1085 Hindi yan magagawa ng babae mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ah! Brother Ye, ayokong gawin ito, ayoko! Magtiwala ka sa acting skills ko! Kahit na hindi ko maranasan ito, kaya ko pa rin na umarte ng walang bahid ng pagkakamali!" Hirap na makaalis si Gong Xu at pinipilit niya pa rin na kumakawala.

Walang masabi sa kanya si Ye Wan Wan. "Kahit ang mga propesyonal na aktor ay hindi masasabi ang mga bagay na iyan, kaya saan mo nakuha ang lakas ng loob para sabihin sa akin yan? Dinala kita dito dahil ang pangit ng acting skills mo! Kailangan mong ibigay ang lahat ng makakaya mo upang maging isang tunay na sundalo! Kailangan mong gawin ito na hindi ka umaarte, ikaw ay isang sundalo! Naiintindihan mo ba?"

Lubhang nalungkot si Gong Xu. "Concubine, hin.. hindi ko kayang gawin ito…"

Biglang napakunot si Ye Wan Wan at humarap siya kay Instructor Lei. "Pwede ko ba siyang kausapin?"

Makikita sa mukha ni Instructor Lei na hindi siya natutuwa sa ugali ng spoiled young master, kaya tumango siya at sumang-ayon kay Ye Wan Wan, "Kaya mo."

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Gong Xu. "Halika dito, kailangan nating mag-usap ng masinsinan."

"Pwede bang sa bahay na lang tayo mag-usap, brother Ye?"

"Hindi pwede!"

"Gusto ko nang umuwi…"

Hinila ni Ye Wan Wan si Gong Xu sa gilid.

"May itatanong ako sayo, Gong Xu—bakit mo naisipan na pumasok sa entertainment industry noong una?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Ngumuso si Gong Xu at bumulong siya, "Bakit pa ba, kasi masaya sa industriya…"

Tinitigan siya ni Ye Wan Wan na para bang gusto niyang makita ang kaluluwa ng taong nasa harapan niya.

Mukha man isang maligayang young master si Gong Xu na walang problema sa buhay, pero hindi ganoong ka-simple ang sitwasyon ng Gong family sa totoong buhay.

Ang panganay na kapatid at ang bunsong kapatid ni Gong Xu ay pinanganak galing sa kanyang stepmother.

Namatay sa sakit ang tunay niyang ina. Ang tatay niya ay binalik ang kabit nito at nagdala siya ng anak na mas matanda pa kay Gong Xu. Pagkapasok ng babaeng ito sa pamilya nila, nagkaroon muli siya ng anak kay Father Gong kaya ito na talaga ang tunay na asawa ng kanyang tatay.

Ang isa sa mga step brothers ni Gong Xu ay tumulong sa kanyang tatay na i-manage ang kumpanya hababg ang isa ay tanyag sa larangan ng medisina, kaya silang dalawa ay gustong-gusto ng kanilang ama. Si Gong Xu lamang na isang maluho na playboy ang gumagawa ng kaguluhan araw-araw at wala siyang ginawang seryoso sa buong buhay niya. Patuloy siyang nanggugulo kahit noong pumasok siya sa industriya.

Nanggugulo, naninira ng mga bagay noong pumasok siya ng industriya— ginawa niya ang lahat ng ito dahil gusto niyang mapansin at malahin siya, hindi ba…

Walang pigil na minanmanan ng entertainment industry ang notice na nilabas ng Gong family. Wala na raw silang pakialam kay Gong Xu ngunit alam ng buong industriya ang tungkol s estado ng Gong family. Alam nila na kontrolado ng stepmother at ng dalawang magkapatid ang Gong family at si Gong Xu ay matagal na nilang nilalayo sa gawain ng pamilya...

Tiningnan siya ng masama ni Ye Wan Wan. "Plano mo ba na makipaglaro na lang ng ganito palagi? Oo, bata ka pa, kaya pwede mo pang pag-laruan ang puso ng mga babae dahil hindi pa naman ikaw umiibig. Pero paano kung darating ang araw na makikilala mo ang taong magugustuhan mo talaga? Paano mo ipapakilala ang sarili mo sa kanya? Gusto mo bang makita niya ang masahol mong history kapag inalam niya ang pagkakakilanlan mo? Gusto mo bang balutin ang buong buhay mo ng tsismis at litrato ng mga chiks mo?"

Kusang humigpit ang pagkakasara ng mga daliri ni Gong Xu. "Hindi mo na kailangang alamin "kung" may babae ba talaga akong nagugustuhan… dahil meron na nga…"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Sige pala, tatanungin kita ulit. Anong plano mo sa buhay? Gusto mo bang maging idolo, o gustong protektahan ang personal mong imahe at ayusin ang buhay mo at naisip mo ba na sana hindi mo sana sinira ang ugali mo ngayon? Pero, ginawa mo na ang lahat ng ito…"

Huminto muna si Ye Wan Wan bago siya magpatuloy, "Kung gusto mo maging artista, kailangan mong ipakita na isa kang propesyonal."

Tinitigan ni Gong Xu si Ye Bai habang tinuturuan siya nito— nakakabighani at seryoso ang itsura ni Ye Bai habang nakatitig siya dito. Biglang uminit ang katawan ni Gong Xu at umangat ang pagkapula sa kanyang magandang balat...

P*ta! Naba-bakla ako...

avataravatar
Next chapter