindig na, mas lalo pa ang nakangiting si Si Ye Han na maging ang isang tunay na lalaki ay kaya niyang mapalambot!

Bukod kay Mo Xuan, ang pinkanasorpresa sa lahat ay ang matandang babae.

Nanginig ang matandang babae at kita ang pamumula ng mga mata niya. Hindi niya nakita nag apo na ganinto ang ngiti sa paglipas ng napakahabang panahon.

"Apo! Anong tinitingnan mo? Bakit ang saya-saya mo naman ata?" Kabado at maingat na tanong ng matanda, takot sa nakita na baka isang guni-guni lamang.

Namula ang mukha ni Si Ye Han at biglang naging mas mahinahon na sumagot, "Text kasi mula sa nobya ko."

Nabigla ang matandang babae, "Nobya! Little 9th, may nobya ka? Kaya pala… kaya pala iba ang awra mo! In love ka nga! Anong klaseng babae siya, ilang taon, anong trabaho niya? Anong ginagawa ng pamilya niya? Anong pangngalan niya?"

Si Mo Xuan, na nananatiling nakatayo sa isang tabi, ay nabigla rin matapos marinig ang sinabi ni Si Ye Han.

Nobya?

Hindi naman siguro ang wala sa sarili na si Ye Wan Wan diba, siya nga ba?

Pinindot ni Si Ye Han ang kanyang phone, "Wan Wan, Ye Wan Wan."

Mo Xuan: "..." Siya nga!

Seryosong tumango lang ang matanda, "Wan Wan? Magandang pangngalan! Ikaw talaga na bata ka, paano mo nagawang ilihim 'to sa lola mo. Matagal nang hinihintay ni lola mo na magkaroon ka ng makakasama sa buhay na babae na siyang magaalaga sa'yo. 'Yung mga babae namang nakapaligid sa'yo, mukhang hindi mga edukada at masyadong bastos, paano ka nila aalagaan niyan? Bili at ipakilala mo na sa lola mo ang babaeng ito!"

Tila nasa magandang kondisyon si Si Ye Han at hindi tumutol sa hiling ng lola niya, "Sige po, titingnan ko po sa kanya mamaya."

Nakaramdam ng hindi matawarang sigla at saya ang matandang babae, "Magaling, tanungin mo siya ng maayos ha? Huwag mo siyang tatakutin. Kaswal na pagtitipon lang, hindi kailangang maging engrande pa!"

"Hm."

"Anong gustong pagkain ni Wan Wan? May paborito ba siya? Ipaghahanda ko siya agad-agad!"

May bahagyang paglamlam sa kanyang mga mata, "Hindi naman po siya mapili; kinakain niya po lahat."

"Walang arte sa pagkain, magaling!"

Nang malaman niyang nakikipagdate na ang kanyang apo, lalong sumigla ang matandang babae at hindi na mapakali sa kinauupuan. Naging punong abala na siya, tinatanong ang lahat ng mga kasambahay na ayusin ng mabuti ang paghahanda at tuloy lang sa paguutos sa mga katulong sa kusina na agahan na ang pagbili ng mga sangkap sa lulutuing mga putahe.

Nang matapos na siya, ipinatawag niya si Xu Yi.

"Madam, ipinatawag niyo raw po ako?" tanong ng kinakabahang si Xu Yi.

Hindi naging kuntento ang matandang babae, "Ipaliwanag mo 'yung sarili mo! Lagi kang nasa tabi ng apo kong si Little 9th, tapos hindi mo man lang namalayan na in love na pala siya?"

"Ah? Si 9th master...in love?" nabigla si Xu Yi.

Mula sa ipinakita niyang reaksyon, lalo pang nanggalaiti sa inis ang matandang babae, "Si Ye Wan Wan ang babaeng 'yun, si Little 9th mismo ang nagsabi ngayon!"

Ye Wan Wan?!

Nataranta si Xu Yi.

Si Ye Wan Wan, oo naman kilala ko siya--siya 'yung babae na kasama ni 9th master sa halos dalawang taon. Pero, si 9th master naman talaga ang nagpumilit na isama siya, diba? Dalawang tao na magkasama at hindi man lang makatulog sa iisang kama--pagibig nga ba ito?

Gayunpaman, hindi ba mahigpit nang pinagbawalan ni 9th master na tigilan na ang pagtsi-tsismis at paguungkat ng tungkol kay Ye Wan Wan sa harap ng ibang tao?

avataravatar
Next chapter