1222 Hindi siya iiwan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ilang araw na naging abala si Ye Wan Wan sa kanyang trabaho at alam niya na naging abala rin si Si Ye Han sa trabaho nito. Sinabi rin sa kanya ni Xu Yi na abala si Si Ye Han sa isang importanteng proyekto, kaya hindi nagawa ni Ye Wan Wan na guluhin pa ito. Ngunit nang tinext niya si Si Ye Han, sinong mag-aakala na hindi niya pa rin ito sumasagot sa kanya at ang phone pa nito ay nakapatay?

Hindi pa ito masyadong pinansin ni Ye Wan Wan noong una, pero dahil paulit-ulit niyang sinubukan na kontakin si Si Ye Han, bigla niyang naramdaman na parang hindi ganoon ka-simple ang sitwasyon.

Hindi magtatagal na nakasara ng kalahating araw ang phone ni Si Ye Han kahit pa nakasara ito. At tsaka, hindi rin sumasagot si Si Ye Han sa mga text at tawag ni Ye Wan Wan.

"Xu Yi, sigurado ka ba na… nawawala talaga si Ah-Jiu?" Nakasimangot na sinabi ni Ye Wan Wan.

"Miss Wan Wan, sasabihin ko sayo ang totoo. Ang Huafeng Group na nagmula pa sa ibang bansa ay may importanteng proyekto na kasama ang Si family. Personal na nakipagkita si 9th Master sa Huafeng Group at nakipag negosasyon siya sa mga ito. Pero nitong mga nakaraang araw, bigla na lamang nawala sa mundo si 9th Master at walang balita sa kanya. Kahit ang mga miyembro ng Hua Feng group ay hindi siya makontak."

"Hindi hinayaan ng Si family na kumalat ang balita na nawawala si 9th Master, kaya hindi alam ng publiko ang nangkari, ngunit nagkagulo naman ang buong Si family…" nagbuntong hininga si Xu Yi.

Bilang pinuno ng Si family, hindi magagawa ni Si Ye Han na umalis ng ilang araw nang walang kontak sa kanila. May isang posibilidad lamang ang pwedeng nangyari… na-aksidente siguro siya.

Gayunpaman, walang nakakaalam kung anong aksidente ba ang nangyari sa kanya.

"Pupunta kaagad ako diyan." Binaba ni Ye Wan Wan ang tawag at nagmaneho siya patungo sa residensya ng Si family.

Nanlamig ang puso ni Ye Wan Wan nang makarating siya sa bahay ng Si family.

Malaki ang pinagbago nito. Lalong dumami ang mga guwardiya sa buong bahay, at ang bawat isang guwardiya ay armado na tila may kakaharapin silang malakas na kalaban.

"Miss Wanwan!"

Nagmadali lumapit si Xu Yi kay Ye Wan Wan nang makita niya ito.

"Anong nangyayari? Bakit biglang nawala ng walang rason si Ah-Jiu?" Tinanong ni Ye Wan Wan si Xu Yi.

"Ah… mahabang istorya…" umiling sk Xu Yi. Bakit alam niya ang nangyari? Bigla na lang umalis at nawala si 9th Master..

"Na-check niyo na ba ang mga cctv?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Tumango si Xu Yi. "Na-check na namin ang lahat ng cctv footage nitong mga nakaraang araw, pero wala kaming nahanap na bakas ni 9th Master…"

Biglang nagmuni-muni si Ye Wan Wan.

Dalawang posibilidad lamang ang pwedeng mangyari kung hindi nakita sa cctv ng bahay ng Si family si Si Ye Han.

Ang unang posibilidad ay may isang eksperto na kumuha kay Si Ye Han nang hindi napapansin ng Si family.

Ang pangalawang posibilidad ay umalis mismo si Si Ye Han sa bahay ng Si family...

Kung nangyari man ang unang posibilidad, ang nanguha kay Si Ye Han ay may malapit na relasyon sa Si family. Kung hindi, paano nila kinaya na hindi mapansin sa lahat ng cctv camera sa loob ng bahay ng Si family?!

Gayunpaman, minanmanan ni Ye Wan Wan ang pangalawang posibilidad. Imposible na kidnapin ang isang pinuno ng Si family sa sarili niyang bahay mismo. Kung si Si Ye Han mismo ang kusang umalis, madali niya lang maiiwasan ang mga camera sa bahay.

Tinapon ni Ye Wan Wan ang posibilidad na mangyari ang pangalawang ideya niya, pagkatapos niyang isipin ito ng maigi. Walang rason para lumayas bigla si Si Ye Han nang walang pasabi sa kahit sino. Hindi ito akma sa personalidad ni Si Ye Han.

Kung hindi totoo ang dalawang posibilidad, ano pala ang nangyari kay Si Ye Han? Hindi siya pwedeng mawala na lang bigla ng walang rason...

Hindi ugali ni Si Ye Han na talikuran ang isang mabigat na sitwasyon. At tsaka, kung makaharap man si Si Ye Han ng malaking problema, hindi niya itatago at iiwan si Ye Wan Wan sa ere...

avataravatar
Next chapter