879 Ilabas niyo siya ngayon din

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Patuloy na nakaluhod si Si Ming Li sa sahig. Matigas ang kanyang itsura at kumikibot habang sinabi, "Na… narinig ko na gising ka na daw sabi ng doktor, kaya masyado akong nagalak - sobrang galak!"

Tumayo siya at nagpanggap na parang walang nangyari.

T*ngina. Hindi lang sa maayos si Si Ye Han, pero nag-uumpisa nang bumuti ang kalusugan niya! Paano ito nangyari?!

"Dr. Liu, wala ba talagang mali sa kalusugan ni master?" pagsiyasat ni Si Ming Li.

Nang marinig iyon ng chief specialist, nahiya siya at sabi, "Pasensya na, nagkamali ang diyagnosis ko ngayon lang at hindi nasuri maigi ang mga bagay. Mas sanay si Old Sun at wala na sa panganib ang buhay ni Mr. Si…"

Sa sandaling ito, isang umiikang pigura ang pumasok kasama ang isang katulong, "Dr. Liu, sinabi mo sa kanila ang totoo ngayon lang?!"

Nakita ni specialist Liu na pumapasok ang old madam at mabilis na sumagot, "Old madam, nakumpirma na namin ni Old Sun at magkasama naming sinuri maigi - hindi kami nagkakamali."

Tinignan ni Sun Bai Cao ang old madam at pinakalma siya, "Old madam, pakiusap kumalma po kayo. Napatunayan na po ngayon na ang mga paraan ng pagpapagaling ni Miss Wan Wan ay talagang epektibo at hangga't na pinagpapatuloy niya ito, may 50% na tsansa ang 9th master na tuluyang gumaling!"

"Mabuti ito! Sobrang galing! Isa itong biyaya mula sa ninuno natin! Isang biyaya!" masyadong emosyonal ang old madam habang lumapit siya kay Si Ye Han at sinuri ang kanyang apo mula taas hanggang baba. Nang makita na nakatayo siya doon at malusog, hindi na namumutla, sobra siyang natutuwa.

Nang makita na natapos na ang mga bagay, nanginginig ang katawan ni Si Ming Li at napalunok.

Noon, binatikos niya lang ang babae at napilayan ang binti ni Yi Jie sa pagiging bastos sa mistress ng bahay...

Kapag nalaman ni Si Ye Han na kinulong niya ang babae sa madilim na silis ng walang paalam...

Bukod dito, hindi lang future mistress ang babae ng bahay ngayon, pero niligtas niya rin ang buhay ng master!

Nang sinusuyo ni Si Ye Han ang old madam, kinuha ni Si Ming Li ang oportunidad na tahimik umatras sa mga tao at mabilis na tinawagan ang kanyang kasabwat.

"Hoy! Nasaan ang babae?"

"Dinala na namin siya sa madilim na silid. Umpisahan na ba namin ang pagpapahirap?"

"Pagpahirap mo mukha mo! Dali at ilabas niyo siya ngayon din!"

"Ah… ilabas… ilabas siya?"

"OO! Ngayon din! Ngayon na! 'Wag ka ng magtanong kung bakit!"

"Uh, okay…"

Sa dark chamber ng mga Si:

Matapos na matanggap ng dalawang gwardya sa pintuan ang tawag mula kay Si Ming Li, natataranta silang bumalik.

Samantala, nakaupo si Ye Wan Wan doon na nasa palad ang kanyang baba at tinitignan ang lalaki sa salungat na silid na pinapahirapan.

Mula sa usapan ng gwardya at bilanggo, nalaman niyang pinasok ng lalaki ang mga Si at nagnakaw ng malaking bilang ng mga sikreto. Tatlong buwan na siyang nakakulong at nakatikom pa din ang kanyang bibig, ayaw ibunyag kung sino ang mastermind...

"Ay, mali, master, masyadong marahas ang pagpalo mo! Masyadong hindi propesyonal, eh!"

"Mali ang anggulo! Totoo, hindi masakit kung ganyan ang pagpalo mo at sinasayang mo lang ang lakas mo! Tignan mo, pinagpapawisan ka na agad at hindi pa din siya nagsasalita!"

"Turuan kita! May mabisang paraan para hindi ka na mahirapan. Tawag dito ay 'ang pakiramdam ng paghihirap' - ikulong niyo na lang siya sa lugar kung walang ilaw, tunog o amoy at pagsuotin niyo siya ng malambot na damit. Wala siyang mararamdaman kapag sinuot niya iyon, na magpapawala sa katinuan niya, pati na din ang kanyang kaalaman sa oras. Sabihin ko sa inyo, magkakaroon ng mental breakdown ang normal na tao sa ganyang sitwasyon sa humigit kumulang na 16 na oras. Kahit na sa mga nakatanggap ng espesyal na pagsasanay noon, magtatagal lang sila ng isang araw lang…"

avataravatar
Next chapter