466 Ibabalik mo ito kung paano mo ito ninakaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga oras na ito dahil ito ay isang public casting, hindi ito magagamit kahit na nakahanap na ng sponsor si Wu Zheng Fei - hindi gagawa ng isang malaking pag-sugal ang production crew para pasamain ang loob ng publiko sa pag palit ng supporting actor matapos siyang piliin.

"nasabi mo na nakahanap sila ng iba. Sino ito?" pinigilan ni Ye Wan Wan ang hinala sa kanyang puso at kalmadong nagsalita.

Nag-aalangan ang munting assistant at hindi tinangkang magsalita. Sa halip, nanghihina niyang inabot ang isang pirasong papel. "Ito… ito ang fax na sinend ng production crew. Ye-ge tignan mo ito. Gagawa sila ng listahan ng mga main actor sa publiko ngayon hapon!"

Kinuha ni Ye Wan Wan ang fax at tinignan ito. Sa sumunod na sandali, napansin niya ang dalawang nakakagulat na mga salita matapos ang nakalagay sa supporting actor-- Gong Xu!

"Gong Xu?" matapos makita ang pangalan na iyon, kumunot ang kilay ni Ye Wan Wan.

Kaya sinabi ni Ye Wan Wan… sino ang may kakayahan sa production crew na mag palit ng aktor kahit na katatapos lang i-broadcast ng live ang casting?

Kahit na si Gong Xu, isang mayamang bata sa pangalawang henerasyon, ay nagkaroon ng kakilakilabot na reputasyon sa industriya, siya ay nagmula sa isang mayaman at ang kanyang tiyahin sa ama ay isa sa mga founder ng malaking entertainment sa country M, SA Entertainment. Kaya hindi lang siya isang regular na mayamang bata sa ikalawang henerasyon - sa kabilang banda, papular pa rin siya sa kabila ng antas ng kanyang kakayahan

Matagal kong pinagplanuhan at naglaan pa ako ng lakas para dito, ngunit sa bandang huli, makakaranas pa kami ng ganitong kagrabeng pagbabago!

Ipinikit ni Ye Wan Wan ang kanyang mga mata at tila may nakita siyang dumaan ng pisilin niya ang kanyang mga kilay. Magsasalita sana siya ng dumating yapak sa may pintuan.

Nakasuot si Zhou Wen Bin ng isang pinasadyang mamahaling suit at kaswal na nakatayo sa may pintuan. Tinango niya ang kanyang ulo at mahinahong sinabi, "Bata, wala ka pang masyadong karanasan. Bilang matagal na din tayong magkakilala at magkatrabaho pa tayo, kinakailangan ko lang paalalahanan si manager Ye. Para sa malaking produksyon ng 'Terrifying Dragon', hindi mo basta basta makukuha ang role dahil marunong kang umarte…"

Malamig ang tingin ni Ye Wan Wan kay Zhou Wen Bin ng ipakita nito ang lakas niya, kahit na hindi siya nagsalita.

Pinansin ni Zhou Wen Bin ang nanlumong itsura ni Ye Wan Wan ng saglit at humarap kay Luo Chen at nagsabi, "Little Chen, tinuruan ka ni Bin-ge dati na bilang isang aktor sa industriya, walang kwenta kung magaling ka lang!"

Nagsalita si Zhou Wen Bin habang dahan dahang papalapit kay Luo Chen. Hinawakan niya ang balikat nito. "Little Chen kung magsisisi ka ngayon…"

Bago pa man umabot ang mga daliri ni Zhou Wen Bin kay Luo Chen, may maputing kamay na humarang sa kanya.

Tumawa si Zhou Wen Bing na parang wala siyang pakialam. Iniatras niya ang kanyang kamay at tinignan niya ang boung katawan ng bata at sinabi ng mahina, "Kung magsisisi ka ngayon, habang may oras pa…"

"Sakin lang, ako, si Zhou Wen Bin, ay ayaw sa mga gamit na bagay - mga taong sumunod na sa iba - dati, kung kaya kung gusto mo pang bumalik, ipakita mo ang iyong sinseridad, hahaha…"

Tinitigan niya ito at naglakad palayo ng masaya.

Matapos umalis ni Zhou Wen Bin, nagkaroon ng nakakamatay na katahimikan.

Makalipas ang ilang sandali, sinubukan ni Luo Chen na pilit ngumiti at nagsabi, "Ye-ge… Ayos lang ako… tinulungan mo na ako ng madami… ako ito… ako'y walang kwenta..."

Kung namili ng iba si Ye-ge dati, hindi siya magtyatiyaga at hindi siya pagtritripan ni Zhou Wen Bin...

Ye-ge, bakit hindi na lang… iba ang piliin mo kaysa...

Pabukas na sana ang kanyang mga bibig ng biglang ngumiti ang mga labi ni Ye Wan Wan. Hinawakan niya ang balikat nito, pilit na pinaupo sa sofa. At sinabi niya ng malinaw, "Umupo ka lang dyan!"

"Ye-ge?" Blangkong napatingin si Luo Chen kay Ye Wan Wan.

Tumayo si Ye Wan Wan at ngumiti, "Tsk, tutal hindi sila nakikipaglaro ayon sa mga patakaran, huwag nila akong sisihin kung marahas ang gagawin ko!"

Zhou Wen Bin. Ano pa man ang ginawa mo upang kunin ang role na iyan, Ibabalik mo ito kung paano mo ito nakuha!

Tumingin si Ye Wan Wan sa kanyang assistant at tinanong, "Asan si Gong Xu ngayon?"

Tapat na tumugon ang kanyang assistant, "Nasa opisina. Nakita ko siya sa makeup room sa itaas..."

Inayos ni Ye Wan Wan ang kanyang mga lapel at umalis ng opisina.

"Ye-ge!" mahinang sinabi ni Luo Chen nang makita niyang paalis na si Ye Wan Wan. Puno ng pagaalala ang kanyang mga mata, hindi sigurado sa planong gawin ni Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter