590 Ikaw lang ang gusto ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang walang paghihintay kay Ye Wan Wan na matapos ang pag-iisip, kinuha ni Si Ye Han ang isang kahoy na kahon. Matapos niyang buksan ang kahon, may isang singsing na nakalagay doon.

Ang singsing ay kulay gray at mukhang hind naman espesyal; mukha na itong sobrang luma at mayroong nakaukit ngunit hindi niya maintindihan.

Marahang pinunasan ni Si Ye Han ang singsing at tila may ibang iniisip. Matagal siyang hindi nagsalita.

Tumayo si Ye Wan Wan sa harapan ng lamesa. Hindi siya nagtangkang gumawa ng kahit anong ingay at guluhin siya. Hindi rin niya alam kung anong pinaplanong gawin ni Si Ye Han.

Sa wakas, hindi niya ito inilabas sa kanyang dating buhay.

Sa dati niyang buhay, mayroong isang beses na tila mayroong intensyon si Si Ye Han na dalhin siya dito sa attic, ngunit si Shen Meng Qi ang may hawak ng ilang impormasyon na ang attic ay puno ng katakot-takot na paghihirap na instrumento at sinasabi na doon kung saan pinapahirapan ni Si Ye Han ang mga tao. Kaya lalong natakot si Ye Wan Wan sa attic at hindi naglakas loob akyatin.

Sa mga oras na iyon na gustong siyang dalhin sa taas ni Si Ye Han, ang kinalabasan ay hindi inaasahan - siya ay walang alinlangan na hindi sumunod at pati magdulot ng isang malaking ruckus. Iniisip niya na gusto ni Si Ye Han na pahirapan siya…

Gayon pa man, hindi niya inaasahan na walang kahit anong nakakatakot na bagay sa attic.

Pinaplano ba ni Si Ye Han na bigyan ako ng kahit ano sa kanyang dating buhay nang gusto niiya akong dalhin dito?

Ingat ni Si Ye Han ang kanyang ulo at tumingin sa kanyang mata na mas madilim pa sa gabi. "Ang kapangyarihan sa likod ng singsing na ito ay lubos na walang kakayahan na kumontrol sa ngayon. Dalhin mo sa iyong isip na maaari mo lamang kunin ang singsing na ito kapag ikaw ay may sapat na lakas. Hanggang ngayon, gagawin ko lahat ng aking makakaya upang turuan ka ng ilang mga bagay…" 

Hinawakan ni Si Ye Han ang kanyang kamay at inilagay ang singsing sa kanyang palad.

Sa dati niyang buhay, hindi naging ganito si Si Ye Han, maraming sinasabi sa isang hinga lang.

Ngunit nakaramdam si Ye Wan Wan na may hindi maganda ng mas nakikinig sa kanya...

Parang ipinapahiwatig sa kanya ang kamatayan ni Si Ye Han...

Bininigay niya ang mga bagay na ito dahil maaari siyang mamatay kahit anong oras?

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang kalahating piraso ng jade at singsing sa kanyang palad at nararamdaman na parang nag-iinit ang kanyang palad. Hindi rin makontrol ang pagsikip ng kanyang puso.

"Alagaan mo sila," Binalaan siya ni Si Ye Han. kalmado ang kanyang mukha na parang wala siyang kakaibang sinabi mula sa kanyang karaniwang sinabi.

Sinara ni Ye Wan Wan ang kanyang palad at marahang binuksan ito.

Sunod niyon, tumingin siya ng diretso sa malamig na mata ni Si Ye Han at sinabing, "ayaw ko sila."

Nang makita na tinanggihan ni Ye Wan Wan ang mga bagay, kumunot nag kilay ni Si Ye Han at naging malamig ang kanyan itsura.

Inilagay ni Ye Wan Wan ang jade na pendant at singsing pabalik sa lamesa na nasa harapan ni Si Ye Han at nagsalita ng walang emosyon, "pakiusap ibalik na ang mga ito; hindi ko kailangan ang mga bagay na ito."

Ayaw kong tanggapin ang mga bagay na ito…

Kaagad na nagdilim ang mukha ni Si Ye Han at naging malungkot ang kanyang mata.

Sa labas ng bintana, matapos magtago ang liwanag ng buwan sa makakapal na ulap, ang temperatura ay dahandahang naging malamig.

Tumayo ng tuwid si Si Ye Han. tignan niya ang nag-iisang jade na pendant at singsing na nakalatag sa lamesa matapos tanggihan ni Ye Wan Wan…

Sa sandaling ito, inilagay ni Ye Wan Wan ang dalawa niyang palad sa lamesa at hinalikan ang mahigpit na nakatikom na payat na mga labi…

"Hindi ko kailangna ang mga bagay na ito. Ikaw… lang ang gusto ko…"

Nang pangalawang dumikit ang kanyang labi, biglang nanlaki ang mga mata ni Si Ye Han at mayroong sumambulat na alon sa kanayng mata. Ang kanyang mukha ay nabalot ng pagkabigla katulad ng hindi niya inaasahan na magrereak ng katulad nito si Ye Wan Wan.

Tinitigan siya ni Ye Wan Wan sa isang seryosong pamamaraan at malina na sinabi, "ikaw lang ang kailangan ko. Kailangan mo mabuhay!"

——

[Little drama]

Ye Wan Wan: Ano ang mga ito?

Si Ye Han: Ito ang mga teritoryo (I) na nasakop ng hari para sa iyo!

Ye Wan Wan: Oh, ibalik mo sila. Ayaw ko ng mga teritoryo - ikaw lang ang gusto ko, ganda. 

avataravatar
Next chapter