495 Ibibigay ko ang kahit anong gusto mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binalot ng madidilim na ulap at mga kidlat ang buong kalangitan, sumunod na rin ang malakas na ugong ng kulog.

Noong gabing iyon, mataas ang lagnat ni Si Ye Han.

Noong una ay sipon lang, pero biglaan itong naging mataas na lagnat kaya ang mga alalay sa Jin garden ay naging abala habang ang mga personal na mga doktor ay naghihintay lamang, natatakot sila na baka may mangyaring masama kay master.

Parang babasagin ang katawan ni Si Ye Han; masisira kaagad ito kapag nagkaroon siya ng kaunting sakit.

Pabilis ng pabilis ang paghinga ni Si Ye Han at ang mukha niya ay namumula habang nakahiga siya sa malaking kulay grey na kama.

Paulit-ulit na pinipiga ni Ye Wan Wan ang malamig na tuwalya para lumamig naman ang temperatura habang pinupunas niya ito sa mainit na katawan ni Si Ye Han.

Nung sandaling binawi niya ang kanyang kamay para ibaba ang tuwalya, bigla siyang hinablot ni Si Ye Han at hinawakan ang kanyang pulsuhan.

Halos masira ang buto ni Ye Wan Wan dahil sobrang sakit ng mahigpit na pagkakahawak ni Si Ye Han.

Napakunot si Ye Wan Wan at ginamit niya ang isa niyang kamay para haplosin ang likod ni Si Ye Han.

Medyo kumalma na si Si Ye Han ngunit hindi pa rin niya pinapakawalan sa pagkakahawak niya si Ye Wan Wan.

Umupo na lang sa gilid ng kama si Ye Wan Wan habang nalilito siyang nakatingin kay Si Ye Han na nakahiga sa kama.

Dahil sa tinagal-tagal ng panahon na kasama niya ang lalaki, akala ni Ye Wan Wan na kilala na niya ang buong pagkatao ni Si Ye Han, pero madalas, ramdam niya na hindi niya kilala ang lalaking ito.

Hinawakan ng mga daliri ni Ye Wan Wan ang namumutlang labi ni Si Ye Han, dahan-dahan na lumipat ang kanyang kamay sa dibdib ng lalaki at bumulong siya habang lumilipad ang kanyang isip, "Si Ye Han… bakit… bakit ka nagtitiwala sa akin?"

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang kakaibang kaakit-akit na itsura ni Si Ye Han. Mapait ang kanyang ngiti at nagbuntong hininga siya. "Hindi ka ba natatakot na… gusto talaga kitang mamatay?"

Nalungkot si Si Ye Han habang dahan-dahan niyang binubuka ang kanyang mga mata. Ang mga mata niyang malalim at malamig at parang natutuliro habang ito'y nakatitig kay Ye Wan Wan, parang si Ye Wan Wan lang ang nag-iisang taong nakikita niya sa mundong ito. "Ibibigay ko… ang kahit anong gusto mo…"

Parang hinablot ng mahigpit na kamay ang puso ni Ye Wan Wan. Napakagat labi siya nang makita niya ang lalaking nalilito dahil sa sakit niya. "Hindi ko kayang tanggapin 'yon! Kailangan mong mabuhay at hindi ka pwedeng mamatay… naririnig mo ba ako?"

Pumikit na lamang si Si Ye Han dahil sa sobrang pagod. Lumabas sa kanyang mga labi ang isang bulong. "Sige…"

Humigpit ang kamao ni Ye Wan Wan. "Sinungaling…"

Lagi na lang siyang sumasang-ayon; sineseryoso niya ba ang mga pangako?

...

Kinaumagahan.

Nawala na ang bagyo at lumamig naman ang hangin.

Bumukas ang mga mata ni Ye Wan Wan, napansin niya na nakatulog pala siya sa tabi ni Si Ye Han.

Manipis na pajamas lang ang suot niya pero nakakagulat dahil hindi siya nilamig.

Sa gilid ng kanyang tingin, nakita niya ang ilang hibla ng puting buhok sa may carpet...

Pumasok dito si Great White?

Sa oras na iyon, biglang gumalaw ang kanyang katabi kaya napatingin si Ye Wan Wan sa may kama.

Gumalaw ang mga daliri ni Si Ye Han, mukhang magigising na ang master.

Dali-daling hinawakan ni Ye Wan Wan ang noo ni Si Ye Han.

Ang takot na itsura ni Ye Wan Wan ay kumalma na pagkatapos niyang haplusin si Si Ye Han. "Buti naman… wala na ang lagnat mo…"

Pagkatapos magbuntong hninga ni Ye Wan Wan, sinalubng siya ng kulay light brown na maga mata na kasing linaw ng langit nang matapos ang malakas na bagyo.

"Gising ka na pala. Okay na ba ang pakiramdam mo?" tiningnan ni Ye Wan Wan ang lalaki sa kama.

Walang sinabi si Si Ye Han, ang mga mata niya ang nakatuon lamang kay Ye Wan Wan at mukhang hindi pa masyadong gising ang diwa niya.

Tinitigan siya ni Ye Wan Wan. "Natatandaan mo ba ang pinangako mo sa akin kagabi?"

"Ano?" tanong ni Si Ye Han.

Biglang nalugmok si Ye Wan Wan. Sabi na eh, sinungaling ang lahat ng iyon...

Habang nagagalit si Ye Wan Wan, naramdaman niya ang kamay ni Si Ye Han na hinaplos ang kanyang mukha. "Natatandaan ko - hindi ako mamamatay."

avataravatar
Next chapter