129 Ikaw ang napahiya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Narinig ni Song Zi Hang at Shen Meng Qi ang lahat ng kumento.

Habang namumutla naman si Shen Meng Qi ang mukha naman ni Song Zi Hang ay hindi maipaliwanag.

Paanong natatangap niya na ang kaniyang matalik na kaibigan ay pinag-kakaguluhan at pinag tatawanan?

Maayos naman ang pakikitungo ni Jiang Yan Ran at tinutulungan pa niya si Shen Meng Qi noon, ngunit ang kinaiinisan ni Jiang Yan Ran ngayon ay ang pagiging arogante ni Shen Meng Qi. Kagaya ng kinaiinisan niya kay Ye Wan Wan noon.

Dahil sa drayber lamang ang ama ni Shen Meng Qi ng mga Ye, kailangan niyang sundan at sundin ito na para bang kaniyang ninuno. Sapilitan din siyang huminto ng isang taon.

Ang mga kumento na narinig niya sa mga tao ay labis nakasakit sa kaniya, at mas lalo pang kinagalit ni Shen Meng Qi nang makita niya ang nagdidilim na mukha ni Song Zi Hang.

Punyeta, higit pa ito sa inaakala ko? Matapos ang ginawa sa kaniyang pag limot ni Song Zi Hang, paano nagawa ni Jiang Yan Ran maka pag-ayos ng ganiyan kaganda.

Kilala ni Shen Meng Qi si Jiang Yan Ran, hindi ganito ang mga tipo ng kaniyang damit na sinusuot, at kahit kailan hindi ito mag susuot ng mga mararangyang damit.

Hindi lubos maintindihan ni Shen Meng Qi ang pagbabago ni Jiang Yan Ran; posible bang dahil ito sa trauma?

Dali niyang hininto ang kaniyang iniisip at humarap kay Jiang Yan Ran nang may pag-aalala sa kaniyang tingin, "Yan Ran, Saan kaba nanggaling ng mga nakaraang araw? Hindi na nakita ang mga gamit mo pag balik namin ng dorm, hindi mo rin sinasagot ang aming mga tawag kaya hinanap ka namin kung saan-saan. Sobra kaming nag aalala sayo, na baka may nangyari ng masama sayo…"

Ang para bang naiiyak na itsura ni Shen Meng Qi, kung hindi mo aalaming maigi, iisipin mo ang taong pinag bubulungan ay si Shen Meng Qi.

Tinignan ni Jiang Yan Ran ang mapagpanggap na si Shen Meng Qi, "Maraming salamat sa pag aalala mo sa akin!"

Habang naka upo si Ye Wan Wan sa pinaka harapang upuan, "Hm? Meng Qi, bakit ka ba sobrang nag-aalala para kay Yan Ran?" inosenteng tanong ni Ye Wan Wan.

Nagtataka si Shen Meng Qi kung bakit magkasamang dumating si Ye Wan Wan at Jiang Yan Ran ngunit hindi niya ito inisip na nagkataon lang. At dali dali niya itong sinagot," matalik na kaibigan ko din si Yan Ran, paanong hindi ako mag aalala sa kaniya!"

Makikita sa mukha ni Ye Wan Wan ang pag dududa at marahan niyang sinabi, "Oh… nasa kondisyon ka pa din palang pumunta sa basketball match na ito kahit na nag aalala ka…"

Tila ba parang kinakausap ni Ye Wan Wan ang kaniyang sarili, ngunit ang mga salitang sinabi niya ay masyadong malakas para marining ng lahat.

Biglang nag bago ang mukha ni Shen Meng Qi at pasimple nitong tinignan ng masama si Ye Wan Wan. "Wanwan, hindi naman sa ganon, napaka importante lang talaga ng laban na ito ngayon, Gusto ko lang…"

Sumabat na agad si Ye Wanwa bago pa matapos ni Shen Meng Qi ang kaniyang sasabihin, at tumango siya na para bang naintindihan niya ang sanabi, "Ako din, sa tingin ko napaka importante din ng labang 'to para sa akin! Matagal na panahon ko din hinihintay na dumating ang laban na 'to! Sayang naman kung hindi ko 'to mapapanuod!"

Ang laban na ito ay mas importante pa kesa sa tinatawag niyang best friend. Ang mga binanggit ni Ye Wan Wan ay hindi naman masama ngunit halata namang dama ito ng mga tao.

Napangiti ang mga tao at sumambulat ang mapanuksong tawanan nang narinig ang nakakalokong sinabi ni Ye Wan Wan.

"Tila napatunayan ko din ngayon na peke lang si Shen Meng Qi!

"Tama, umaarte lang pala si Shen Meng Qi na nag-aalala at nagpapanggap na may malalim na ugnayan ito kay Jiang Yan Ran, ngunit sa huli nandiyan lamang pala ito para akitin si Song Zi Hang! Sa tingin ko hindi na makapag hintay si Shen Meng Qi na mamatay si Jiang Yan Ran para tuluyang makadikit na siya kay Song Zi Hang!"

"Narinig ko na ang pamilya ng mga Song ay magiging katuwang ng gobyerno para sa isang malaking proyekto; at doble pa ang ilalago ng kanilang mga ari-arian!"

...

avataravatar
Next chapter