957 Ibibigay ko ito sayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinasa ni Nie Tangxiao ang kanyang maliit na ulo, tinitignan ang binata na nasa kanyang harapan.

Most beloved… darling?

Maaaring ito ang taong iyon…?

Maaaring ginawa ako sa pamamagitan niya at ni Mommy?

Totoong inalagaan ni Ye Wan Wan ang taong ito. Hindi na masama ang kanyang potensyal at maayos ang kanyang ugali. Kahit na siya ay isang ng A-lister na may hindi na mabilang na fans, hindi padin siya mahangin.

Matapos malaman na ang batang ito ay kapatid ni Ye Wan Wan, lalong nakipagusap si Luo Che kay Nie Tangxiao at binigyan ito ng candy.

Hinawakan ni Nie Tangxiao ang candy at tumingin sa kanyang Mommy saka kay Luo Chen. Ang pares ay kumilos ng napaka pamilyar at nag-sync sa isa't isa habang pinag-uusapan nila ang kanilang trabaho at script. Siya ay napaisip ng malalim.

Sa sandaling iyon, panibagong pares ng yapak ang dumating sa labas ng pintuan.

Ito ay isang tao na nakasuot ng isang eleganteng retro at puti, plaid suit. Siya ay magdala ng bouquet ng magagandang lavender baby's breath habang siya ay naglalakad papasok. Sa kanyang likuran ay ang kanyang assitant at isang lalaki na nagpakita upang maging kanyang manager.

Ang kanyang assitant at manager ay may dala-dala ring parehong regalo at sariwang bulaklak sa kanyang kamay.

Nagbigay ng kakaibang dating ang taong ito kaysa kay Luo Chen. nagpahiwatig ito ng isang mainit na pakiramdam ng lubos na pagkakakilanlan at nagawang mapukaw si Nie Tangxiao.

Ng makita ni Ye Wan Wan ang paparating na taong ito, binati niya ito ng may pagkagulat. "Xianyu, tapos kana? Mabilis ito?"

Talagang hinayaan siyang makaalis agad ng mga reporter?

Bahagyang ngumiti si Han Xianyu habang siya ay naglalakad. "Mhm, tapos na. Salamat, at andon si Gong Xu."

Nang matapos siyang masalita, inabot niya kay Ye Wan Wan ang bouquet na nasa kanyang kamay.

Tinignan ni Ye Wan Wan ang bouquet na nasa kanyang harapan at kumurap. "Ang mga bulaklak na ito… ay bigay sayo ng isang fan?"

Natawa si Han Xianyu. "Hindi, binibigay ko ito sayo. Nagtrabaho ka ng mabuti!"

Biglang tumibok ang puso ni Ye Wan Wan. hindi niya inaakala na siya ay maakit. "Mr. perfect! Kapag nalaman ng mga fans mo, magseselos sila sa akin!'

Mr. Perfect!

Nabuhayan ang tenga ni Nie tangxiao.

Tahimik na inobserbahan ni Han Xianyu ang binatang nasa harapan niya at sumagot, "aktor lang ang tanging nakikita sa atin ng fans, sino ang nasa unang linya, pero ayos lang. Alam nating lahata ng pagsisikap at paghihirap na pinagdaanan ninyo."

Alam niya na ang insidenteng kabilang si Xu Lin ay hindi na maibabalik at nakapaghanda na siya para sa malala. Gayunpaman, hindi niya lubos maisip na ang taong ito ay muling ibabalik sila mula sa kamatayan.

Magmula ng makilala niya ang taong ito, tuloy tuloy ang paggawa ng taong ito ng mga milagro.

Gaano man kaliwanag ang ningning ng mga aktor mula sa labas, ang taong ito ay gurupo ng totoong kaluluwa ay espirito.

Nalugod si Ye Wan Wan sa bulaklak na natanggap niya. "Hindi nakapagtataka na tinatawag ka ng fans na isang anghel…"

Talagang nagalak si Han Xianyu!

Iniisip niya ang lahay at maaalalahanin. Lagi niyang inaalala ang ang nakapaligid sa kanya at pinaparamdam na sigla at pagpapahalaga.

Pinanuod ni Han Xianyu ang pagmamahal at tumitingin sa lavender bouquet sa kanyang kamay...

Ang sigla sa kanyang tingin ay nagpapatibok sa puso ni han Xianyu.

Malinaw na siya ay isang lalaki, ngunit siya ay mas mahinahon kaysa sa totoong babae...

Nawala sa kanyang katinuan si Han Xianyu ng biglang, nakaramdam siya ng nakatutusok na tingin. Matapos tumingin sa paligid, nakita niya na ang tingin ay nanggagaling mula sa isang batang nasa likod ni Ye Bai.

Han Xianyu: "Ye Bai, ito ay…?'

Kailan ka siya nagkaroon ng anak?

"Ah, ito si Tangtang. Siya anak ng kaibigan ko…" ipinaliwanag ni Ye Wan Wan ang parehong bagay tulad ng ginawa niya ng una.

Tumayo si Nie Tangxiao sa tabi ng kanyang ina, tinitignan ang si Han Xianyu. Ang babala na pinanghahawakan niya at sampung beses pa doon ng obserbahan niya si Luo Chen!

avataravatar
Next chapter