923 Iiwan mo na naman ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang batang lalaki na nakaupo sa sofa, mukhang isang siopao na maliit ang bata habang kinakamot niya ang kanyang mata at nang tinawag niya ang kanyang mommy. Mabilis na nawala ang galit na nararamdaman kanina ni Ye Wan Wan. Natunaw ang puso niya na gulong-gulo...

Nagtanong si Nie Tang, "Importante ba ang sasabihin mo?"

Ang mga salita na umaaligid sa labi ni Ye Wan Wan ay biglang nag-iba. "Uh… ang gusto lang sabihin ni mommy ay… hindi dapat natutulog ng gabing-gabi na ang isang batang lumalaki. Importante ito kaya ihahatid ka ni mommy sa taas para matulog!"

Nie Tangxiao: "En."

Kaya ang bata na gustong paalisin ni Ye Wan Wan ay bigla niyang dinala sa taas para patulugin.

Dinala ni Ye Wan Wan si NIe Tang Xiao sa guestroom dahil hindi niya pinaghandaan ito. Ngayon lang naman nagkakilala ang dalawa, kaya natatakot siya na baka hindi siya masanay na wala ang bata kapag naging malapit sila sa isa't isa. Mas mainam nang bigyan niya ang bata ng lugar para masanay sa kanya...

Uh, bakit niya hinahayaang masanay pa ang bata sa kanya? Hindi ba't sumuko na siya sa batang ito?

Binalot ni Ye Wan Wan ng kumot ang batang lalaki nang biglang may nag-notify sa kanyang phone. Mukhang may nag-send ng mensahe sa kanya sa WeChat.

Pinindot ni Ye Wan Wan ang phone niya at may nakita siya sa group chat nila ng taong yelo, may ilang mga mensahe ang lumabas...

[Tinanggap ng kaibigan mo na si Dead Man ang ampaw]

[Tinanggap ng kaibigan mo na si Dead Man ang ampaw]

[Umalis sa grupo ang kaibigan mo na si Dead Man]

Ye Wanwan: "…"

F*CK!!!

Bakit may taong walang hiya na nabubuhay sa mundo? Kinolekta niya ang mga ampaw bago siya umalis sa group chat!

Nagpadala siya ng dalawang ampaw na may laman na magkaibang halaga ng pera at tinanggap ito ng lalaki at wala man lang tinira ni-sentimo!

Mahigpit na hinawakan ni Ye Wan Wan ang kanyang phone hanggang sa mag-squeake ito. Umabot na 100 porsyento ang kanyang galit!

Punyeta. Kapag pinalagpas ko lang ito hindi ko masasabi na Ye ang apelyido ko!

Sa isang saglit, tiningnan ni Ye Wan Wan ang bata na nakahiga sa kama at nakapalupot ng kumot habang nakapatong sa bed frame ang maliit niyang kamay.

Unti-unting napawi ang nakakatakot na mukha ni Ye Wan Wan; natatakot siya na baka matakot sa kanya ang batang lalaki.

*Cough cough* "Matulog ka na, Tang Tang. Goodnight."

"Goodnight, mommy."

Binalot ni Ye Wan Wan ng kumot si Ye Wan Wan at sinara niya ang ilaw.

Nang papa-alis na siya, bigla siyang tinawag ng bata na nasa likod niya.

"Mommy."

Napahinto si Ye Wan Wan. "Anong problema, Tang Tang?"

Sa madilim na kwarto, narinig ni Ye Wan Wan ang bata na boses at nanghihinang boses ng bata sa hindi kalayuan. "... iiwan mo na naman ba ako, mommy?"

Tumibok ng malakas ang puso ni Ye Wan Wan at nagsisi siya nang marinig niya ang sinabi ng bata. May nalaman kaya ang batang ito?

Ye Wan Wan: "Hindi, hindi kita iiwan…"

Kung ako ang nanay mo, hinding-hindi kita iiwan.

Ginulo ni Nie Tang Xiao ang mga plano ni Ye Wan Wan.

Dahil hindi niya mapagkatiwalaan ang tito ng bata, kinailangan niyang mag-search online kung paano mag-alaga ng bata. Inutusan niya sila JIao Jiao at ang mataba na maghanda ng mga kailangan nila.

Habang nag-re-research siya, may naisip si Ye Wan Wan at bigla siyang nag-search tungkol sa Nie clan dahil sa mga pangyayari na hindi niya inasahan. Hinanap niya rin sa internet ang pangalan ni Nameless Nie at Nie Tang Xiao.

Tulad ng inaasahan, walang kwenta ang mga impormasyon na nakuha niya.

Nahulaan niya na noon pa man na hindi simple ang background ni Nameless Nie at ng iba. Lalo lang nakumpirma ang suspetya niya noong niligtas siya ng dalawang bodyguards ni Nie Tang Xiao.

Nagkataon lamang na nakilala niya ang mga taong ito kaya hindi niya pa ito masyadong inisip noon at ayaw niyang maging malapit sa kanila. Mawawala na ang relasyon ni Ye Wan Wan at ng bata kapag nahanap na ni Nameless Nie ang tunay na nanay ng bata...

Nahirapan siya noong nakilala niya si Tang Tang.

avataravatar
Next chapter