1211 Ikaw na mauna, gwapo ka naman!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malayo at mapanganib na lugar ang Northern Europe, malayo ang panganib na nakalagay dito sa imahinasyon ng mga tao.

Hindi makasagot si Ye Wan Wan dahil sa balitang ito at biglang bumalik si deboto na lumabas upang may sagutin na tawag. "Kapitan, pinapamadali na tayo ni Old Madam. Nasa labas na rin sila Ling Feng at Ling Yun. Paparating na rin yung eroplano…"

Tamad na umunat si Spray of Flowers. "Matatapos na ang miserableng misyon na ito… masyado akong namulat mula umaga hanggang gabi. Tingnan mo gaano ka-haggard ang mukha ko…"

Inirapan siya ng deboto. "Tigilan mo na ang magaspang mong mukha! Dalian mo at ipaliwanag mo kay Little Devil ang sitwasyon para maibalik na natin siya!"

Nagulat sa kanya si Spray of Flowers. "Ipaliwanag ang sitwasyon? Sino?"

Biglang sumagot ang deboto, "Paano ko malalaman? Hindi ako ang magsasabi sa kanya, noh!"

Spray of Flowers: "Sinasabihan na kita ngayon pa lamang! Hindi ako ang magsasabi sa kanya!"

Dayuhan na tagabuhat ng Bricks: "Hindi pa maayos ang pananalita ko sa Chinese!"

Taong Yelo: "..."

Malaking kalokoham ito! Pupunta tayo kay little devil para ipaliwanag sa kanya na niloko natin siya?

Kaya sa huli, sabay-sabay na lumingon ang lahat para tingnan si Nameless Nie.

Nakangiti na sinabi ng Deboto, "Sa tingin ko, dapat ang nagsinungaling ang magpapaliwanag ng kagagawan niya! Mas mainam iyon!"

Agad naman na sumang-ayon si Spray of Flowers, "Kapitan, ang gwapo mo. Ikaw na ang manguna!"

Hinaplos ni Nameless Nie ang kanyang baba. "Ganito na lang... maglaban na lang tayo, at kung sino ang matalo ay siya ang magpapaliwanag kay little devil?"

Yung apat: "..."

Parang masyadong makapal na ang mukha niya para gawin 'yon?

Dapat sinabi niya na lang na ayaw niyang subukan na gawin iyon!

Habang nag-aaway ang lima kung sino ang magpapaliwanag kay little devil, biglang narinig ang mga hakbang na nanggaling sa entrance. Nakita ang pagpasok ng isang matanda at bata sa may pintuan.

May suot na light gray si Si Ye Han at makikita ang payamanin niyang awra. Habang si Tang Tang ay may suot na cartoon print na pangbatang damit na binili sa kanya ni Ye Wan Wan, at may hawak siyang pulang maliit na balde sa kanyang kamay. May laman itong maliliit na isda at hipon na lumalamngoy sa loob.

"Mommy—"

Masayang tumakbo sa loob si Tang Tang habang hawak niya ang balde, ngunit ang masaya at malumanay niyang mukha ay unti-unting nawala nang makita niya si Nameless Nie at ang grupo nito.

Spray of Flowers: "Huli na ang lahat…"

Deboto: "Huli na talaga ang lahat… Nilalapitan na talaga ni Kapitan ang kamatayan… ang lakas ng loob niya para linlangin si Little Devil… sana kumalma si Little Devil kapag nalaman niya na nahanap na namin ang totoo niyang nanay… kung hindi, patay na tayo lahat…"

Tinitigan ni Spray of Flowers sa lalaki na nasa tabi ni Tang Tang. "F*ck… mukhang manlalalaki ako at lolokohin ko si Kapitan…"

Deboto: "Ano?"

Sinundan ng mga mata ni Deboto ang mga mata ni Spray of Flowers at nakita niya ang lalaki na nasa tabi ni Little Devil. Biglang kumibo ang labi niya. "Manloloko ka talaga! Bakit madaling magbago ang daloy ng puso mo dahil nakakita ka lamang ng hindi naman kagwapuhan na lalaki? Karapat-dapat ka ba para kay Kapitan?"

Nagtanong si Spray of Flowers, "Hindi kagwapuhan? Sinasabi mo ba sa akin na hindi kagwapuhan ang lalaking ito???"

"Eh… teka, saglit lang, bakit ang reaksyon at mannerisms ni Little Devil ay… parang katulad ng sa lalaking ito? Mapagkakatiwalaan talaga si Boss Famous! Nakahanap siya ng pekeng tatay na kamukha at katulad ng tunay na ama ni Little Devil?!"

Pilit na tinago ni Ye Wan Wan ang magulong emosyon at ang galit sa kanyang dibdib nang makita niyang pumason ang batang lalaki. "Nandito na si Tang Tang! Halika dito dali! Nandito si tito mo. Bakit hindi mo siya binabati?"

Umangat ang tingin ni Tang Tang kay Nameless Nie at kanyang sinabi, "Tito."

Umiinom ng tsaa si Nameless Nie para hindi siya mabalisa. Bigla niyang nadura ang nainom niyang tsaa at muntikan pa siyang mabilaukan nang marinig niya na tinawag siyang "Tito" ni Little Devil.

avataravatar
Next chapter