1207 Hindi tinatahak ang ordinaryong daan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binalot ng galak at ngiti ang mukha ni ys Shao Ting. "Hay, bata…"

Naging kalmado na si Ye Mu Fan na nakayuko sa bowl ng kanin at tahimik siyang kumakain. Ang kapatid niyang babae ang mas dominante at agad nitong pinatahan ang kanyang mga magulang. Kung siya iyon, walang kwenta ang efforts niya kahit na magpaliwanag siya ng tatlong araw.

Pagkatapos ng hapunan, dahil sa patuloy na pag-hiling ng magulang ni Ye Wan Wan, sinabihan niya si Si Ye Han na alagaan muna si Tang Tang at nanatili siya ng buong gabi sa bahay ng pamilya niya.

Sa may balkonahe:

Nakaupo si Ye Wan Wan sa rattan na upuan na katabi ng pabilog na lamesa at binasa niya ang mga makabuluhang impormasyon tungkol sa Emperor Sky Entertainment. "Huwag kang magpadalos-dalos, malamang mag gagawin na paraan sila Ye Shao An at Ye Yiyi sa hinaharap."

Tumango si Ye Mu Fan. "Oo, naiintindihan ko, hindi ako magpapakampante."

Tiningnan ni Ye Wan Wan sa Ye Mu Fan na parang lalaban sa kanyang pinaka-karibal, kaya bigla siyang natawa. "Hindi mo kailangang kabahan. Nasa atin ang Age of the Immortals; hindi na tayo yung mga taong walang kahit ano noon…"

Nakatulala si Ye Mu Fan kay Ye Wan Wan. Hindi niya inakala na ang mga pabirong salita ni Ye Wan Wan noon ay naging totoo pala.

Hindi niya napansin ito dahil parati silang magkasama ni Wan Wan noon, pero kung iisipin ang nakaraan, kakaiba talaga ang pagbabago ng nakababata niyang kapatid. Hindi eksaherasyon kung sasabihin na tila naging ibang tao ang kanyang kapatid na si Ye Wan Wan...

Pero, kahit ano man ang mangyari, si Ye Wan Wan pa rin ang pinakamamahal niyang kapatid.

Nanatili si Ye Wan Wan sa bahay ng magulang niya ng buong gabi at hi di siya umalis hanggang sa sumapit ang kinabukasan.

Lalo nang nasasanay sa trabaho si Yao Jia Wen, kaya maraming mga tungkulin na ang kaya niyang gawin, kaya nagkaroon ng kalayaan si Ye Wan Wan sa kanyang trabaho. Wala siyang obligasyon noong araw na iyon kaya naisip niyang bumalik ng Little House of Rose pagkatapos ng meeting nila.

Bago umuwi si Ye Wan Wan, dumeresto muna siya sa bakery para bumili ng cakes at desserts.

Habang naglalakad siya sa tindahan ng mga pangbatang mga produkto, bigla siyang nahumaling sa pares ng pang-batang sapatos, kaya agad niya itong binili.

At bakit siya mawawalan ng damit na kaparehas ng kanyang sapatos? Kaya hindi siya nagdalawang isip na bumuli ng isang buong outfit para kay Tang Tang.

At bakit hindi siya bibili ng sumbrero para sa damit ng bata? Kaya agad siyang bumili ng sumbrero na nahanap niya...

Sa huli, binili na ni Ye Wan Wan ang buong-buo na outfit para kay Tang Tang at buhat niya ang ilang mga bags dahil lamang nakakita siya ng isang pares ng sapatos.

Tinawagan ni Ye Wan Wan si Tang Tang pagkalagay niya ng mga bags sa kangang kotse.

"Hello, Tangtang!"

"Mommy!"

"Baby, pauwi na rin si Mommy! Anong ginagawa mo? Tumayo ka na ba diyan sa kama mo?"

"Opo! Dadalhin ni Daddy si Tang Tang para manghuli ng isda."

"Uh…"

Inutusan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han na alagaan si Tang Tang at dadalhin niya ito upang manghuli ng isda? Hindi ba siya nakahanap ng ibang gawain na mas masaya?

"Baby, pagka-uwi ni Mommy, may gagawin tayo na ikakasaya mo! Nagdala rin ng masarap na pagkain at magandang damit si Mommy sayo!" 

"Okay! Hihintayin ni Tang Tang si Mommy~"

Nakarating na si Ye Wan Wan sa Little House of Rose.

Buhat niya ang mga shopping bags niya at tinulak niya pabukas ang pintuan ng bakuran habang nag-ha-hum siya. May nadaanan siyang matayog at matibay na puno sa may bakuran nang biglang may dumungaw na ulo galing sa punong iyon 

DIYOS KO!!!

Napatalon sa sobrang gulat si Ye Wan Wan kaya bigla siyang napasipa ng walang pangangamba.

Sa isang saglit, maririnig ang malakas na "bang" at may isang braso na humarang sa kanyang sipa.

Bumaba mula sa puno si Nameless Nie habang may nest ng ibon at talahib sa kanyang ulo. Kinamot niya ang kanyang braso habang nakasimangot siya at ang mga mata niya ay tila nag-aakusa. "Sister Famous Ye, dapat 'di ba normal na reaksyon ng tao ay napapatili kapag nagugulat? Bakit mo naman ako sinipa?"

Muntikan nang umalis ang kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan dahil kay Nameless Nie. Bigilang napasigaw at namula nang makita niya na si Nameless Nie pala iyon, "Naglalakad rin ng maayos ang isang normal na tao! Kaya bakit hindi ka na lang maglakad ng maahos sa susunod?! Bakit bigla ka na lang tumatalon mula sa puno ng walang rason?"

avataravatar
Next chapter