1131 Hindi tayo magtatalik?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng malaking kaguluhan kanina, hinatid at sinamahan ng grupo ang future mistress papunta sa bahay niya.

Maingat na lumayo ang lahat kay Si Ye Han dahil natatakot sila na baka magkaroon pa ng malaking kaguluhan sa sarili nila.

Pagkalabas ni Xu Yi ng kotse binuksan niya ang pintuan ng kotse para kay master, mabilis siyang lumayo ng tatlong metro at hindi niya na sinubukang tingnan ang kanyang master.

Mas selosa pa si Miss Wan Wan kaysa kay 9th Master nila.

At tsaka, kung sino-sino ang sinisisi niya sa mga ginagawa niya kaya hindi mo rin alam kung kailan ka madadawit sa paninisi na ito.

Nakakatakot!

Tinutulungan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan sa kanyang paglakad. Malapit na sana siya sa pintuan nang biglang lumingon si Ye Wan Wan.

Nagtanong si Si Ye Han, "Ano iyon?"

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang mga bodyguards sa likuran niya at kanyang sinabi, "Nag-aalala ako. Kailangan ko silang patayin."

Si Yehan: "…"

Ang mga nakatagong bodyguards: "...!!!"

Bakit mo gagawin iyon?! Ano ba ang nagawa naming mali?!

Nagmuni-muni muna si Ye Wan Wan sa naisip niyang iyon bago niya kinaway ang kanyang kamay. "Hayaan ko na nga lang. Hindi ko na sila bubugbugin…"

Tuwang-tuwa ang mga nakatagong bodyguards. Ang saya! Bumalik na ba ang konsensya ni Miss Wan Wan?

Biglang narinig ng mga nakatagong bodyguards ang sinabi ni Ye Wan Wan, "Sayang lang sa oras. Isang libong ginto ang katumbas ng bawat minuto sa gabi ng kasalan.."

Ang mga nakatagong bodyguards: "..."

Mamamatay na rin naman sila… mas gugustuhin nilang mamatay sa bugbog ni Ye Wan Wan… kaysa mamatay ng may kahihiyan...

Dahil doon, ayaw nang sayangin ni Ye Wan Wan ang oras niya sa mga taong nasa likod niya at masaya siyang pumasok sa bahay kasama si Si Ye Han.

Sa puntong iyon, naiwan ang wig ni Ye Wan Wan sa kotse at hinila-hila na ang kanyang jacket. Pagkasara ng pintuan, bigla siyang dumagan kay Si Ye Han sa may pader at handa na siyang makipagtalik sa lalaki.

Gayunpaman, bigla siyang napahinto dahil sinabi ni Si Ye Han, "Huwag muna. Uminom ka muna ng sobering tea."

Kung hindi, mararamdaman niya na naman kinabukasan ang sakit ng ulo pagkagising niya.

Hindi na siya natuto sa mga pagkakamali niya.

Naghanda na ng sobering tea si Si Ye Han bago niya pa sunduin si Ye Wan Wan, ito ay nakapatong sa coffee table sa may sala.

Lumapit si Si Ye Han at hinawakan niya ang porselanang bowl. Angkop ang temperatura ng tsaa.

"Inumin mo." Inabot ni Si Ye Han sa kanya ang sobering tea.

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang bowl sa kamay ni Si Ye Han habang tuliro siya. Manghang-mangha siya sa nakita niya. "Hindi mo ako inuwi para mag-s*x tayo? Dinala mo ako dito para uminom ng tsaa???"

Nainis si Si Ye Han nang makita niya ang reaksyon ni Ye Wan Wan na parang niloko siya. "..."

"Sinungaling! Hindi ko iinumin 'yan!" Pinakita ni Ye Wan Wan na mas pipiliin niyang mamatay kaysa magpaloko.

"Inumin mo. Sasakit ang ulo mo kubg hindi mo ito iinumin."

"Hindi ko iinumin 'yan! Hindi ako pumunta dito para uminom ng tsaa. Sabi na eh, nagsisinungaling ka sa akin. Aalis na ako at bubugbugin ko silang lahat!"

Nagkagulo ang buhok ni Ye Wan Wan. Hinagis niya ang kanyang jacket at naghanda siyang lumabas at makipag-away.

Biglang sumakit ang ulo ni Si Ye Han. Hinila niya si Ye Wan Wan at pina-upo niya ito sa upuan. Galit siya habang kinakausap niya ang babae, "Uminom ka muna bago tayo mag-s*x!"

Napalingon si Ye Wan Wan. "Talaga?"

"Oo."

Nilapit ni Si Ye Han ang kutsara na may sabaw sa labi ni Ye Wan Wan.

Kumalma si Ye Wan Wan nang inumin niya ang tsaa.

Hindi niya alam kung paano ginawa at pinaghandaan ang sobering tea, pero ang lasa nito ay parehas na maasim at matamis at masarap ito. Parang isang kuntentong pusa ang kangang mga mata pagkatapos niya itong inumin.

Pinahigop sa kanya ni Si Ye Han ang ilang kutsara ng tsaa at si Ye Wan Wan naman ay nakatitig kay Si Ye Han habang ginagawa niya ito.

Sa huli, mukhang nawawalan na ng pasensya si Ye Wan Wan kaya kinuha niya ang bowl kay Si Ye Han. Inubos niya ito ng isang lagok lamang.

Inabot ni Ye Wan Wan ang walang laman na bowl kay Si Ye Han pagkatapos niyang ubusin ang laman nito at kanyang sinabi. "Tapos na ako, tapos na ako. Pwede? Pwede na tayong mag-s*x?"

avataravatar
Next chapter