378 Ikaw yung may regla

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napatingala sa gulat si Ye Wan Wan ng marinig 'yon. Hindi kumakain ng kintsay si Si Ye Han?

Napairap si Liu Ying na nasa gilid, "Hindi man lang niya alam ang mga kinakain ng master…"

"Hindi ka kumakain ng kintsay?" tumingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han.

Lumingon si Si Ye Han sa kanya at kaswal na sumagot, "En."

"Oh..."

Totoo, mas kilala ni Qin Ruo Xi si Si Ye Han, pero hindi na din ito nakakagulat - kahit na ipagsama pa ni Ye Wan Wan ang dalawa niyang buhay na nakilala niya si Si Ye Han, mas maikli pa din ito kaysa sa mga oras na kilala ni Qin Ruo Xi si Si Ye Han.

Binawi ni Ye Wan Wan ang chopsticks at naghanda na subuan siya ng ibang pagkain.

Bandang huli, bago pa niya nabawi ang chopsticks, nawala ang hawak nito--sinubo ni Si Ye Han ang kintsay sa chopsticks ng hindi man lang nagbabago ang itsura nito.

Nagulat si Ye Wan Wan at kakaibang tinignan si Si Ye Han. "..."

Hindi ba sinabi niya… na 'di niya kinakain 'yon?

Nanigas din ang mga hambog na tingin ni Liu Ying. "..."

Tahimik na napatakip ng mukha si Xu Yi; alam niyang mangyayari 'to...

Ang punto ay hindi yung pagkain kundi ay yung taong kumakain nito.

Nang nakita ni Si Ye Han ni hindi gumalaw si Ye Wan Wan, ikiniling niya ang ulo niya at parang nagtatanong na tinignan ito, na ang ibig sabihin ay… pakainin pa ako.

Napakurap si Ye Wan Wan at nag-aalangan na sinubuan ulit siya ng kintsay.

Kinain ulit ito ni Si Ye Han ng walang pagbabago sa kanyang itsura.

Alam ng lahat na sinasadya ng BOSS nila na may kampihan at walang konsensiyang kinalag harap-harapan si Qin Ruo Xi.

Maliit na bagay lang iyon, pero agad niyang nilinaw kung sino ang tinatrato niyang pamilya...

Agad na tinignan ng lahat si Qin Ruo Xi, pero wala ding pagbabago sa itsura niya. Tutal, sa pagkamit niya ang estado niya ngayon, ibig sabihin ay isa siyang puwersa na kailangan pagtuosan.

Matapos na pakainin ni Ye Wan Wan si Si Ye Ha, hindi na siya nagtagal at agad na bumalik sa sofa.

Matapos ang kalahating oras natapos na din si Si Ye Han.

"Tapos ka na?" agad na tumingala si Ye Wan Wan.

Sumagot si Xu Yi, "Kailangan pang pumunta ni 9th master sa headquarters para sa isang meeting pa."

Naging malumbay ang itsura ni Ye Wan Wan. "Anong oras na ba? Kailangan niya pang pumunta sa meeting ng ganitong oras?"

Marahang umubo si Xu Yi. "Yung meeting… ay mas importante pa."

Importante… importante na naman...

Tinignan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han at nagtanong, "Hindi mo ba pwedeng i-reschedule?"

Nagpaliwanag si Qin Ruo Xi, "Sobrang importante ng meeting ngayon; hindi 'to pwedeng ipagpa-bukas. Sana maintindihan ni Miss Ye."

Hindi sinagot ni Ye Wan Wan si Qin Ruo Xi at patuloy na tinignan si Si Ye Han.

Marahang hinaplos ni Si Ye Han ang ulo ni Ye Wan Wan. "Mauna ka ng bumalik."

Nang marinig 'yon, ang galit na Ye Wan Wan na nakatago sa loob ay biglang nagising

Alam niya na lang puro trabaho trabaho trabaho; mas importante pa ba ang trabaho kaysa sa buhay niya?

Hindi niya ba alam ang kondisyon ng sarili niyang katawan?

Lumingon si Ye Wan Wan kay Xu Yi, pinipigilan ang galit sa kanyang dibdib habang nagtanong, "Gaano kalayo mula dito hanggang headquarters?"

Nang makita na parang hindi maganda ang atmospera sa dalawa, maingat na sumagot si Xu Yi, "Mga isang oras o mahigit."

Agad namang sumagot si Ye Wan Wan, "Edi sasama na din ako."

Nang marinig iyon ni Si Ye Han, tuliro siyang sumulyap dito.

Tinignan siya ng masama ni Ye Wan Wan at naiinis, "Anong tinitignan mo? Hindi ako pwedeng pumunta?"

Si Ye Han: "Ikaw bahala."

Pumasok na sila sa kotse.

Magkasamang nakaupo sa likod si Ye Wan Wan at Si Ye Han.

Galit pa din si Ye Wan Wan kaya naman nilingon niya ang kanyang ulo sa kabilang banda at umupo sa kabilang dulo ng upuan, nagmamaktol.

Si Si Ye Han, na okupado sa kanyang laptop, ay napansin din na galit ang kanyang girlfriend. Itinabi niya ang laptop at tumingin kay Ye Wan Wan.

Napansin niya na mabilis mainis si Ye Wan Wan, kaya naman tinanong niya, "Kabuwanan mo na ba ngayon?"

Agad namang pumutok ang mga ugat ni Ye Wan Wan na nasa kanyang noo, "..."

avataravatar
Next chapter