434 Ilang minuto pa lang nakakaalis

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sigurado na si Xu Yi na patay na ang espiya - nakita niya rin ang patay na katawan ng espiya at walang sino man ang makakapagpatunay na inosente ang espiya iyon.

Gawa-gawa lang ni Ye Wan Wan ang istoryang iyon para iligtas niya ang buhay ni Xu Yi.

Ngunit, hindi pa rin alam ni Ye Wan Wan kung tama o mali ba ang ginawa ni Xu Yi, pero mas pinili niya pa rin na paniwalaan si Xu Yi.

Malamang, kung hindi sumakto ang pag-depensa sa kanya ni Ye Wan Wan, ang dalawa niyang binti ay tulyan nang napilay at masasangkot pa ang buong Xu family sa kaguluhan na ito.

Makisig na tumayo si Xu Yi. Walang sawa niyang tinitigan si Ye Wan Wan habang makikita ang bakas ng pagpapasalamat sa kanyang mga mata habang dahan-dahan niyang binibigkas ang bawat salitang sasabihin niya: "Miss Wan Wan, ikaw ang magiging future mistress ng sambahayang Si, posible na marami kang magagawang maganda sa kinabukasan mo!"

Nabigla si Ye Wan Wan sa sagot ni Xu Yi.

Mukhang… kinikilala na ni Xu Yi ang magiging estado ko...

Hindi inasahan ni Ye Wan Wan na magbabago ang pag-uugali ni Xu Yi sa kanya pagkatapos ng insidenteng ito.

Dahil sa ngayon, mag-isa pa rin siya at wala pa siyang nagiging kakampi sa Si family. Malaking bagay kung makukuha niya ang loob ni Xu Yi.

At saka, hindi lang malapit na kaibigan ni Xu Yi si Si Ye Han pero, siya rin ang pinaka representasyon ng buong Xu family.

Ang ama ni Xu Yi na si Xu Chang Kun, siya ang 30 taon nang master ng pamilya nila at ginawa niya ng maayos ang kanyang trabaho bilang master; ang kanyang prestihiyosong pamilya ay mas angat pa sa ilang pamilya ng mag-anak na Xu.

Hindi nagtagal, pagkatapos umalis ng mga nakakatanda, dumating na si Dr. Sun.

Mabilis na inutusan ni old madam ang kanyang tauhan para ihatid sa kanila si Dr. Sun. "Dr. Sun, paki-check-up naman si Little 9th. Bigla siyang hinimatay at ngayon lang siya nagising!"

Habang nakahiga sa malaking grey na kama, tumaas ang kilay ni Si Ye Han nang marinig niyang may tao na nagbukas ng pintuan. Nang makita niya kung sino ito, bumalik ang itsura niya sa malamig na normal niyang emosyon.

Ngunit, makikita sa kanyang mga mata ang pagka-irita. "Saan si Wan Wan?"

Iritable rin na tiningnan ni old madam ang kanyang apo - sa puntong iyon, wala pa ring pakialam si Si Ye Han sa kanyang kalusugan; mas nauna niya pang naisip si Wan Wan. Hindi ba kaka-alis niya lang kani-kanina?

Pagkatapos ihatid ni Ye Wan Wan sila Xu Chang Kun at ang iba pa sa labas ng pinto, maririnig ang mga hakbang niya "dug dug dug" na nagmamadaling umakyat sa taas ng hagdan sa mga oras na iyon.

Nakahinga ng maayos si old madam nang makita niya na si Ye Wan Wan pala iyon. "Ah, andito na siya! Pwede ka na bang i-check up ni Dr. Sun, Si Ye Han?"

Si Ye Han: "Halika dito."

Malamang si Ye Wan Wan ang kausap niya.

Sumunod at naglakad papunta sa kanyang gilid si Ye Wan Wan.

Ang awra na pumapalibot kay Si Ye Han ay tila naging kalmado nang naglakad papunta sa kanya si Ye Wan Wan, bigla siyang napa-pikit kaya tuluyan na siyang chi-neck up ni Sun Bai Cao, kasama ang kanyang disipulo, ang buong katawan ni Si Ye Han.

Pagkatapos ang matagal na oras...

"Kamusta naman ang kalagayan ng apo ko Dr. Sun?" nabalisa si old madam nang makita niya na hindi maayos ang naging reaksyon ni Sun Bai Cao.

Kumunot si Ye Wan Wan at napatingin rin siya kay Sun Bai Cao.

Dahil sa unang buhay ni Ye Wan Wan, natandaan niya na kritikal ang naging kondisyon ni Si Ye Han dahil sa malalang mga pinsala sa katawan nito. Magiging maayos kaya ang kalagayan niya ngayon?

Umiling si Sun Bai Cao at bigla siyang nag buntong hininga. "Ang kalusugan ni 9th master… ay unti-unti nang… nasisira… kinatatakot ko na… hindi magiging maganda ang mga susunod na mangyayari para sa kanya…"

"Nasisira? Anong… anong ibig sabihin nito?" naging emosyonal si old madam kaya nahila niya ang buddha beads na hawak niya. Ang mga beads ay gumulong sa lapag nang sabihin niya iyon.

Naging mabigat ang ekspresyon ni Sun Bai Cao. "Nabanggit ko na sa inyo ito noon, pero mukhang maayos naman ang panlabas na itsura ni Si Ye Han - mukha man siyang maayos kung titingnan siyang maigi pero sa loob, unti-unti nang nasisira ang mga bahagi ng kanyang katawan. Labis na ang pagkasira ng kanyang kalusugan at hindi na rin kayang magpagaling ng sakit ang kanyang katawan. Kahit pa bigyan natin siya ng maayos na medisina bilang pundasyon ng kanyang katawan, malamang sasabog at lalabas ang mga tinatago niyang sakit. Ilang panahon na lang at…"

avataravatar
Next chapter