1173 Ikaw ang papakasalan ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Paano… paano na yung pagda-damit mo ng pang-babae? Brother Ye, nangako ka sa akin! Sinabi mo sa akin na pwede kong makita si Little Candied Plum at magda-damit pang-babae ka rin!"

Pumitik ang dila ni Fei Yang. "Director Ye, pagda-damit pang-babae ka ba talaga?'

Nakapang-babae si Ye Bai?

Bakit… inaasam ko ito...

Androgynous si Ye Bai at may itsura siya… kapag naging babae siya… tut, sobrang ganda niya siguro, tama ba?

Pero, sinong lalaki ang handang maging babae?

Agad na sumabad ang iritableng si Ye Mu Fan at hindi niya na hinintay si Ye Wan Wan na sumagot, "Hindi siya pwedeng mag-suot ng pang-babae."

Matagal nang pangit ang tingin ni Ye Mu Fan kay Gong Xu, kaya mabilis siyang nagalit. "Bakit?! Nangako sa akin si Brother Ye! Sino ka ba kay Brother Ye? Anong karapatan mo na para ipagbawal ito?!"

Halos mamatay sa sobrang galit si Ye Mu Fan. "Ako ang…" ...kuya niya!

"Tama na yan, tigilan niyo na ang pagtatalo." Tiningnan sila ni Ye Wan Wan at malumanay niyang sinabi, "Nangako ako sa kanya."

Nagsaya si Gong Xu at lumipad ang ulo niya na parang paru-paro. "Ah, Brother Ye, mahal na mahal talaga kita! Pakasalan mo ako!"

"Ayoko, hindi ako interesado."

"Sayo pa rin ako ikakasal!" 

Ye Wan Wan: "..." Nasaan ang integridad mo?!

Gustong bugbogin ni Ye Mu Fan ang lokong si Gong Xu dahil sa sobrang galit. May sasabihin pa sana siya nang biglang may nag-ring na phone.

Phone ito ni Fei Yang.

May sinabi sa kanya ang katawagan niya at biglang tumaas ang kilay ni Fei Yang. Ngumiti siya at maayos siyang nakipag-usap, "Ah, salamat, salamat. Salamat sa imbitasyon ng presidente. Kaso kasi… hindi ko alam kung may oras pa kaming makapunta doon. Tanungin ko muna ang boss ko…"

Nakasimangot si Ye Mu Fan nang tiningnan niya si Fei Yang. "Sinong tumawag?"

Ngumiti si Fei Yang. "Si Old Chen!"

Nagtanong si Ye Mu Fan, "Si Chen Yan Feng? Ang presidente ng Film Association?"

Tumango si Fei Yang. "Oo. Hindi mo sinagot ang tawag niya?"

Umirap sa kanya si Ye Mu Fan. "Marami kasing tumatawag sa phone ko."

Hindi tumigil sa kaka-ring ang phone niya pagkatapos ng award ceremony.

Umubo si Fei Yang. "Ahem, sige."

"Bakit tumawag si Chen Yan Feng?" Tanong ni Ye Mu Fan.

"Heh. Tumawag mismo si Old Chen para imbitahan tayo sa after party ng Golden Orchid Awards!"

Suminghal si Ye Mu Fan. "Nag-iimbita pala ng last minute ang after party ng Golden Orchid Awards?"

Kumibit balikat si Fei Yang. "Sinabihan sila ng parehong Emperor Sky Entertainment at Worldwide Entertainment na hindi isama ang kumpanya nila sa after party. Tapos ngayon… ayan, alam mo na…"

Natural lamang na alam ito ni Ye Mu Fan.

Marami siyang naranasan na masasamang ugali ng tao nitong mga nakaraang taon.

After party ito na inimbitahan ang lahat ng guests pero maliban ang kanilang kumpanya. Tinanong niya ang mga ito pero ininsulto lamang siya ng isang minor na empleyado.

Bakit hindi sila iimbitahan ng organizers kung parehong Best Actor at Best Actress ang nakuha ng kumpanya nila? Kaya, agad silang tinawagan ng mga organizers.

Kung hindi, anong klaseng selebrasyon ng Golden Orchid Awards ito kung walang Best Actor at Best Actress?

Tiningnan ni Fei Yang si Ye Mu Fan at tinanong niya ito, "Ano, boss? Pupunta ba tayo o hindi?"

Malumanay ang mukha ni Ye Mu Fan habang nangangamba na tiningnan niya si Ye Wan Wan. "Pupunta ba tayo?"

Tumaas ang kilay ni Fei Yang nang makita niya ito. Imahinasyon niya ba ito? Si Ye Mu Fan ang pinaka-boss nila, pero si Ye Bai ang tinanongan niya ng isang importanteng problema. Masasabi na "nanghihingi siya ng permiso" galing kay Ye Bai gamit ang partikular niyang attitude.

avataravatar
Next chapter