643 Imposible na ganito pala kahusay ang nakababata kong kapatid

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para bang kumulog ang isipan ni Ye Mu Fan nang marinig niyang sabihin ni Ye Wan Wan ang "ge ge."

"Wan… Wan Wan… ikaw si Wan Wan? P***! Nananaginip ba ako?! Ikaw… ikaw ang bagong boss ng Dazzling na si Ye Bia? Hindi, teka lang, 'di ba lalaki si Ye Bai?! Hindi, hindi… babae ba si Ye Bai?" pautal-utal ang mga salita ni Ye Mu Fan dahil nalilito siya sa pangyayari.

"Nagulat ka pa talaga?" Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan at tamad siyang umupo sa gilid na sofa.

Sa oras na iyon, nagtatago man bilang lalaki si Ye Wan Wan, natunaw ang nakakatakot na awra na pumapalibot sa kanya at unti-unti na naging malumanay ang kanyang ekspresyon at lalong naging pamilyar ang pagkatao niya.

Sa wakas ay naniwala na si Ye Mu Fan na ang taong kaharap niya ay ang nakababata niyang kapatid. Nilagay niya sa dibdib ang kanyang kamay at halos huminto ang pag-tibok ng kanyang puso. "Malamang! Muntikan nang huminto ang puso ko! Parang magic show tuloy ay napanood ko!"

Sinong mag aakala na ang boss nila ay biglang naging nakakabata nilang kapatid, 'di ba?

Sinuri ng maigi ni Ye Mu Fan ang disguise at bigla siyang napalunok, mukhang nahihirapan siyang sabihin ang gusto niyang sabihin. "Ang… ang lakas… ng loob mo! Walang nakakapansin na babae ka talaga?"

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at tumaas ang kanyang kilay. "Kung hindi ako napansin ng sarili kong kapatid - sa tingin mo ay mapapansin ako ng iba?"

Wala nang maisabad si Ye Mu Fan sa sinabi ni Ye Wan Wan.

"Hindi, hindi iyon ang ibig sabihin ko, ang importanteng katanungan dito ay paano ka nakapasok sa teritoryo ng Worldwide at paano ka nakaabot sa mataas na posisyon?"

Alam ng lahat na ang director ng talent recruitment ay mas makapangyarihan pa kaysa sa general manager; ang taong nasa posisyon na ito ay ang pinaka-pinuno sa lahat ng pangkat at kontrolado niya ang lahat ng resources ng mga artista. Ang noo'y direktor na si Zhou Wen Bin ay ang pinaka-makapangyarihan sa Dazzling kaya kontrolado niya ang lahat.

Paano niya naabot ang posisyon na ito...

Natandaan ni Ye Wan Wan ang lahat ng nangyari bago siya makapasok sa industriya...

At kung iisipin nga naman, naging madali ang kanyang buhay simula noong pumasok siya sa industriya at naging progresibo ang kanyang pag-angat nang hindi tulad ng inaasahan niya.

Nagkaroon siya ng posisyon sa kumpanya dahil sa insidente ni Han Xian Yu, ang pagsikat naman ni Luo Chen ang nagbigay sa kanya ng katatagan sa industriya at si Gong Xu ang hindi niya inaasahang kayamanan na dumating sa kanya, nagkaroon siya ng sapat na oras kaya napatalsik niya si Zhou Wen Bin sa posisyon nito.

Kung gayun… kailangan ko bang mabait kay Gong Xu?

Bumalik si Ye Wan Wan sa kanyang normal na kaisipan at binuod niya kay Ye Mu Fan ang storya kung paano siya nakapasok ng Dazzling.

Alam ni Ye Mu Fan ang mga tsismis tungkol kay Ye Bai. Akala ni Ye Mu Fan ay nagpapantasya lamang siya nang marinig niya ang storya ni Ye Bai sa kanyang masama at ignoranteng nakababatang kapatid...

Nagulat ang buong industriya sa balita tungkol sa panghahalay ni Han Xian Yu sa isang batang babae pero hindi niya inakala na ang sarili niyang kapatid ang pa-sikretong nagpatunay na inosente si Han Xian Yu sa mata ng publiko.

Ang dakilang propeta na kapatid niya ay ang nagpahayag ng tamang timing at kondisyon kaya ang lumang artista na si Luo Chen, na tatlong taon nang walang proyekto, ay biglang sumikat ng sobra sa loob lamang ng isang gabi. Kapatid niya rin ang naghila kay Gong Xu para malayo siya kay Zhou Wen Bin at pinasunod niya rin ang artistang ito.

Nag-aalala pa siya noong una - nag-aalala siya na baka mahirap magtrabaho sa kamay ng isang matalino at nakakatakot na boss, nag-aalala siya dahil baka sin-werte lang siya sa trabahong ito a baka pahirapan siya ng ma tao ngunit sa huli, ang boss niya ay ang sarili niyang kapatid. Sinong magtatangkang kalabanin siya kung ang katuwang niya ay mas matibay pa sa Mountai Tai?

Tinitigan ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan at biglang may ginintuang ilaw ang sumikat sa buong pagkatao niya.

"Sinasabi mo na… nakuha mo ang Golden Seas apartment bilang kondisyon sa insidente ni Han Xian Yu, pero niloko ka ng gurang na iyon gamit ang mabulaklak niyang mga salita at gumamit siya ng maraming pera para pabagsakin ka!"

Kailangan pa rin ng ilang taon ni Ye Wan Wan para mabayaran ang bahay kahit pa malaki ang kanyang sweldo.

avataravatar
Next chapter