1126 Huhulaan kita

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa oras na iyon, sa isang kotseng malapit sa kanila, pinanood nila Si Ye Han, Xu Yi, Eleven, Feng Xuan Yu at ng mga nakatagong bodyguards nang hinampas ni Ye Wan Wan si Gong Xu hanggang sa nawarak ang kotse.

Lahat ng nakatagong bodyguards: "..."

Protektahan mo ako, Buddha…!!!

Taimtim na katahimikan ang pumalibot sa lugar.

Tinitigan ni Luo Chen ang malaking crater sa kotse, natulala siya kaya nakalimutan niyang itulak palayo sa kanya si Gong Xu.

Kakaunti lamang ang nainom niyang alak sa gabing iyon, kaya malinaw niyang nakita ang malaking crater sa kotse. Hindi ito isang ilusyon.

Kaya bang gawin ng isang normal na tao ang pinsalang ito?

Magkaparehas ang itsura ni Han Xian Yu at ni Luo Chen. Alam ni Han Xian Yu na mahilig makipaglandian si Ye Bai sa mga tao kahit na lalaki man o babae kapag nakainom siya. Hindi niya inakala na si Ye Bai ay… bayolente pala...

Tinitigan ni Ye Mu Fan ang malaking dent at pagkatapos ay tiningnan niya ang walang kontrol niyang kapatid bago niya kinamot ang kanyang mga mata.

Hindi na sinubukan pang lapitan ni Gong Xu si Ye Wan Wan at nagtago na lamang siya sa likod ni Luo Chen. Nagmakaawa siya kay Ye Wan Wan, "Mali ako, Brother Ye, ayokong mabugbog! Ayoko nang makatikim pa ng mga suntok mo! Sana maintindihan mo…"

Buhay pa kaya siya kung sinuntok talaga siya ni Ye Bai?

"P*ta! Anong nangyayari! Ano…" nag-react si Ye Mu Fan habang nakatitig siya kay Ye Wan Wan. "Wan… Ah, Ye Bai! Okay… okay ka lang ba???'

Lumapit agad si Han Xian Yu at bumulonh siya kay Ye Mu Fan, "Nag-react ba siya ng ganito noong nakainom siya noon?"

Walang masabi si Ye Mu Fan. "Um… nagwawala siya kapag nakainom siya… pero ngayon lang siya naging ganito ka-baliw…"

Nakakagulat ito para sa kanya! Pekeng kapatid ba ang meron siya noon?

Biglang nanliit ang mga mata ni Ye Wan Wan nang makita niyang lumalapit sa kanya si Ye Mu Fan. "Ano? Gusto mo rin akong kalabanin?"

Pinalibutan ng mabagsik na survival instinct ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan at agad niyang kinaway ang kamay niya upang hindi na sila magtalo. "Hindi, hindi, hindi! Ayokong makipaglaban sayo!"

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan at mukhang naakit siya sa mukha ng kanyang kapatid pero bigla siyang lumapit kay Luo Chen. "Eh… ikaw?"

Tiningnan ni Luo Chen ang nakakaakit na mga mata ni Ye Wan Wan at naramdaman niya na parang nawala ang lahat ng hangin sa kanyang lungs. Hindi siya huminga ng malalim at hindi rin siya makapagsalita.

"I… I…"

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang gwapo at nakakaawang mukha ng lalaki at bigla siyang umurong. Ngumiti siya at sinabi, "Huwag na. Masyado kang gwapo kaya hindi ito susuntukin."

Muntikan nang himatayin si Gong Xu dahil lubha siyang umiyak sa narinig niya. "Gwapo rin naman ako, Brother Ye. Wahhh, bakit ang sama mo sa akin? Land Rover ko, kotse ko… Ah, ang kotse ang sinira mo pero ang puso ko ang masakit…"

Hindi pinansin ni Ye Wan Wan si Gong Xu at bigla siyang humarap sa kinalimutan niyang si Fei Yang. Hinablot niya ito bago siya makapag-desisyon, "Ikaw na lang! Hindi ka gwapo!"

"… Huh?"

Muntikan nang umiyak si Fei Yang. "Ikaw… hindi mo ako pwedeng maliitin ng ganito, okay? Hindi lang ako kasing-gwapo nila. Mali, saglit, sobrang gwapo ko rin kaya, okay? Hindi lang nakikita kasi iba ang itsura nila…"

Napagtanto na di Fei Yang. Gustong-gusto ni Ye Bai ang mga taong nakaka-akit ang itsura kapag nakainom siya!

Napaka-gwapo ng lahat ng kasama niya doon, gayundin si Ye Mu Fan. Sakto lang naman ang itsura ni Fei Yang, pero hindi ibig sabihin nito na pwede na niyang maliitin ang itsura nito at suntukin ito dahil hindi siya gwapo, okay?!

Gusto sanang sabihin ni Fei Yang na nakatamo ng kritikal na pinsala ang kanyang HP...

"Tulong… iligtas niyo ako…" muntikan nang maihi si Fei Yang habang tinititigan niya ang malaking butas sa kotse.

Biglang sumabad si Han Xian Yu. "Ye Bai!"

Biglang lumiwanag ang mga mata ni Ye Wan Wan nang makita niya si Han Xian Yu.

Mapanatag ang lalaking ito parang isang jade at hindi mainitin ang ulo niya. Pinaramdam niya ang masarap na simoy ng hangin sa mga taong nakapalibot sa kanya...

Ye Wan Wan: "Little Big Brother, gusto mo bang hulaan ko ang magiging love life mo? Totoo ang mga hula ko!"

avataravatar
Next chapter