32 Ikaw ay talagang delusional!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng opisina ng Students Affairs.

Ang lahat ng guro ng F class ay naalarma at nagsimulang magtipun-tipon para imbestigahan ang exam papers ni Ye Wan Wan. Maraming mga estudyante ang lumabas ng silid nila para umusisa.

Nagsalita ang isa sa mga guro, "Kahit tricky ang mga tanong sa Liberal Arts exam, pasok pa rin ito sa scope ng ating curriculum. Naituro ang lahat ng ito bago pa ang eksaminasyon. Maraming mga matatalinong estudyante ng Qing He at hindi lang si Ye Wan Wan ang nag-iisang nakakuha ng perfect na scores. Pero ang punto dito...talaga bang nagawa ito ni Ye Wan Wan?"

"At saka isa pa, walang paraan para bigyang-katwiran ang nakuhang score niya sa Language, diba? Kahit na ang okay sa nagcheck ang komposisyong nagawa niya, paanong nangyari na hindi man lang siya nagkaroon ng mali sa reading comprehension?", tanong pa ng isa sa mga guro na may suspetya rin sa nangyari.

Maging ang Language teacher na si Feng Rui An ay nagduda rin, "Ye Wan Wan, tiningnan ko rin ng mabuti ang papel mo at lahat ng mga sagot, sakto sa lahat ng tamang sagot, bawat salit nito. Pwede mo bang ipaliwanag kung paano 'to nangyari?"

"Nakita ko na po ang dalawang tanong na 'yun noon pa at madali ko lang na nakabisado ang mga sagot. 'Yung una pong tanong para sa reading comprehension ay galing sa XX year ng province A's 6 School Union senior year exam paper at 'yung pangawala naman p, galing sa XX year ng National 13 Schools senior year second simulation exam.", mabilis na sagot ni Ye Wan Wan.

Habang pinapakinggang si Ye Wan Wan sa pagbanggit niya kung saan niya nakuha ang mga sagot sa dalawang tanong, kumislap bigla ang mga mata ni Feng Rui An, "Hindi masama, tama ang sources niya. Mahirap talagang sagutan ang mga tanong na 'to dahil hindi naman ito naituro pa sa klase.

Sa Reading Comprehension, itinuro lamang ng mga guro kung paano sagutan ang mga tanong. Hindi naman talaga nila naturuang magkabisado ang mga estudyante ng mga paksa na tinatalakay nila. Hindi nila pipiliing ilagay ang eksaktong mga tanong na sa 'yun para sa entrance exams. 

Sa huli, ibigsabihin, kinabisado ni Ye Wan Wan ang mga sagot para sa Reading Comprehension?

Habang tuloy lang ang diskusyon ng mga guro, isang antuking lalaki, mga nasa tatlumpng taon ang edad ang halos tamad na naglakad--suot-suot ang kanyang tsinelas, "Kung talagang may nakakuha ng mga tanong na 'yun at nandaya, eh bakit niyo ako binigyan ng 0 score sa math?"

Napatingin ang pinuno ng student affairs sa magulong histura ng lalaki, nagsalubong ang kilay at nagsabi, "Teacher Zhao, eskwelahan ito, pakiusap isaisip mo naman hitsura mo!"

Humikab lamang si Zhao Xing Zhou, "Wala naman akong klase sa umaga eh…"

Kahit na hindi pa matiis ng pinuno ng Students Affairs ang makita ang guro, hindi na lamang siya umimik pa. Magulo man palaigi ang ayos ni Zhao Xing Zhou, lagi naman nasa top ng school ang F class niya pagdating sa Math. Pero nanatiling bulag sa kanya ang principal.

Iritable nang nagsalita si Liang Li Hua, "Baka kasi hindi niya nagawang makabisado ang mga sagot sa Math exams. Anyway, bakit naman mamakabisado ng isang nasa ulirat na tao ang mga sagot sa Reading Comprehension kung hindi naman 'yun talaga natanong o nabanggit pa ng mga guro sa mga estudyante nila? Ang problema dito, nandaya siya, wala na siyang takas ngayon!"

Tumingin ang pinuno ng Student Affairs sa bata at seryosong nagtanong, "Ye Wan Wan, saan mo nakuha ang mga tanong sa exam?"

Walang pagdududang sumagot si Ye Wan Wan, "Nakuha po 'yun sa inilabas na exam papers."

Galit na napasigaw si Liang Li Hua, "Makinig nga kayo! Nagsisinungaling pa rin siya!"

Seryosong tumitig si Ye Wan Wan kay Liang Li Hua, "Teacher Liang, kung ipinipilit niyo po talagang nandaya ako, pakiusap, ilabas niyo ang ebidensya niyo. Kung may ebidensya kayo na kinuha ko ang mga tanong na 'yun bago pa magsimula ang exam, edi sige po, aalis ako ng Qing He School, agad-agad! Kung hindi naman, umaas akong babawiin ng school ang expulsion notice laban sa akin."

Pakutyang sumagot si Liang Li Hua, "Nababaliw ka na talaga!"

Humanap ng mauupuan si Zhao Xing Zhou. Nang makaupo, itinaas ang kamay at nagsabi, "Para matapos na, kung ipinipilit niyo talaga na nandaya ang bata, bakit hindi niyo sa pakuhain ulit ng test? Wala na bang isa pang set ng exam papers? Come on, ipakuha niyo siya ulit ng test ngayon!"

Kumuha ulit ng exam?

Nanahimik bigla ang lahat ng guro matapos marinig ang mga sinabi ni Zhao Xing Zhou.

Kung gusto nilang malaman ang katotohonan, ito lang ang tanging paraan kung hindi pa rin umaamin si Ye Wan Wan. 

avataravatar
Next chapter