188 Hindi siya isang ugly freak

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binalot ni Si Xia ang kanyang braso habang hinihila pababa ng bigat niya si Ye Wan Wan, mararamdaman ang mabilis na paghinga ni Si Xia sa leeg ni Ye Wan Wan. Pagkatapos niyang tulungan si Si Xia, hindi na umalis ang binata sa tabi ni Ye Wan Wan.

Sa bumabalot na naiinggit at naiinis na mga titig ng tao, parang gusto ni Ye Wan Wan na itapon na lang sa kanila si Si Xia. Bakit hindi niyo na lang siya buhatin kung gustong-gusto niyo talaga siya? Hindi ko kakayanin ang poging ito ng ako lang!

Mabilis niyang naidala ang lalaki sa sickbay.

Mabilis rin na inasikaso ng doktor ng eskwelahan si Si Xia at pinahigop siya ng inhaler, napa-general check up na din siya.

"39.5 degrees, mainit siya--kailangan niya ng inhaler! Siguro nakaranas siya ng matinding sitwasyon kaya nagulat siya o di kaya masyado siyang napagod. Kailangan niyang magpahinga ngayon at hindi muna siya pwedeng kumilos-kilos o mapagod ulit!" mahigpit na nagbabala ang doktor.

Uh, mataas na lagnat, trauma, masyadong napagod...

Habang napapakinggan ang sinasabi ng doktor, mas lalong naramdaman ni Ye Wan Wan na kasalanan niya nga ito. Hindi niya nga ito peke, may sakit na talaga siya...

Traumatized? Gaano katagal ba siya sa sapa kagabi?

Naghihintay sa school clinic si Cheng Xue at ang kanyang grupo. May malaking grupo ng mga babae na nakatayo sa labas, naghinagpis at nawarak ang bawat puso ng mga dalagita nang makita nilang nanghihina si Si Xia.

Tumingin ang doktor sa kanila at sumakit ang ulo niya dahil sa sobrang ingay, "May asthma at lagnat lang siya, kailangan bang umarte kayo na parang may namatay? Wag kayo magkumpulan diyan, masyadong masikip dahil andito kayong lahat, baka maapektuhan pa ang mga pasyente. Alis! Lahat kayo umalis dito! Isang tao lang ang pwedeng matira!"

Masugid na tiningnan ni Cheng Xue si Si Xia matapos niyang marinig ang sinabi ng doktor, mukhang hindi rin gustong umalis ng ibang mga babae na kasama niya.

Si Ye Wan Wan naman ay muntikan nang mabali ang braso niya nang buhatin niya si Si Xia na halos kumalakad na silang dalawa sa sobrang bigat. Nang malaman niya na maayos na ang kalagayan ng binata, naghanda na siyang tahimik na umalis mula doon..

Halata naman na hindi siya pwedeng magtagal sa ganong lugar.

Walang mag-aakala na sa oras na paalis na si Ye Wan Wan sa lugar na iyon, may pumiga sa kanyang pupulsuhan o wrist.

Niyuko niya ang kanyang ulo at nakita niya ang walang kulay, parang transparent na kamay ang nakahawak sa kanyang damit.

Sa maliit na kama, tiningnan siya ng parang na-abandona na si Si Xia sabay tumutol siya, "Saan ka pupunta?"

Ye Wan Wan: "..."

Leche! Tama na yan, tigilan mo na ang pag-arte mo!!!

Patuloy na hinihila ni Si Xia ang manggas ni Ye Wan Wan at bigla siyang napalingon sa ibang babae, minando sila ng nananaboy na boses ng binata, "Lahat kayo, umalis kayo rito"

"Bakit ganyan siya…"

"Bakit ang ugly freak na si Ye Wan Wan na naman! Nakakairita!"

Nagdabog ang paa ng mga babae sa sobrang galit, pero dahil sinabi ito ng hunk nila, wala silang magagawa kundi mainis habang umaalis at magreklamo.

Sa gilid ng higaan, nanginginig sa sobrang galit si Cheng Xue na parang binabalot ng apoy ang kanyang ekspresyon. Sa wakas, hindi na napigilan ni Cheng Xue ang sarili niya at nagtanong siya, bawat letra ay kanyang binibigkas at dahan dahan niyang sinambit, "Si Xia! Alam mo ba ang ginagawa mo? Wag mong sabihin sa akin na nahulog ang loob mo kay ugly freak!"

Binalot ng mapait na damdamin ang mga mata ni Si Xia, "Bawiin mo yung sinabi mo."

Nagulat si Cheng Xue, bawiin ko ang sinabi ko?

Ang ibig sabihin ba nito, mahal na ni Si Xia si Ye Wan Wan?

Imposible! Paano mahuhulog ang loob ni Si Xia kay Ye Wan Wan?! Siguro may tinatago si Si Xia!

Tulad ng iniisip niya, narinig niyang paisa-isang binibigkas ni Si Xia ang bawat salita pabalik sa kanya, "Hindi siya ugly freak."

Malapit nang dumura ng dugo si Cheng Xue, "Si Xia! Nabaliw ka na talaga!"

"Wag ka muna magdiwang Ye Wan Wan!" Tinulak ni Cheng Xue si Ye Wan Wan sa gilid sabay tumakbo siya paalis.

Gusto pang habulin ni Ye Wan Wan si Cheng Xue ngunit dahil ang manggas niya ay hinahawakan pa rin ni Si Xia, inunat niya na lamang ang kanyang kamay upang magmakaawa, "Oy, wag mo kong iwan dito mag-isa, babe…"

avataravatar
Next chapter