999 Ibang lebel ng kagwapuhan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Aking munting kuya...

Hindi mapaliwanag ang nararamdaman ni Nameless Nie sa kanyang puso nang makita niya ang mga salitang ito.

Sa sandaling ito, isang alaala ang bumungad sa kanyang isipan. Isang maliit na bata ang gumegewang patungo sa kanya, hindi man masabi ng maayos ang mga salita pero patuloy pa din ang pagtawag ng bata sa kanya ng kuya sa munting boses nito...

Kung alam niya lang na iyon ang huling beses na makikita niya ang kanyang kapatid, hahawakan niya ang maliit nitong kamay at mananatili pa ng matagal kasama ito sa halip na itulak ito at tumakbo papaalis...

Matapos ang sandaling paggunita, huminga ng malalim si Nameless Nie at itinago ang litrato mula noon.

Sa gilid, napansing ng dayuhang laryo na malalim ang iniisip ng kanyang captain at hindi mapigilang magulat. "Anong problema ng captain?"

Hinawakan ni Spray of Flowers ang kanyang maliit na bulaklak sa kanyang ulo at nanghimutok. "Ano pa ba? Namimiss niya ang kapatid niya…"

Nausisa ang dayuhang laryo. "Rinig ko na may anak na babae ang mga Nie. Bakit hindi sa mga Nie lumaki ang kapatid ni captain?"

Nagkibit balikat si Spray of Flowers. "Hindi ko alam. Kung hindi siya binanggit ng captain. Hindi ko malalaman na may kapatid siyang babae…"

Matapos niyang mag-text, inilapag ni Ye Wan Wan ang kanyang telepono sa gilid at binuksan ang kanyang aparador.

Puno ang iskedyul niya ngayon. Bago magtanghali, kailangan niyang pumunta sa produksyon tapos may klase siyang dadaluhin mamayang hapon sa eskwelahan.

Ang pangunahing lektor ay si Li Yue, isang bisitang lektor sa Imperial Media University at matalik na kaibigan ng kanyang lolo, si Ye Hong Wei.

Nakilala niya si Li Yue sa birthday banquet ng kanyang lolo. Mapapansin ni Li Yue kung hindi siya magpapakita, kaya magiging mahirap ang mga bagay. Mahalaga ding banggitin na ang mga leksyon ni Professor Li Yue ay may pakinabang pakinggan.

Nagpalit si Ye Wan Wan ng panlalaking damit at nagdala din ng pambabaeng damit para magpalit sa eskwelahan.

Kailangan dumalo ni Si Ye Han sa isang banquet sa gabing iyon para salubungin si Mr. Mu.

Matapos na magpaalam kay Tangtang, magkasamang umalis sina Ye Wan Wan at Si Ye Han. Gagawin muna nila ang mga dapat nilang gawin saka magkikita para sabay na pumunta sa banquet.

Matapos na maghiwalay ng dalawa, nakarating si Ye Wan Wan sa lugar ng pagfilm.

Imperial Media University.

Ngayon, nasa tapat lang ng lugar ng pagfilm ang kanyang eskwelahan, kaya siya nagdala ng mga damit niya. Pwede siyang magpalit pagsapit ng hapon at dumeretso na sa kanyang klase.

Nang makarating si Ye Wan Wan, nagshoshoot sila sa mga parte ni Gong Xu at Luo Chen.

Aaktong kuya ni Gong Xu si Han Xian Yu sa pelikula. Isa siyang guro ng unibersidad at may mga eksena na nasa eskwelahan, kaya nandoon ang lahat.

Dahil sa kasikatan ng mgabida, kahit na tago ang kanilang lugar ng pagshoot, nagshoshoot pa din sila sa oras ng mga klase kaya madaming mga tagahanga at esudyante ang nanunuod sa lugar.

"AHHHHHHH! Gong Xu, Gong Xu!"

"Luo Chen, MAHAL KITA!"

"Xian Yu! Xian Yu, tingin ka dito!"

"AHHHH DIYOS KO! Sobrang hot ni little angel Xian Yu sa salamin niya, AHHH!"

Lumapit si Ye Wan Wan kay Han Xian Yu at pinagmasdan ito habang binabasa ang script.

Hm, nakasuot ng eleganteng kulay-abo na suit at salamin si Han Xian Yu. Kasing gwapo niya nga talaga ang isang guro...

Buti nalang, may laban sina Gong Xu at Luo Chen sa kanya pagdating sa itsura. Kung hindi, hindi na magtatangka pa si Ye Wan Wan na gumanap ng supporting role si Han Xian Yu. Kukunin niya lahat ng atensyon...

"Dumating ka!" napansin ni Han Xian Yu na dumating na si Ye Bai, kaya binati niya ito.

Napansin din ni Han Xian Yu ang pagtitig ni Ye Wan Wan at napahawak sa kanyang mukha. "Ano iyon? May mali ba sa makeup ko?"

Tumawa si Ye Wan Wan. "Wala naman. Napansin ko lang naibang lebel ang kagwapuhan mo ngayon. Kaya pala talagang tagahanga ang aking Little Yan!"

avataravatar
Next chapter