1066 Huwag kailan man magdulot ng problema

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Inabot ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay at tinanggal ang damit ni Si Ye Han botones sa botones, nagpapakita ng kulay-pilak na balat...

Sinadya niyang iiwas ang kanyang tingin ngunit hindi parin niya maiwasang palihim na sumilip...

Isang totoong panganib sa aking buhay!

Bakit pakiramdam ko na sinasadya akong akitin ni Si Ye Han ng mga nakaraang dalawang araw? Minamaliit ba niya ang pagpipigil ko ng sarili?

Alas, nagawa na niyang tulungan si Si Ye Han na magpalit sa tulong ng kanyang matibay na determinasyon.

Napagtanto niya ng matapos niyang palitan ito...

*Ehem*, hindi ito hiniling ni Si Ye Han dahil tinulungan ko kamakailan si Tangtang na magdamit, diba?!

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan pero pakiramdam niya rin na natunaw ang kanyang puso sa putik.

Mas lalo niyang naisip na ang taong ito ay totoo ngang malayo sa brutal at manhid niyang anyong panlabas sa mga panahon na mas lalo niya itong nakakausap...

Mabilis na nagsimula ang araw ng engagement banquet.

Napuno ng gawain ang entrance ng lumang residensya ng Ye family. Maraming mamahaling kotse ang dumayo sa lugar na iyon at makikita ang mga kilalang mga bisita na may suot ng mga magagarang damit.

Natulala si Ye Mu Fan, Ye Wan Wan at ang kanilang mga magulang nang makita nila ang eksenang ito.

Ang huling pagkakataon na dumalo sila sa lugar na ito ay noong kaarawan ng kanilang lolo.

Lumapit at ngumiti ang tiga-bati ng mga bisita nang makita niya si Ye Wan Wan at ang kanyang pamilya. "Eldest Young Master, Second Miss, pasok po kayo!"

Biglang naging manhid ang itsura ni Ye Mu Fan at nautal siya sa kanyang sinabi, bago niya pinangunahan sa loob ang kanyang magulang at kapatid.

Noong huling nandito sila sa lugar na ito, hinarangan sila dahil wala silang imbitasyon at pinahiya pa sila ni Huang Ming Kun at ng security.

Ngayon, madalas na silang pumupunta sa lumang residensya ng kanilang lolo at lola, nakita ng mga tauhan ng Ye family na nagbago na ang trato sa kanila kaya hindi na nila sinubukan pang pahiyain ang kanilang pamilya.

"Wan Wan, alam namin ni Papa mo na hindi ka masaya, pero kailangan mong kumalma at hindi ka pwedeng magpadalos-dalos ha?" Sinabihan ni Liang Wan Jun si Ye Wan Wan dahil nag-aalala siya. Natatakot siya na baka gumawa na naman ng kaguluhan si Ye Wan Wan tulad ng dati.

Alam niya kung gaano ka-importante si Gu Yue Ze sa puso ng kanyang anak kahit na malaki na ang pinagbago ng kanyang anak. Espesyal na araw ito, kaya sa malamang ang maapektuhan ang kaniyang anak. 

"Sinabihan ko na si Ye Mu Fan na sabihan ka na huwag kang pumunta sa okasyon na ito, pero…" nakasimangot si Ye Shao Ting nang mag-buntong hininga siya. "Mu Fan, alagaan mo ang kapatid mo ha?"

Kumibo ang labi ni Ye Mu Fan nang marinig niya ito. "Alam ko, alam ko…"

Kailan niya pa kailangang alagaan ang kapatid niya? Naniniwala siya na kahit magsama pa si Gu Yue Ze at Ye Yiyi, hindi nila mapapatumba ang tulad ni Ye Wan Wan.

"Alam ko, Mama at Papa! Magpapaka-bait po ako!" Mukhang mabait si Ye Wan Wan.

Ye Mufan: "…"

Magkunwari ka lang! Magkunwari ka lang...

Alam ni Ye Mu Fan na hindi rin kakayanin ni Ye Wan Wan na pigilan ang sariliniyang gumawa ng kaguluhan...

Bumulong si Ye Mu Fan sa tenga ni Ye Wan Wan, "

Tumaas ang kilay

Ye Mu Fan: "..." Bobo lang ang maniniwala sayo…

Maraming mga matang tumingin sa pamilya ni Ye Shao Ting. Ang mga tao na bumabati kay Ye Yiyi at Gu Yue Ze ay biglang napatingin sa kanila.

Lumapit sa kanila si Ye Yiyi habang nakapalupot ang kamay nito sa braso ni Gu Yue Ze. "Wan Wan, Mu Fan, Tito at Tita, nandito na pala kayo!"

Tumikom ang bibig ni Ye Mu Fan at bigla siyang suminghal. "Uy, congratulations! Bagay na bagay kayo!"

Nagkunwari si Ye Yiyi na hindi niya nakita ang pangangasar sa mga mata ni Ye Mu Fan, ngunit ang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa braso ni Gu Yue Ze nang kanyang sinabi, "Salamat sa pagdalo niyo sa engagement banquet!"

May hawak na wine glass si Gu Yue Ze sa kanyang kamay at nagpasalamat din siya. Ang tingin niya ay biglang napunta sa babae na nakatayo sa tabi ni Ye Mu Fan.

Parang isang magandang rosas ang babaeng ito. Ilang araw na niyang hindi nakikita ito, mas maganda pa siya ngayon kaysa noong huli niya siyang nakita. Malayo na siya sa noo'y mataba at dugyot niyang itsura.

Hindi niya inakala na darating ang araw na magkakamali siya sa kanyang pananaw...

avataravatar
Next chapter