1044 Huwag mo muna akong galangin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi lamang sa martial arts nakabase ang karunungan ng Si family; sila ay mayaman na pamilya na magaling sa larangan ng business. Ano ang dahilan mo nag ipahintulot mong maglaban ang representative ng Si family sa anak ng mayaman na pamilya na magaling sa larangan ng martial arts. Huwag kang mag-bully ng ibang tao!"

Mabilis na sumagot ang mga manonood para ipaglaban si Ye Wan Wan.

Normal lang para kay Ye Wan Wan na umakyat sa entablado at lumaban kung martial artist talaga siya. Gayunpaman, isang normal na tao lamang si Ye Wan Wan na walang alam tungkol sa martial arts. Hindi angkop na pilitin siyang umakyat ng entablado at makipaglaban.

Tumalikod si Ye Wan Wan upang tingnan ang referee at kalmado siyang nagsalita, "Umakyat ako sa entablado dahil ito ang nakalagay sa patakaran na dapat kong gawin, wala naman nang problema kapag sumuko ako, hindi ba?"

Lalaban si Ye Wan Wan kung ang kalaban niya ay sila Nameless Nie at ang iba pa, kahit na alam niyang magiging madugo ito. Gayunpaman, masamang gawain kapag nilabag niya ang kasunduan niya sa mga taong iyon.

Hindi pa qualified sila Sun Xue Zhen at Qin Ruo Xi na maturuan niya. Baka tulungan niya pa nga sila kapag nakipaglaban siya sa kanila, tama? At tsaka, ayaw niya at hindi siya interesado na makipaglaban sa kanila.

"Sumuko ang representative ng Si family. First place ang Sun family habang ang Qin family ay nasa second place, last place naman ang Si family."

Inanunsyo kaagad ng referee ang mga resulta.

Bumuntong hininga ang mga guwardiya ng Si family. Hindi na sana sila dumalo sa kompetisyon kung alam lang nila na ito ang magiging resulta...

Sa mga upuan ng VIP, kinausap ng sandali ni Wolf King Senny si Sun Li Zhong bago siya tumayo at lumakad papunta sa entablado.

"Titingnan na ni Wolf King Senny kung maikukumpara na sa lakas niya ang lakas ng aking anak. Welcome sayo!" Nakangiti na sinabi ni Sun Li Zhong.

Malakas na palakpakan ang dumagundong sa buong paligid.

Naging sabik si Sun Xuen Zhen habang pinapanood niyang maglakad patungo sa entablado si Wolf King Senny.

Agad na nakatayo sa entablado at nakatingin si Wolf King Senny kay Sun Xue Zhen. Tumango siya at nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. "Magsimula tayo kung handa ka na. Huwag mo na muna akong galangin."

Tumango si Sun Xue Zhen at kinuha niya ang lahat ng kanyang lakas upang atakihin si Wolf King Senny.

Gayunpaman, madali lang na sinangga ng Muay Thai champion ang atake ni Sun Xue Zhen gamit ang kanyang daliri.

"Ito'y…"

Namangha si Sun Xue Zhen. Kahit na alam niyang malakas ito, hindi niya alam na ganito pala siya kalakas…

"Mabilis ka nga pero mahina ka. Magpatuloy tayo," sabi ni Wolf King Senny.

Namula si Sun Xue Zhen nang marinig niya iyon at ginamit niya ang buong lakas niya upang atakihin siya.

Gayunpaman, mabilis na tinalo ni Wolf King Senny ang buong pwersang atake niya. Ilang beses na siguro siyang namatay kung siya ay tunay na kalaban ni Wolf King Senny.

Sa pang-limang atake, mukhang nawalan na ng interes si Wolf King Senny kaya binali niya ang huling galaw ni Sun Xue Zhen at nginudngod niya, gamit ang kanyang palad, sa lapag si Sun Xue Zhen.

"Na… natalo ako…" sabi ni Sun Xue Zhen habang tinititigan si Wolf King Senny.

"Oo, bata ka pa naman. Marunong ka na rin naman," magalang na sinabi ni Wolf King Senny bago niya iabot ang kamay niya kay Sun Xue Zhen.

Pinanood ng maigi ni Ye Wan Wan ang laban ni Sun Xue Zhen at Wolf King Senny. Hindi pala malakas… ang Wolf King Senny na ito…

Hindi kaya, normal na lamang ang lahat sa akin dahil matagal kong nakasama si Nameless Nie at ang grupo niya…?

Matagal na siyang hindi nakikipaglaban at hindi na rin siya nakikipaglaban pa kay Eleven at Feng Xuan Yi bilang palakasan, kaya siya lamang ang nakakaalam kung ano ang improvements niya.

Biglang may komosyon na narinig sa may entrance, kaya napatingin ang lahat doon.

My malakas na "Bang!" ang narinig at nagsi-liparan ang mga security guards na parang mga nabaling saranggola.

Mabilis na tumayo si Sun Li Zhong at tiningnan niya ang mga bisitang hindi imbitado.

avataravatar
Next chapter