336 Hindi sanay manirahan ang magulang ko doon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sandaling iyon, lahat ng bisita na nasa kwarto ay tulirong-tuliro.

Hindi sapat ang "kapal ng mukha" para ilarawan itong mag-nanay na 'to.

"Tita, hindi mo na kailangan pang magalit." tawa ni Ye Wan Wan. "Sa totoo lang, hindi ganoon kalaki ang bahay na niregalo ng magulang ko, kaya kahit na umalis pa kayo sa bahay, maliit pa din iyon para sa aming apat. Kung ito lang din ang kaso… alang-alang sa magulang ko, ireregalo ko ang buong bahay sa inyo."

Tumingin si Ye Wan Wan kay Ye Shao Ting at Liang Wan Jun at sabing, "Papa, Mama… may pamilya si tita; hindi 'yon madali sa kanya. Kung papaalisin talag natin siya, mawawalan sila ng tahanan at pag narinig pa ng mga tao sa labas 'yon, baka isipin nilang wala tayong puso…"

Bigla na lang may mga susi na lumitaw sa kamay ni Ye Wan Wan.

"Papa, Mama…"

Marahang ibinigay ni Ye Wan Wan ang susi sa kanila.

Madilim na lila ang mga susi at may haba ng isang daliri. Sa taas ng bawat isa ay may mga salitang nakalagay na "Golden Seas".

"Bahay sa may Golden Seas?!"

Gulat na gulat sina Fang Xiu Min at Liang Shi Han nang nakita ang mga susi.

Ang Golden Seas ay isa sa mga mamahaling villa sa Imperial City. Sa ngayon, ito ang pinakamahal sa lahat pero wala silang binebentang lupa ngayon--kahit na may pera ka, hindi mo 'to mabibili.

"Paano… paano 'to nangyari!"

Hindi makapaniwala si Fang Xiu Min--hindi ba sinara ng korte ang lupa ni Ye Shao Ting sa Golden Seas?

Kahit na nabawi ito, napakamahal ng bayarin n'on. Paano nagkaroon ng pera si Ye Wan Wan para bilhin iyon?

Tulirong kinuha ni Liang Wan Jun ang mga susi sabay tingin sa kanyang asawa, gulong-gulo na nangyayari. Kahit na si Ye Mu Fan ay puno din ng gulat ang kanyang mga mata

Kaswal na niladlad ni Ye Wan Wan ang mahabang niyang buhok sa kanyang likod, at pinasadahan ng tingin ang pamilya ni Liang Shi Han na may pangungutya at sinabing, "Kaya, tito at tita, sa inyo na lang tatlo ang bahay. Hindi na sanay ang mga magulang kong manirahan sa ganoong klaseng lugar."

Sa ibang salita, hindi angkop sa magulang niya na manirahan sa bahay na tinrato nila na parang isang mahalagang perlas; binigay lang nila ang bahay na iyon dahil hindi nila gusto.

Nangalit ang mga ngipin ni Fang Xiu Min at walang masabi.

Sa puntong ito, naguguluhang tinignan ni Ye Shao Ting si Ye Wan Wan. Ito ba talaga ang arogante at makahari kong anak sa alaala ko…?

Napaisip ng maigi si Ye Shao Ting, hindi talaga magkatugma ang dalawang pigura, at naramdaman niyang magkaibang tao ang nasa harap niya--mula sa itsura niya ngayon hanggang sa ugali at aksyon, malaki ang pagkakaiba nito.

"Ye Wan Wan, ano naman kung may villa ka sa Golden Seas? Malay ba namin kung paano mo nakuha yung lupa?! Sa murang edad, wala ka pa ngang matinong trabaho at hindi ka pa nakaka-graduate sa high school at na-expell ka pa-- isa ka lang salot sa lipunan!" panduduro ni Liang Shi Han kay Ye Wan Wan at galit na nangutya.

Matagal ng narinig ni Liang Shi Han ang balitang ne-expell si Ye Wan Wan sa eskwelahan at hindi siya sigurado kung anong ginagawa nito sa labas.

Hindi man lang tinignan ni Ye Wan Wan si Liang Shi Han, at wala din siyang planong sagutin ito.

"Shi Han, papasok ka din sa Imperial Media University sa lalong madaling panahon at magiging isa ka sa mga piling tao ng lipunan, kaya 'wag mong aksayahin ang hininga mo diyan sa walang kwentang salot na iyan!" galit na sabi ni Fang Xiu Min.

"Imperial Media? Nasa tuktok 'yon sa media profession… talagang ka galang-galang 'yon…"

Nagdududa ang lahat ng bisita habang ang ilan naman sa kanila ay pinagtulungan si Liang Shi Han.

"Kung makakapasok siya sa Imperial Media sa ganyang edad, maganda ang magiging kinabukasan niya.

"Madaming mga eksperto sa media na hindi makapasok sa Imperial Media kahit na gusto nila!"

Ang Imperial Media University ay sabing pinakamahigpit sa lahat ng enrolment sa Imperial City. Kahit na madaming hindi natatanggap doon, ang mga lumalabas naman doon ay nagiging elite sa mundo ng media.

Nang marinig ang mga usap-usapan sa paligid, isang marangyang ngiti ang biglang pumalit sa kadiliman ng mukha ni Fang Xiu Min at pahambog na tinignan si Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter