404 Iisa lang ang kalalabasan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang sabi ng ilan, na lahat ng nasa organisasyon ay nakasuot ng jacket na may burda ng rosas at nakasuot na pilak na maskara sa mukha nila; babae ang pinuno nila na nakasuot ng itim na belo na nakatakip sa kanyang mukha at tinatawag siya ng mga tao na Black Widow.

Walang nakakaalam kung saan nanggaling ang babaeng ito o ang kanyang edad. Sabi sa tsimis lagpas 60 na taong gulang na siya pero mukhang bata pa din at sabi din ng ilan na mukha siyang nakakatakot at masama...

At lagi kasama ng babaeng ito ang mga tauhan niya - kahit na hindi karamihan, pero masasabi sa kanilang aura at matatag na mga yapak na hindi sila ordinaryong tao. Mukha silang malalamig na sandatang pantao.

Ang kanilang itsura at pagdadamit ay tama sa mga tsismis. Pamumuno ng ganitong klaseng hukbo.

"Maari… maari bang… siya si… ang Black Widow?" pag-utal ni Eugene at humakbang patalikod kasama si Jason.

Sa usapang masama at pag-uhaw sa dugo - nangunguna ang babaeng ito. Mas mabagsik pa ang mga pamamaraan niya kaysa kay Eugene.

At gusto ng babaeng ito ang mga gwapong lalaki at mataas ang estado sa buhay; kahit na ang pinuno ng Si Bo Ge clan sa country M ay nahuli din niya.

Noong mga panahong iyon, ang So Bo Ge clan ay nagpakita na uhaw sa paghihiganti, pero sa huli, natalo silang lahat kinagabihan.

Sampung taon noon, nang ang Rosas ng Kamatayan ang pinaka-aktibo, pinukaw nila ang mga malalakas na kapangyarihan, at laging nagreresulta sa pagsira ng mga malalakas na kapangyarihan.

Kahit na na isang buong bayan, isang simpleng laruan lang ito na pwedeng durugin ng Rosas ng Kamatayan, maski ang mga clan.

Kapag kinalaban nila ang ganito kalakas, iisa lang ang kalalabasan nito - kamatayan.

Kaya pala...

Kaya pala pinukpok ng babaeng ito ang pako at nalaman ang kanilang bitag. Alam niya din ang lahat impormasyon tungkol kay K.

Sa kabilang banda, nakaramdam ng mali si Liu Ying at ang iba at umatras ng ilang metro sa kanila.

"Rosas ng Kamatayan!?" bumagsak bigla ang namumuong pag-asa sa loob ni Liu Ying.

"Paano 'to nangyari!" balot ng takot ang mukha ni Xu Yu.

Hindi ba ito ang alamat na organisasyon? Sampung taon ng walang balita tungkol sa kanila!

Nung una, nang makita nila na tinutulungan ng babae si Song Jing, akala niya na mga kakampi sila. Sinong mag-aakala na mas nakakatakot pa silang kalaban, at base sa tono ng isang partido, sasalakayin din sika nito!

Parang umalis ka lang sa lungga ng tigre at pumasok sa teritoryo ng lobo!

Mas lalong lumiit ang puso ng lahat...

Tinignan ni Song Jing ang bodyguard sa tabi ng babaeng naka-itim na bistida at umutal, "Bakit parang… parang pamilyar yung hubog ng bodyguard na 'yon...

Hindi lang 'yon - maaaring imahinasyon niya lang, pero bukod sa bodyguard, napansin niya din na kamukha ng babae si Ye Wan Wan.

Bodyguard?

Nang marinig siya nina Liu Ying at Xu Yi, pareho silang lumingon sa bodyguard na nakasuot ng pilak na maskara at totoo nga… mukha siyang pamilya.

"Parehas sila ng hubog ni Eleven…" bulong ni Xu Yi.

Si Eleven ang lider sa maliit na grupong sinamahang umalis si Ye Wan Wan. Tutal ang pigura niya ay may payat at mas matangkad kaysa sa ordinaryong tao, kaya madali lang itong mapansin.

Nang binanggit ni Xu Yi ang pangalan ni Eleven, biglang nagdilim ang itsura ni Liu Ying nang naisip niya si Ye Wan Wan na nang-iwan sa kanila.

Kahit na napansin ni Liu Ying at ng iba na ang pagkapamilyar ng pigura kay Eleven, hindi na nila itong pinag-isipan pa. Manerbiyos nilang tinignan ang dalawang makapangyarihan sa harap.

Sa huli, kailangan pa nating mamatay dito… ngayon?

Kung napunta sila sa mga kamay ng Rosas ng Kamatayan, pwede na ding silang mapunta sa mga kamay ng Murderous Black Gang.

Sabi sa tsimis na binababad lagi ng Black Widow ang sarili sa dugo ng isang dalaga para mapanatili ang kanyang pagkabata. Mahilig din daw siyang pahirapan at patayin ang mga gwapong lalaki - madaming mga pinuno ng iba't-ibang clan ang pinahirapan mismo ng kanyang mga kamay.

avataravatar
Next chapter