1135 Huwag kang lumapit dito!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natapos na ang shooting ng A Life and Death Struggle, kaya marami nang gawain si Ye Wan Wan.

Ang pinaka-abalang parte ng pelikula ay ang naghihintay na promosyon nito. Sa mga susunod na araw, kailangan niyang dalhin sila Luo Chen at Gong Xu sa iba't ibang bahagi ng siyudad upang maayos nilang ma-isagawa ang promosyon ng pelikula.

Mabuti na lang at sinusuportahan ni Mt. Tai na si Director Peng, kaya hindi nag-aalala sa kanya si Ye Wan Wan. Kung hindi, hindi kakayanin ni Ye Wan Wan ang mga trabahong ito kahit tumubo pa ang ilang kamay sa katawan niya.

"Pupunta ako sa trabaho!" Mabilis na inubos no Ye Wan Wan ang kanyang umagahan at nagpaalam na siya kayla Tang Tang at Si Ye Han.

Minabuting hinatid ni Tang Tang ang kanyang Mommy sa labas bago sila naglakad-lakad ni Great White.

Sa loob ng study room:

Tiningnan ng masama ni Si Ye Han ang mga dokumentong inabot sa kanya ni Xu Yi kanina.

Ang taong kasabwat ni Si Ming Li ay tagong-tago at malayo ito sa kanyang inasahan.

Sa isang saglit, hindi nangamba si Xu Yi nang tanungin niya si Si Ye Han, "9th Master, nanggaling kaya siya sa… panig ni Eldest Young Master?"

Sinagot siya ni Si Ye Han, "Hindi siya iyon."

Mapapansin sa tono ng pananalita ni Si Ye Han na hindi niya pinag-suspetyahan si Eldest Young Master at si Si Xia.

Hindi ito naintindihan ng lubusan ni Xu Yi.

Maaari nilang paghinalaan si Si Ba Yi, ang nakakatandaan step-brother ni Si Ye Han sa kanyang tatay pero magkaiba sila ng nanay, dahil maraming nakakabahala at mga sikretong nangyayari sa panig na iyon. Ang anak niya na si Si Xia ay maayos na tao kung ikukumpara sa kanyang tatay na si Si Ba Yi, na walang kwenta at mahiyain.

Gayunpaman, kailanman ay hindi piang-suspetyahan ni Si Ye Han si Si Xia at parati niya itong inaalagaan ng maigi.

Naging magulo at malapitin si Si Xia sa gulo habang nasa ilalim siya ng kanyang 9th Uncle na si Si Ye Han. Gayunpaman, sa lumipas na anim na buwan, mas lalong naging masayahin si Si Xia at madalang na lang siyang nagpapakita ng walang rason kay Si Ye Han.

Siguro epektibo ang sobering soup na ininom niya kagabi dahil alerto siya nang nagising siya kaninang umaga. Wala siyang sakit sa ulo at hindi rin siya nahihilo. Pagkatapos niyang magpalit, agad siyang dumeretso sa kumpanya para sa meeting.

Kailangan niyang kumpirmahin ang mga sumusunod na iskedyul ng promosyon sa lahat ng tauhan niya sa lalong madaling panahon.

Na-late siya dahil nagkaroon ng traffic noong papunta siya sa kumpanya. Halos lahat ng tao ay nagtipon na sa conference room.

Mabilis na binuksan ni Ye Wan Wan ang pintuan nang makita niya ang oras sa kanyang phone at pumasok siya sa loob. "Pasensya na at na-late ako…"

Pagkapasok ni Ye Wan Wan, narinig ang malakas na "bang" dahil nahulog sa kanyang upuan si Gong Xu.

Takot at hindi makagalaw si Gong Xu habang nakatitig ito sa kanya. Parang nakakita siya ng multo, hinablot niya ang paa ng upuan at ginawa niya itong pang-sangga upang ilayo ang sarili niya kay Ye Wan Wan.

Hindi lang si Gong Xu ang natakot. Napa-urong rin ng kaunti sila Fei Yang, Luo Chen at ang ibang mga taong nakakita sa kanya.

Kahit si Ye Mu Fan na nakatayo sa podium ay nagtago sa may bintana at makikita ang takot sa kanyang mukha.

Nagulat sa kanila si Ye Wan Wan. "Anong ginagawa niyong lahat? May nakita ba kayong multo?"

Lahat ng nasa conference room: "..."

Sana multo na lang ang nakita namin!

Lumapit si Ye Wan Wan kay Gong Xu at inunat niya ang kanyang kamay upang tulungan itong tumayo. "Bakit bigla kang natumba?"

"Huwag… huwag kang lumapit dito–" nakakaawang sinigawan ni Gong Xu si Ye Wan Wan bago pa siya mahawakan nito.

Walang masabi si Ye Wan Wan habang pinapanood niya si Gong Xu na nagiinastang sinaktan at pinahirapang asawa. "Anong nangyari sayo?"

Nagtago si Gong Xu sa likod ng upuan ni Luo Chen at maingat siyang sumilip. "Hindi… hindi ka na ba tipsy… Brother Ye?"

Kumunot ang mga kilay ni Ye Wan Wan. "Sober na ako. Mahimbing akong nakatulog kagabi, kaya malamamang sober na ako."

Nagtanong si Gong Xu, "Sigurado ka?"

Namumuo ang takot sa lahat ng mga taong nakatingin kay Ye Wan Wan.

Naguluhan si Ye Wan Wan. "Anong nangyayari sa inyong lahat?" 

Hindi sinubukang magsalita ni Gong Xu. Nagtinginan ang lahat nang may pangangamba sa kanilang mga reaksyon.

Walang nang nagawa si Ye Wan Wan kung hindi tingnan si Luo Chen. "Luo Chen, lumapit ka dito at magpaliwanag ka sa akin!"

avataravatar
Next chapter