241 Ibigay mo sa akin ang malakas na espirito!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Handa nang umalis si Ye Wan Wan pagkatapos niyang kumain ng breakfast at naisaayos ang mga gamit niya.

Bago umalis, napahinto siya sa paglalakad at may natandaan, "Saglit! May nakalimutan akong importanteng gagawin!"

Mabilis siyang pumunta sa mahamog na bakuran at dahan-dahang naglakad sa puting hayop na nakahiga sa ilalim ng puno.

Kamakailan lang, madalas nang nasa Jin garden si Great White. Hindi pinapayagang makipaglaro si Ye Wan Wan sa hayop dahil tulad ng sabi sa idyom, "Ang labis ng pagbigay ng atention sa nakakapagtakang bagay ay nakakasira ng disposisyon", ang ibig sabihin ni Si Ye Han dito ay maapektuhan ang pag-aaral ni Ye Wan Wan kung patuloy siyang mababaliw kay Great White.

Buti na lang, plano niyang suwayin ang kanilang kasunduan, dahil pagsapit ng summer holiday ay makikipaglaro na siya kay Great White.

Kumibot ang tenga ni Great White nang maramdaman niyang may papalapit, ngunit wala siyang pakialam at tamad siyang nahiga habang komportableng winawagwag ang kanyang buntot.

Tatlo, dalawa hanggang isang hakbang...papalapit sa tigre...

"Great White, Great White, bigyan mo ako ng malakas na espirito para maganda ang scores ko sa exams!…" sabi ni Ye Wan Wan

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan. Mabilis niyang hinawakan ang katawan ng tigre habang malayo ang atensyon nito sa kanya; nang maramdaman ng hayop ang haplos, napatalikod ito at tumakbo palayo.

"...", habang pinapanuod siya ni Si Ye Han sa isang tabi.

Ang "importanteng gagawin" na sinabi niya kanina ay si Si Lu Te pala?

Nanginig ang labi ni Xu Yi nang makita niya si Ye Wan Wan na kinukuha ang kapangyarihan ng magaling na tigre.

Napagtanto niyang gustong gusto ni Ye Wan Wan si Si Lu Te.

Ang ibig sabihin ng pangalan ni Si Lu Te ay "mangangatay" at makikita naman ito sa kanyang itsura. Ang ganitong uri ng tigre ay mabagsik at malakas makipaglaban. At saka, pinalaki siyang maging mabagsik simula pa noong bata siya, kaya tunay na magagalitin at walang pasensya ang hayop na ito.

Hindi sana magugulat si Xu Yi kung takot si Ye Wan Wan sa tigre ngunit, tama ba na manghingi si Ye Wan Wan sa tigre ng malakas na espirito para sumapi sa kanya at gawin siyang "perfect" sa exams mamaya?

Kasi kung ayaw niya ang tigre, hindi niya masasabi ang ganoong mga bagay.

...

Personal na hinatid ni Si Ye Han si Ye Wan Wan sa kanyang exams.

Pagkarating nila doon, napakaraming magulang ang naghahatid ng kanilang mga anak sa eskwelahan.

Mga magulang na pinagsasabihan at pinapalakas ang loob ng kanilang mga anak habang hinahatid sila papunta sa hall.

"Papasok na ako!" Tinanggal ni Ye Wan Wan ang seatbelt habang naghahandang lumabas.

"Saglit," bigla siyang tinawag ni Si Ye Han.

Napahinto si Ye Wan Wan at humarap kay Si Ye Han-- papalakasin niya rin kaya ang loob ko?

"Ipasa mo agad ang exams mo at 'wag mong sayangin ang oras," sabi ni Si Ye Han.

Walang masabi si Ye Wan Wan sa sinabi ni Si Ye han, "..."

Pinagsasabihan ng magulang ng mga estudyante na 'wag ipasa agad ang papel at suriin muna kung meron pang pagkakamali bago ipasa. Pero gusto ni Si Ye Han na gawin ni Ye Wan Wan ang kabaliktaran.

Kakaiba ito, pero wala namang masama kung ikukumpara!

Buti na lang, nasa kanya ang swerte na galing kay Great White.

*cough* "Naintindihan ko.." Medyo naubo si Ye Wan Wan sabay tinulak niya palabas ang pintuan.

Ngayon ang liberal arts exam, kaya hindi niya ito kailangang tagalan.

At noong bahagyang nakabukas ang pintuan, muli niyang narinig ang boses ni Si Ye Han, "Saglit."

"Ah...meron pa ba?" nalilitong napalingon si Ye Wan Wan.

Ano na naman ito?

Kinilabutan si Ye Wan Wan sa nakakatakot na titig ni Si Ye Han sa kanya-- ano na naman ba ang ginawa ko para magalit siya?

Habang kumakabog ang puso ni Ye Wan Wan, lumapit at yumuko si Si Ye Han para halikan siya sa noo.

Nagulat si Ye Wan Wan nang maramdaman niya ang malamig na halik ni Si Ye Han habang tuliro niyang hinahaplos ang noo niya.

Ang halik na iyon… pinalakas niya ang loob ko dahil mahal niya ako?

Kelan pa nagkaroon ng EQ si Si Ye Han?

Umupo ng maayos at kalmado siyang tumingin, pagkatapos niyang halikan si Ye Wan Wan, "Magiging maganda na ang scores mo ngayon"

Ye Wanwan: "..."

Ang ibig sabihin ba ni Si Ye Han ay… mas mabuting nang maintindihan ko at natuto ako sa mga tinuro niya… kesa sa manghingi ako ng lakas kay Si Lu Te?

Kung titignan ito ng maigi, hindi maikakaila na totoo ang ibig sabihin ni Si Ye Han.

"Salamat…"

avataravatar
Next chapter