746 Importante na magkasama ang pamilya natin!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Taong Yelo: "..." Hindi ko na kayang pigilan.

Bumalik si Spray of Flowers at hinila niya ang taong yelo. "Anong tinatayo-tayo mo diyan, hubby? Dali, halika dito! Importante na ang pamilya natin ay magkakasama!"

Ye Wanwan: "…"

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan habang tinitingnan niya ang anim na nagmamadaling pumunta sa kubeta.

Ano ito?

Gusto rin pala ng mga lalaki na magkakasama sila sa kubeta, huh?

Humarap si Ye Wan Wan kay Eleven at tinanong niya ito, "Uh, Eleven, pupunta ka rin ba sa kubeta?"

Pinagpawisan si Eleven. *Cough "Hindi ko kailangang pumunta sa kubeta… baba ako ng hagdan at titingnan ko kung handa na ang pangkat ni Xue Li."

Ye Wan Wan: "Sige, sige."

Mabuti naman at may normal pa rin akong kasama...

Sa oras na iyon, sa kubeta ng mga lalaki:

Pwersadong tinulak papunta sa pader ni Spray of Flowers si Feng Xuan Yi at tinitigan niya ito nang may pagbabanta. "Punyeta! Nahuli ka na namin, Bulol! Kapitan, siya ang traidor na dinaya tayo at nagtago siya sa loob ng Si family para maging madali ang buhay niya - may pakialam ka pa ba sa amin?!"

Prinangka na ng deboto at dinaan niya sa sindak si Feng Xuan Yi. "Nasaan ang pera, nasaan ang pera? Ilabas mo na, ngayon din! Sa pagkakaalam ko, mataas ang sweldo ng Kapitan ng Dark Team, tama?"

Tiningnan ni Spray of Flowers ang taong yelo. "Bobo, bakit hindi ka tumutulong?!"

Taong yelo: "Hindi ko siya kayang labanan."

"F*ck! Wala kang kwentang lalaki! Halika dito Little Sweetie!" Humarap si Spray of Flowers sa dayuhang tagabuhat ng bricks.

Panandaliang nag-isip muna ang dayuhan na taga-buhat ng bricks. "Kaya ko man siyang saktan… ayoko pa rin gawin."

Galit na galit si Spray of Flowers, "Nakita niyo naman kung sino ang tutulong kay kapitan, bakit kayo natatatakot? At tsaka, siya ang naunang sumuway sa kasunduan!"

Tiningnan ng dayuhang tagabuhat ng bricks si kapitan at si Feng Xuan Yi. "Sigurado ka ba na handa tayong tulungan ni kapitan?"

"Oo naman…" magsasalita pa lang sana si Spray of Flowers ngunit inangat niya ang kanyang ulo at nakita niya na may malalim na usapang nagaganap sa pagitan ni Nameless Nie at Feng Xuan Yi.

Pumatong si Feng Xuan Yi sa may bintana sa likod niya. "Kapitan, pahinging sigarilyo~"

Nilabas ni Nameless Nie ang mga sigarilyo at posporo. Pinasa niya ang isa kay Feng Xuan Yi, nilagyan niya sa pagitan ng kanyang mga labi at sinindihan niya ang posporo. Silang dalawa ang lumapit sa isa't isa para sindihan ang kanilang mga sigarilyo.

Nagsalita si Nameless Nie, "Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari?"

Hinithit ni Feng Xuan Yi ang kanyang sigarilyo at nagulat siya nang tiningnan niya silang lahat. "Hindi ko inakala na malalaman niyo, tsk, mas mabilis pala kayo at mali ang inakala ko sa inyo…"

Deboto: "Nalaman ang ano?"

Spray of Flowers: "Nalaman natin? Anong pinagsasabi niya?"

Dayuhang tagabuhat ng bricks: "Ano ang ubug mong sabihin?"

Taong yelo: "...?"

Kumibo ang mga labi ni Feng Xuan Yi. "... Huwag niyo nang isipin 'yon, kunwari wala na lang akong sinabi, hindi na sana ako umasa ng sobra sa IQ niyo."

Nagalit ang deboto. "Ano ang ibig sabihin mo doon?!"

Minsan lang nagkakasundo si Spray of Flowers at ang deboto. Biglang sumigaw si Spray of Flowers, "Tama! Bakit hindi mo na lang kami diretsohin?!"

Tiningnan ni Feng Xuan Yi ang bawat isa sa kanila at tinanong niya sila, "Bakit niyo kasama ang babaeng ito, kung wala naman pala kayong nalaman?"

Sumagot si Spray of Flowers, "Kliyente namin si Miss Ye."

Deboto: "Binigyan niya kami noon ng trabaho na maging ekstra sa palabas at ngayon, umaarte kami bilang bodyguards niya - galante siyang magbayad sa amin!"

Dayuhang tagabuhat ng bricks: "Napakagalante."

Taong Yelo: "En."

Humarap si Feng Xuan Yi kay Nameless Nie. "Kapitan, sigurado ka ba na ayaw mo pang kumuha ng ibang mga miyembro?"

Galit na galit si Spray of Flowers. "Punyeta, leche! Feng Xuan Yi, loko ka talaga! Sinisiraan mo na naman kami?! Kakalabanin kita!"

Sinenyasahan ni Nameless Nie ang dayuhan na pigilan si Spray of Flowers at ilagay ito sa isang gilid, pagkatapos ay tinanong niya si Feng Xuan Yi, "Anong nahanap mo?"

avataravatar
Next chapter