532 His girlfriend is too cute

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Masyadong cute ang kanyang girlfriend

Nang marinig ni Ye Wan Wan ang tanong na iyon, nagsimula ulit kumabog ang kanyang puso at kinakabahang nagtanong, "sino...?"

"Yung kaibigan mo, si 9th Si," sagot ni Han Xian Yu.

Natuliro si Ye Wan Wan - talaga bang nakilala ni Han Xian Yu si Si Ye Han? Saka hindi rin ako napahamak?

Gayon pa man, ang personalidad ni Si Ye Han ay kakaiba - hindi na nakakagulat kung kaagad niyang nakilala si Si Ye Han.

Sa kabilang banda, nagpatuloy si Han Xian Yu, "dumating siya kasama ang kanyang girlfriend at umupo sa likuran namin. Pero madaming tao doon kaya hindi na ako nakapag-hi."

Mula sa tono ni Han Xian Yu, marahil hindi niya siya nakilala at siya ay nakahinga ng maluwag. "Isang hindi inaasahang pagkakataon!"

"Nakita ko na sobrang lambing niya sa kanyang girlfriend at nasampal ako sa mukha ng may kasamang tae ng aso. Hindi ako makapaniwala na ang iyong kaibigan na mahirap abutin at walang malasakit ay mapusok sa kanyang girlfriend!" napabulalas sa gulat si Si Ye Han.

Ha? Mapusok… si Si Ye Han?

Ang gilid ng labi ni Ye Wan Wan ay kumislot at siya ay lumingon sa isang tiyak na malamig na iskultura na nasa tabi niya at seryosong sinabi, "Dapat lang 'yon dahil masyadong cute ng girlfriend niya!"

Natawa si Han Xian Yu. "Baka nga. Sabi nga sa kasabihan, kahit na ang mga bayani ay may kahinaan din sa kagandahan ng isang magandang babae! Noon, halos makalimutan ko… ang dalawa sa inyo ay may ganong klase ng relasyon!"

Nasamid si Ye Wan Wan at sinabi sa isang matigas na boses ng isang pang beses, "pinapalaki mo lang ang mga bagay bagay; natutuwa lang kami na manggulo paminsan minsan!"

"Sa tingin ko." sabi ni Han Xian Yu, "saka kausapin na lang ulit kita mamaya, kita na lang tayo. Sabihin mo na lang sa akin kapag nakabalik kana sa apartment, at ibibigay ko sayo yung entry tickets."

"Sige, salamat at salamat din kay Xin-jie!" itinigil na ni Ye Wan Wan ang pag tanggi sa alok nito.

Matapos niyang ibaba, tinapik ni Ye Wan Wan ang kanyang dibdib, naginhawaan sa kanyang pagpapanggap na kanyang dala-dala. "Salamat naman, salamat naman, mabuti na lang mabilis kang kumilos at tanging ikaw lang ang nakita ni Han Xian Yu hindi ako. Ito ay hulog ng langit - at naalis na din dito ang usap-usapan na bakla tayo!"

Nang marining ni Si Ye Han ang huling sinabi, bahagyang nagpakita si Si Ye Han ng isang pagkadismayang itsura.

Malinaw na may isang tao na ayaw mawala ang iskandalo na ito…

...

Dalawang araw ang nakalipas, natapos na ni Eleven ang lahat ng kanyang misyon at nakapagpagaling na sa kanyang mga sugat, kaya si Ye Wan Wan ay ganap ng magsimula sa training sa ilalim ni Eleven.

Kailangan pa niyang daluhan ang Golden Orchid award presentation ngayong gabi.

Sa may bakuran, nakaupo si Si Ye Han sa malapit na lilim, umiinon ng gatas habang ang isang tigre ay nakahiga sa kanyang tabi.

Lagi niyang ginagawa na uminom ng isang tsang kape o rich tea araw-araw, ngunit hindi ito pinapayagan ni Ye Wan Wan kaya kailangan niyang magpalit ng gatas.

Ngayon, nakatayo si Eleven sa harap ni Si Ye Han, nagtatanong ng mga bilin. "9th master, maaari ko ba malaman… anong dahilan kung bakit kailangan pang pumunta ni Miss Wan Wan sa pagsasanay?"

Bahagyang inilapag ni Si Ye Han ang kanyang pink na tasa. "Sa loob ng tatlong buwan, gawin mong malakas ang kanyang katawan upang tumugma sa kanyang kakayahan."

Medyo kinunot ni Eleven ang kanyang kilay. "Tatlong buwan? Hindi ba grabe ito?"

Malinaw na sumagot si Si Ye Han, "hindi."

Tanging sumang-ayon na lang si Eleven dito: "sige po"

Matapos niyang makuha ang utos, naghintay si Eleven malapit sa training ground na kanyang hinanda para kay Ye Wan Wan.

Nagpalit ng isang magaang kasuotan si Ye Wan Wan. katulad ng dati, siya ay naglakad paikot ng dalawang beses sa Great White hanggang kaya na niyang hawakan ang buhok nito. Magiging masaya lang siya kapag natapos na niyang gawin iyon.

Matapos hawakan ang Great White, sabik na tumakbo si Ye Wan Wan kay Eleven. "Coach, handa na ako. Ano ang pag-aaralan natin ngayong araw?"

Tumingin si Eleven sa masunuring si Ye Wan Wan. Siya ay tahimik na tumingin sa kanyang nabaling binti at isang hindi maipaliwanag na itsura sa kanyang mukha....

avataravatar
Next chapter