618 Hulaan mo kung anong nahanap ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na pumunta sina Ye Shao Ting at Liang Wan Jun nang matanggap nila ang tawag.

"Papa, mama… gabi na. Anong problema?" mausisang tanong ni Ye Shao Ting.

Nagalit si Ye Hong Wei sa sandaling nakita si Ye Shao Ting. "May kapal ng mukha ka pang tanungin ako, huh? Yung magaling mong anak!"

"Si Mu Fan?" gulat na tanong ni Ye Shao Ting.

Agad namang nagtanong si Liang Wan Jun, "Nasangkot ba sa gulo si Mu Fan?"

Nakasuot ng mamahalin at maranguang damit si Liang Mei Xuan; walang anumang gusot ang kanyang dalisay na mukha at matayog niyang tinignan si Liang Wan Jun, ang dating maganda ng Imperial City, ay ngayo'y isa ng pagod at matandang babae. Banayad na sabi ni Liang Mei Xuan, "Jie jie, hindi lang gumawa ng gulo si Mu Fan ngayon - krimen na ang ginawa niya."

"Ano? Isang krimen?" kabadong tanong ni Liang Wan Jun, "Hindi man ganoon disiplinado si Mu Fan, pero hinding-hindi siya gagawa ng krimen!"

Nangutya si Liang Mei Xuan. "Ate, sinabi mo noon na hindi gagawa si kuya na magtaksil sa kumpanya, pero anong nangyari sa huli, huh?"

Agad namang sumabad si Huang Ming Kun, "May kasabihan: 'Ang sablay na pagtuturo ng anak ay kasalanan ng tatay.' Sa pangangalaga at disiplina ng ikalawang young master at mistress, elegante at matino si Miss Yiyi, pero wala sa kontrol si Miss Wan Wan habang hindi nadisplinahan ang young master Mu Fan. Ngayon na nakagawa siya na nakapahamak sa interes ng pamilya. Tingin ko hindi maiiwasan ng nakakatandang young master Dhao Ting at mistress ang bintang dito!"

Malaming na tinignan ni Ye Shao Ting si Huang Ming Kun.

Sa nakaraan, nang nasa mga Ye pa siya, nalaman ni Ye Shao Ting na inabuso ni Huang Ming Kun ang kapangyarihan niya para apihin at takutin ang mga katulong sa bahay. Nalaman din niya na may namamagitan kay Huang Ming Kun at Liang Mei Xuan...

Pero dahil sa matagal na siyang naninilbihan sa mga Ye, niligtas siya ni Ye Shao Ting at hindi siya dinala sa awtoridad. Binugbog lang siya ni Ye Shao Ting at pinaalis.

Sinong mag-aakala na matapos niyang umalis sa mga Ye, kinuha ulit si Huang Miang Kun sa pamilya?

Pumiksi si Ye Shao Ting, "Balintuna si Wan Wan noon, pero ngayon, nagbago na siya. Habang sa banquet no'ng mga oras na 'yon, nakita din yun ni papa mismo. Kay Mu Fan nama, sinabi mo na pinahamak niya ang interes ng pamilya. Anong pruweba ang meron ka?"

Lumingon si Ye Shao An kay Ye Shao Ting at malamig na ngumiti. Totoo nga, hindi umiiyak ang isang tao kung hindi pa nakikita ang kabaong.

Huwad na ngumiti si Ye Shao An at sabi, "Kuya, magaling ka, pero magiging makatarungan at mapagmataas ka pa ba kapag nalaman mo ang totoo!"

"Tiyak ang Ye Group na makukuha ang proyekto na Splendid Light, pero sa huli, nakuha ng mga Shen ang proyekto sa diperensya na $100,000 lang. Malinaw na malinaw na nalaman ang taya namin."

"Dumaan lang ang dokumento sa akin at kay Yiyi at lagi itong nasa study sa lumang bahay. Kaya tatanungin kita - paano nakalabas ang taya namin?"

"Pinasuri ko kay Yiyi ang lahat ng mga surveillance recordings sa bahay at sa huli… kuya, kaya mo bang hulaan ang nalaman ko?"

Sumulyap si Ye Shao An kay Huang Ming Kun.

Nakuha ni Huang Ming Kun ang pahiwatig agad. Kinuha niya ang laptop at pinakita ang video sa harap ng lahat. "Nakakatandang young master, tignan niyo po sa sarili niyo!"

Sa video, umakyat si Ye Mu Fan sa may dingding at tahimik na pumasok sa patyo, maya maya ay pumasok na siya sa study at hindi rin nagtagal ay lumabas din.

Matapos makita ang video, hindi makapaniwalang nagkatinginan sina Ye Shao Ting at Liang Wan Jun. Hindi sila makapaniwala na magagawa ng anak nila ang ganitong bagay...

avataravatar
Next chapter